Вы находитесь на странице: 1из 6

ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala


ng isang kakaibang lalaki. Ito ay isang engkanto. Masarap
mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae
sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa
lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama.
Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.

Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang
huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindi
nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit
niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong
makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa matinding pagkabigla ng
babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang
babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.

Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng
kamay. Napansin niyang isang halaman ang tumutubo. Makaraan
ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na dahon.
Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga
kamay. Ito ang tinatawag na saging ngayon.










SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano
pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.
Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang
nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala
siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa
ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang
dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria!
Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng
iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama
ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka
niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa
hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at
pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw
na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing
manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang
saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong
niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si
Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng
pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-
kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka
siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng
limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and
other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.




SALAWIKAIN

1. Ang umaayaw ay di nagwawagi,
ang nagwawagi ay di umaayaw.

2. Walang tiyaga, walang nilaga - No
pain, no gain
Magsama-sama at malakas,
magwatak-watak at babagsak. -
United we stand, divided we fall.
Masakit ang katotohanan.










BUGTONG

1. Hindi hayop hindi tao,
nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan Ng Sumbrero

2. Naligo si Adan,
hindi nabasa ang tiyan.
Sagot: Sahig







PALAISIPAN

Sino sila?

1. Kadalasan, ang pangalang nagtatapos sa letrang O
ay panlalake, at ang
nagtatapos sa letrang A ay pambabae. Halimbawa:
Claro at Clara, Mario at
Maria.

Minsan naman ang pangalan ng lalake ang nagtatapos
sa letrang A, at ang
babae ang nagtatapos sa letrang O.

Magbigay ka ng halimbawa.


2. Ang Santa ay ginagamit sa pangalan ng babae.
Halimbawa: Santa Clara
at Santa Teresita.

Ang Santo naman ay ginagamit sa lalake. Halimbawa:
Santo Tomas at
Santo Domingo.

Meron ding lalake na kung tawagin ay Santa. Sino siya?




KASABIHAN

1. Wag mong gagawin sa iba, kung
ayaw mong gawin sayo.

2. Kapag may isinuksok, may
madudukot.

3. Kung ano ang itinanim, sya ring
aanihin.

4. Ang taong gipit, sa patalim man ay
kakapit.

5. Ikaw ang nagsaing, iba ang kumain.

Вам также может понравиться