Вы находитесь на странице: 1из 15

Fil2 Finals

1

Part 1: Mga Bahagi ng Teksto
1. Panimula : Paksa at Tisis
ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa upang basahin ang teksto.
Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na
iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng
proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying paksa o mga katwirang
papatunayan o pasisinungalingan.
Wika nga nina Bernales, et al. (2001) , maihahalintulad ito sa Display window ng mga
tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang
abeylabol na paninda o haylayt na paninda.
Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung
ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may akda sa paksang iyon.
2. Katawan : Istraktura , Nilalaman at Order
ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng isang teksto.
ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto.
nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng teksto.
Istraktura at order ang pinakalansay ng teksto.
3. Wakas : Paglalagom at Kongklusyon
Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong maging
makatawag- pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan
ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mambabasa.
Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa na
maaaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananaw ukol sa paksang tinalakay o
impormasyong natutunan.
Lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa
pinakamaikling paraan.
Kongklusyon ang naglalahad ng inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa
pagtatalakay sa teksto.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat
Ang akademikong papel ay may higit na masinsinang pagtalakay at may sinasagot na
katanungan o larangan ng pananaliksik sa pamamagitan ng mga datos o impormasyong
makakalap mula sa mga makikitang pag-aaral at literatura.
Ang isang akademikong papel sa antas kolehiyo ay karaniwang binubuo ng 2,000 hanggang
3,000 salita o 15 hanggang 20 pahina.
Ang pagsulat ng akademikong papel ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagsisiyasat at
pangangalap ng mga datos upang mapagtibay, maipaliwanag mapasubalian at mapahalagahan
ang isang paksain.
Mga Pakinabang na Dulot ng Akademikong Pagsulat
Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at
mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.
Fil2 Finals

2

Malilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod,
pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang
mapanghikayat na sulatin.
Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa
pangkalahatan bilang batis ng ibat ibang kaalamang kailangan salain at suriin para sa
akademikong pagsulat.
Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa
kaalaman ng lipunan.
Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa
kaalaman ng lipunan.
Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan --- ang paggalang sa likha at akda ng
iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at
impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng akda ng may akda at ang pagpapahalaga sa
katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat.
Inaasahan ding mabubuksan ang isip ninyong mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhetibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at
impormasyon.
Matututunan din ninyo ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng
mga impormasyong kapaki- pakinabang para sa inyong tinutuntong imbestigasyon.
Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel
1. Tiyak na Paksa
Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o
larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.
Halimbawa:
Larangan: Dula sa Pilipinas
Tiyak na paksa: Kasaysayan ng dula sa Pilipinas
Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan at pagpapakahulugan sa salitang dula
2. Rasyunal
Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais
siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi
ng napiling paksain.
3. Layunin
ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang
katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.
halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit.
4. Panimulang Haka
pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin.
hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng
pagsisiyasat at pananaliksik.
Fil2 Finals

3

Hal: nagmula sa salitang dula mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay laro. Ang mga
katangian ng dula ay maaaring nahalaw sa mga salita at katuringang iniuugnay sa salitang
dula.
5. Sarbey ng mga Sanggunian
Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng
mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat.
ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga
nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang
pagsisiyasat at pananaliksik.
6. Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik
sa pangkalahatan, maaaring uriin ang mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang
ginagamit ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-
eeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo.
7. Pag-aayos ng mga Datos
nangyayaring makapangalap ng mga datos at impormasyon na kinakailangang ilagay sa masinop
na paghahanay upang madaling masuri at maisistematays.
1. Ang Gamit ng Tala, Note Cards at Reference Cards
a. Ang 3x5 notecard ay pinagtatalaan ng mga sanggunian. Isang kard kada isang sanggunian ng
gamit upang madaling makita kung ilang sanggunian na ang nasusuri ng mananaliksik.
Sa 3x5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang bibliographic entry ng sanggunian
sa gitna.
Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang call number o ang pinagmulan ng
sanggunian(kung saan ito nakuha o nakita).
Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kung ano ang pangkalahatang paksa ng
sanggunian.
b. Ang 5x8 note card naman ang pinaglalagyan ng mga datos o tala na makukuha sa mga
babasahi. Maaaring ilagay rito ang ibat ibang uri ng datos. Makakatulong din kung
maglalagay ng mga pamagat ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard.
c. Sa pagtatala , maaring pumili ng ibat ibang paraan ng pagkuha ng tala---paggawa ng buod,
tuwirang sipi, presi, pagsasalin sa Filipino mula Ingles at iba pang wikang banyaga.
a. Tuwirang Sipi-pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang
gagawin kundi ang kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring ipaloob sa panipi ang sipi
upang matandaan na ito ay tuwirang sipi.
b. Buod, Presi(paraphrase) at Hawig-Ang buod o sinopsis ay isang uri ng pinaikling
bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya ng panulat nang may
bahgyang pagdedetalye upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa
tinatalakay na paksa.
Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned or cut-down
statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng
isang mahanang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga
Fil2 Finals

