Вы находитесь на странице: 1из 2

Alamat Ni Daragang Magayon

Ni Damiana Eugenio
TAGPUAN : Sa maliit na bayan ng Rawis
MGA TAUHAN : Dawani , Datu Makusog , Ulap , Magayon at Pagtuga
Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay
may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang
kahuluga'y "Magandang Dalaga."
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga
ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen,
anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto
ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang
pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang
Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga
sagabal. Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak.
Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng
masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y
nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang
tangi mong kariktan!"
"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"
"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit ditto.
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y
kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.
"Maaari bang kita'y makitang muli?"
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.
"Isang araw," mungkahi ng lalaki, "kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!"
"Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?" may alinlangang paliwanag. "Dapat niyang malaman!"
"Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!"
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at
nakakahalina kung kumilos. ang kasal ay gaganapin sa kabilugan ng bwan
Nagpaalam si Gat Malayan upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan.
Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang
sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: "Kung hindi kita makamtan,
walang magkakamit sa iyo sinuman!"
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y
sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya.
Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen.
Nagkaroon ng maringal na handaan - kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahandumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.
"Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya.
"Hindi maaari!" tugon ni Kauen.
Nagkaroon ng sukatan ng lakas.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna
at sawayin ang dalaga. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga.
Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng
hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na
magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok
ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.


KAY MARIANG MAKILING
ni Edgar Calabia Samar

Nagpaalam noon ang Nanay.
Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
Anong pook ang maaari niyang puntahan
upang di na magbalik?
Anong pook ang maaari niya?
Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling.
Inalala ang kuwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
Hindi na siya babalik, sabi ni Tatay.
Pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo, mas maganda itong tingnan
sa malayo: hindi matitinag, buo.

Вам также может понравиться