4

ideya ng akd sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono,
at punto de vista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.
Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang may 5 hanggang 40 porsyento ng haba
ng orihinal na akda.
Maaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaaring ito ang sentral na
ideya o sintesis na mahahalagng ideya.
Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan ang paggawa ng hawig. Di tulad
ng presi na naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa orihinal na akda, ang hawig o
paraphrase ay isang hustong paghahanay ng mga ideyang gamit ang higit n payak na salita
ng nagbabasa.
2. Salin-mahalaga na matutunan ang pagsasalin sa Filipino upang maging malawak ang batis ng
impormasyong magagamit sa pananaliksikSa pagsasalin, pinaanatili pa rin ang dangal ng
paggamit ng wikang piangsasalinan nang may pagsasaalang-alang sa akdang nakasulat sa
ibang wika.
3. Sintesis-pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda.
Hal.Marami sa atin ang mapanghusga sa kapwa dahil lamang sa katayuan sa buhay ng isang tao .
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
8. Pagbabalangkas
Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan.
Sa pamamagitan nito, magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak at
tiyak na ideya.
Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik.
Dahil itoy malawak na konsepto, maaari pang maglagay ng suporta at kaugnay na ideya.
Sa pinakamahigpit na kaayusan mg balangkas, ang suportang ideya sa bawat ulo ng balangkas ay
kinakailangang pantay-pantay.
Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa balangkas ay tinitiyak ng bilang ng antas ng
balagkas.Hal.Ang mabilis na pag-unlad ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino sa larangan ng
pagnenegosyo sa Pilipinas
I. Panimula
A. Panukalang Pahayag
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Kabuluhan ng Pananaliksik
D. Layunin ng Pananaliksik
E. Saklaw at Delimitasyon
F. Metodolohiya
II. Kahulugan ng mga Katawagan
III. Katawan
A. Intoduksyon sa Negosyo
B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas
C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
Fil2 Finals

5

D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
3. Ikatlong kapanayam
IV. Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam
V. Konklusyon
Uri ng Balangkas
a. Balangkas na talata
paghahanay nang isa-isang mga ideya.
ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong pangungusap na
nasa anyong pasalaysay(deklarativ)
b. Balangkas na Paksa
gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas.
gumagamit ng salita,parirala sa paghahanay ng datos.
ang mga salita,parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa
pagtatapos ng talata.
c. Balangkas na Pangungusap
gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng mga datos.
pasalaysay kung tiyak na ang datos na ilalagay;patanong kung nasa antas pa lamang ng
pagbuo ng mga datos na nais kalapin.
kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap.
kailangan maipakita rin dito ang wastong gamit ng malaki at maliit na titik at wastong
pagbabantas.
LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.
Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat
sa mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang
kailangan pangatwiranan.
May ibat ibang ebidensyang maaring magamit. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;
b. Obserbasyong pansarili o kayay ng ibang tao;
c. Mga saksi; at
d. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang
argumento.
Lohikal na Pangangatwiran
(a) Pangangatwirang Pabuod ito ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kayay sa mga
partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.
(b) Pasaklaw na Pangangatwiran ito naman ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto
o ideya na sinusundan nga mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.
Ang ganitong pangangatwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo tulad ng mga
sumusunod:
Fil2 Finals

6

Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis:
Lahat ng katoliko ay Kristiyano
Pangalawang Premis:
Si Juan ay Katoliko
Kongklusyon:
Si Juan ay Kristiyano
Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung si Juan ay isang mabuting
Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.
Kongklusyon:
Si Juan ay pupunta sa langit.
Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis:
Kung masama kang Kristiyano, hindi
makakarating sa langit.
Pangalawang Premis:
Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.
Kongklusyon:
Makakarating si Pedro sa langit.
May Pamiliang Silohismo
Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis
sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis:
Lahat ng lumalangoy ay isda.
Pangalawang Premis:
Si Nena ay lumalangoy.
Kongklusyon:
SI Nena ay isda.
Palasi ng Pangangatwiran
Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil
nagpapahina ang mga ito ng isang argumento .
a. Argumentum ad misericordiam pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.
Hal.Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-
awa kung sila ay lalagpak.
b. Argumentun ad ignorantiam nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan
o kayay totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.
Hal. Ito ay isang ebidensya at kailangang tanggapin dahil wala namang tumututol dito.
Fil2 Finals

7

c. Non sequitur paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does
not follow the premise
Hal.Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon, sila ay
may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
d. Ignoratio elenchi pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat
patotohanan.
Hal. Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa katunayay isa siyang mabuting anak at
mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.
f. Maling Paglalahat pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.
Hal. Mahirap mabuhay sa Maynila kung kayat masasabing mahirap mabuhay sa buong
Pilipinas.
g. Maling Analohiya paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.
Hal.Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasiy mabenta naman ang kape kahit na
tag-init.
h. Maling Saligan paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon.
Hal. Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang
Amerikano dahil siya ay nasa California.
j. Maling Awtoridad paggamit ng tao ng sangguniang walang kainalaman sa isang paksa.
Hal. Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
k. Dilemma pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib.
Hal. Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay.
l. Mapanlinlang na Tanong paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng
isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Hal. Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
Part 2: PANANALIKSIK
Kahulugan
May ibat-ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananliksik.
Good (1963) - Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Aquino (1974) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Manuel at Mendel (1976) - Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan.
Parel (1966) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang
bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Fil2 Finals

8

E. Trece at J.W Trece (1973) - Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang
kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
Calderon at Gonzales (1993) - Formulated in more comprehensive form, research may be
defined as a purposive, systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying,
organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for
invention, for the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing knowledge, all
for the preservation and improvement of the quality of human life.
Layunin
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972). The
purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina.
b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon
c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
d. Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
e. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at
iba pang larangan.
f. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
g. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.

Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

1. Ang pananaliksik ay sistematik
- May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
2. Ang pananaliksik ay kontrolado
- Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling
salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-
aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga
eksperimental na pananliksik.
3. Ang pananaliksik ay empirikal
- Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong
limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-
verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang bilang ng tao ay isang datos
na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunan iyon
ng isa o dalawa. Ibig sabihin, ang iba ay maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kayay hindi
Fil2 Finals

9

naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng mga
di-empirikal na datos.
4. Ang pananaliksik ay mapunuri
- Sa pananaliksik, ang mga datos na naklap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi
magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalsan
pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pangestadistika sa
pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
5. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo
- Ang mga datos ay dapt mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang
pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. Halimbawa,
ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang
tanong bawat respontente (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos, kumpara sa
mga pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na istatistikal na halaga.
6. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda
- Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay
sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang
mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand.
7. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon
- Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt
nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng
konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
8. Ang pananliksik ay matiyaga at hindi minamadali
- Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan
ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay
kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.
9. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan
- Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong
paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
10. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang
- kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maasi siyang dumanas ng
di-pagsng-ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
kasamang mananaliksik.
11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat
- Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali
ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na
paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis at disertasyon)
para sa angkop o ang tinatawag na oral presentation o defense.




Fil2 Finals

10

Part 3: ANG MANANALIKSIK: MGA KATANGIAN AT PANANAGUTAN
Ang isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa mga
pamamaraan ng pananaliksik.Kailangan niya ring maglaan ng sapat na panahon sa pangangalap ng
kanyang mga datos.
Sadyang hindi biro ang maging isang mananaliksik.May mga katangian siyang dapat taglayin at
mga pananagutang dapat isaalang-alang.Sa kanyang pananaliksik, dapat niyang iasaalang-alang na may
panangutan siya sa kanyang mga hanguan, sa kanyang mga mambabasa at sa lipunan sa kabuuan.
MGA KATANGIAN DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALIKSIK
a. MASIPAG
Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsisiyasat sa lahat ng
anggulo at panig na pinapaksa ng pananaliksik.Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta
ng kanyang pananaliksik. Kung magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang
datos, kakulanagn ng katibayan para sa kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwirang
kongklusyon.
b. MATIYAGA
Kakambal na ng sipag ang tiyaga.Sa pangangalap ng mga datos , kailangan maging
pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos, maaring
imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa nauna na nang mga nakalap na
datos.Samakatwid,kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man iminumungkahi ng tagapayo, ang
panangalap ng mga datos mula sa ibat-ibang hanguan tulad ng mga magasin, pahayagan, journal,
tisis, disertasyon, manuskrito, manipesto, polyeto, praymer, imbestigasyon, obserbasyon at mga
website sa internet.
c. MAINGAT
Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos,kailangang maging maingat ang
isang mananaliksik.Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa panagkunan ng datos at pinagmulang
ng anumang ideya,ang pag-iingat ay kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta ng
pananaliksik.Kailngan ding maingat at tiyakin ang iba`t ibang panig ngpaksang sinisiyasat at maingat
na tiyakin may sapat na katibayan o balidasyon ang anuimang posisyon o interpretasyong ginawa sa
pananaliksik.
d. SISTEMATIK
Ang pananalikisik ay iasng sistimatikong gawain. Sa makatuwid,kailangang sundin ng isang
mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunod-sunod.Halimbawa,hindi maaring unahin
ang paglalagom at pagbuo ng mga konklusyon nang hindi pa nakakangalap ng mga datos.Sa
pangangalap ng mga datos,kailangan nya ding maging sistematiko nang hindi maiwaglit ang mgta
datos sa sandaling kailngan na niya ang mga ito.
e. KRITIKAL
Ang pananaliksik ay isang iskolaring gawain.Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
Samakayuwid,sa pag-ieksamen ng mga inpormayion,datos, ideya o opinyon upang matukoy kung
ang mga itoy valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Sa madaling salita,kailangan niyang
Fil2 Finals

11

timbang-timbangin ang mga katwiran ng mga impormasyon upang kanyang mapagpasyahan kung
alin sa mga iyon ang kanyang mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.
Mga pananagutan ng isang mananaliksik
Katapatan ang pangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ang katapatang iyo ay
kailngan niyang maipamalas sa pagkilala ng pagkukunan ng kanyang mga datos at ipang pang ideya
o impormasyon sa kangyang pananaliksik.
a. kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pingakunan ng datos,
b. bawat hiram na termino atg ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala,
c. hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at banibigyan ng karampatan na
pagkilala, at
d. hindi siya nagkukubli ng mga datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kangyang mga
argumento o ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partyikular na pananaw (Atienza, et
al.,1996).
Ang Isyu ng Plagyarismo
Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng
isang akda, himig at iba, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay ang uri ng pagnanakaw at
pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza, et al., 1996).
Sa pananaliksik ay may sinisunod na etika. Katulad ito ng anumang disiplina na may istriktong code
of ethics na ipinatutupad. Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang
plagyarismo. Dahil sa kabigatan ng kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa isang unibersidad,
natanggalan ng digri ang isang nagtapos na ng doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang programa
sa telebisyon (atienza, et al., 1996)
Sina atienza, et al. (1996) ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang
maaaring ipataw sa isang plagyarista. Ilan sa mga halimbawa ng plagyarismo kanilang itinala ay ang
sumusunod:
a. kung ginagamit ang orihinal o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi ang pinagkunan,
b. kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala
ang pinagmulan,
c. kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa ibat ibang akda at pinagtagni-tagni ang
mga ito nguit hindi kinilala ang mga pinagkunan,
d. kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at
hindi itinila na salin ang mga ito.
e. kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang pinagkunan ng
inspirasyon, at
f. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalab as niyang
siya ang nagkalap ng mga datos na ito.


Fil2 Finals

12

ANG PAMANAHONG PAPEL
Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante
sakolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.
Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
1. Fly Leaf 1 - ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit na
ano sa pahinang ito.
2. Pamagitang Pahina - ito ang pahinang nagpapakilala sapamagat ng pamanahong-papel.
3. Dahon ng Pagpapatibay - ito ang pahinang kumukumpirma sapagkakapasa ng mananaliksik
atpagkakatanggap ng guro ngpamanahong papel.
4. Pasasalamat o Pagpapakilala -sa pahinang ito tinutukoy ngmananaliksik ang mgaindibidwal,
pangkat, tanggapan oinstitusyong maaaring nakatulong sapagsulat ng pamanahong-papel
atkung gayoy nararapat pasalamatn okilalanin.
5. Talaan ng Nilalaman - dito nakaayos ang pagbabalangkasng mga bahagi at nilalaman
ngpamanahong-papel at nakatala angkaukulang bilang ng pahina kung saanmatatagpuan ang
bawat isa.
6. Talaan ng Talahanayan at Grap - dito nakatala ang bawat pamagat ngbawat talahanayan ato
grap nanasa loob ng pamanahong papel atang bilang ng pahina kung saanmatatagpuan ang
bawat isa.
7. Fly Leaf 2 - ito ay isa na namang blangkongpahina bago ang katawan ngpamanahong papel.
8. Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
a. Panimula o Introduksyon -ito ay isang maikling talataangkinapapalooban ng
pangkalahatangpagtalakay ng paksa ngpanananaliksik.
b. Layunin sa Pag-aaral - Dito nilalahad ang layunin o dahilankung bakit isinasagawa
angpananaliksik ng paksa ng pag-aaral.Tinutukoy rin dito ang mga ispesipikna suliranin
na nasa anyongpatanong.
c. Kahalagahan ng Pag- aaral - Dito inilalahad ang signipikans ngpagsasagawa ng
pananaliksik ngpaksa ng pag-aaral.
d. Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy dito ang simula athangganan ng pananaliksik.
e. Depinisyon at Terminolohiya - Dito itinatala ang mga katawagangmakailang ginamit sa
pananaliksikat ang bawat isay binibigyangkahulugan.
PANANALIKSIK
ito ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon nahumahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ngkung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
Isinilang ang gawaing pananaliksik ngmagsimulang magtanong ang mga sinaunang mga tao sa
mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa
mgakatanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga
bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik
dahil kay Galileo Galilei noongmga 1500.


Fil2 Finals

13

Mga Uri ng Pananaliksik
1. Pang-akademya.
o Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sapagkat isinasagawa ito ngmga mag-aaral,
hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang
makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming
bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan.
Ginagamit din ang gawaing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga
manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa
pagsusulat.
2. Pang-agham
o Tinatawag din itong pamamaraang pang-agham o pamamaraang siyentipiko. Isang
pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang
pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawa sa mga larangan ng biyolohiya,
inhinyeriya, pisika, kimika, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik,
maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng
mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at
kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula
sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga
samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.
3. Pampamilihan
o Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa
pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng
mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.
4. Pang-edukasyon.
o May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uring
pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.
5. Pangkasaysayan
o Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal natalaan,
mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan,
mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mgaalahas, mga aparato, at
mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mgaarkeologo.
6. Pangwika
o Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan angkung
paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sawikang sinusuri, at
maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mgamamamayang nasa isang
pook.

Pagpili ng Paksa
1. Kasapatan ng Datos Kailangang may kasapatan ng literatura hinggil sa paksang pipiliin .
Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan ngilan pa lamang ang
mga abeylabol na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng panahon May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon . Subalit
mas mainam kung ang pananaliksik ay may itinakdang panahon upang ito ay tapusin nang
matamo ang minimithing kasagutan o resulta para sa kapakinabangan ng mga susunod na
mananaliksik.
3. Kakayahang Pinansyal . Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa . May mga paksang
mangangailangan ng malaking gastusin , at kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad
Fil2 Finals

14

ng pananaliksik , mas mainam kung ang pipiliing paksa ay naaayon sa kakayahang pinansyal ng
mananaliksik .
4. Kabuluhan ng Paksa Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay
humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan . Samakatwid , kailangang pumili ng
paksang hindi lamang napapanahon , kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba
pang tao .
5. Interes ng Mananaliksik magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng ga
datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang
pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman
talaga niya .


PORMAT NG I PANANALIKSIK SA FILIPINO 2
Kabanata I ; Ang Suliranin at Kaligiran Nito
A. Panimula /Saligan ng Pag-aaral
B. Layunin
C. Kahalagahan ng pag-aaral
D. Saklaw at Limitasyon
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Panimula o Introduksyon - Binigbigyang-daan sa introduksyon ang maalwang pagdaloy ng
kaisipan tungo sa paksa at layunin. Kailangang maging maliwanag at maikli ang mga
pambungad. Hindi dapat maging mahaba pa ito kaysa sa paksang talakay. Isang maikling
talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
Layunin ng pag-aaral - Ano ang gustong malaman o matuklasan sa iyong pananalisik.Inalalahad
ang pangkalahatang layunin ,dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral . Tinutukoy dito ang
mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng pag-aaral - Ano ang magiging kontribusyon ng inyong pananaliksik sa sarili,
kapwa, lipunan, pamahalaan at bayan. Kailangan tuwirang makapag-ambag ito ng mahalagang
kabatiran at dagdag na kaalaman para sa nakaraan, ngayon at hinaharap.
Saklaw at Limitasyon - Dapat ay ispisipiko at naglalayon na I-pokus ang atensyon ng sumusulat
sa pinakapaksa.
Depinisyon ng mga Terminolohiya - Binibigyang paliwanag o pakahulugan ang mga
mahahalagahang salitangginamit ng mananaliksik. Isang mabisang paraan ito sa pagpapadali ng
unawa ngkabuuan
Pagbibigay-kahuluguhan sa mga salita
Konsepwal - batay sa kahulugan sa diksyunaryo at iba pang babasahin.
Operasyunal - batay sa konsepto o ideya kung papaano ginamit ang salita sa pag-aaral

Kabanata II. Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ilalahad sa kabanatang ito ang balik-aral ng mga kaugnay na literaturang mga naisagawang
pagsisiyasat. Sa mga nalikom na pag-aaral at mgaliteratura masasalig ang kasalukuyang saliksik at
basehan ng rekomendasyon at konklusyon.
1. Mga Kaugnay na Pag-aaral (references)
a. Thesis Books, essays, TV and Radio
b. Term Papers News papers
c. Research Documents
d. Dissertations
Fil2 Finals

15

2. Mga Kaugnay na Literatura (references)
a. Books Thesis, term papers, research documents,
b. Essays dissertations
c. TV and Radio
d. Magazines
e. News papers


Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Dito nakasaad kung papaano ikaw, bilang manananaliksik ay magkakalap ng mga datos para sa
iyong pag-aaral.
a. Disenyo ng Pananaliksik - nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral.
b. Respondente - tinutukoy dito kung ilan sila at paano sila pinili.
c. Instrumento ng Pananaliksik - inilalarawan dito ang paraang ginamit ng pananaliksik sa
pangangalap ng mga datos at impormasyon.
d. Tritment ng mga Datos - inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang
ang mga numerikal na datos ay mailarawan.

Вам также может понравиться