Вы находитесь на странице: 1из 2

Kabataan noon at ngayon: sino ang huwaran para sa kabataan sa hinaharap?

Hayaan ninyo akong imulat kayo sa pagpapalang hatid ng araw na ito..


Isang magandang araw sa ating lahat..

Tayo ngayon ay nasa kalagitnaan ng isang rebolusyon na kung saan ang kasabihang
" ang tanging permanente sa mundong ito ay ang pagbabago" ay hindi lang isang
paniniwala kung hindi ay isang katotohanan; mga pagbabagong hindi lang
nililimitahan ang mga materyal na bagay pati na rin ang ating pag.iisip, paniniwala
at nararamdamanisang eksplosibong halimbawa nito ay ang pagbabago ng mga
kabataan noon at ngayon..

Paano, saan at ano nga ba ang pinagkaiba ng kabataan noon at ngayon?
Alam ko na wala akong karapatang husgahan ang mga kabataan ng makalumang
panahon sapagkat hindi pa ako isinisilang sa mundong ito noong mga oras na iyon
at lalong wala akong karapatan upang husgahan ang mga kabataan sa kasalukuyang
henerasyon sa kadahilanang hindi ang maliit kong tinig ang siyang magrerepresenta
sa kabuuan ng mga kabataang ito.

Ang mga paghahambing na aking ginawa ay nakabase sa kung ano ang aking mga
karanasan-mga nabasa, narinig at nakita na walang intensyong makasakit ng
damdamin ng sinuman.Isang bagay lamang ang aking naaaninag na siyang naging
punot dulo ng lahat ng kapurihan at kapintasan ng mga kabataan noon at ngayon..
nananahan, kalayaanang una ay para sa kahapon at ang huli ay para naman sa
ngayon..

Bakit nananahan?
Ang mga kabataan noon ay masunurin, may respeto,tiyaga, kalantayan at sikap; mga
kabataang nakadepende sa tao, bagay at kapaligiran na kanyang ginagalawan.Siya
na sumusunod at susundin ang mga patakaran ng bansa, ng kanyang pamilya at
maging ng ating Panginoon; siya na nirerespeto ang bawat desisyon ng mga tao na
kanyang mahal;siya na makapaghihintay ng tamang panahon, gawin ito sa tamang
lugar at kasama ang nararapat na tao;siya na namumuhay ng simple at walang
intensyong makasakit ng iba;siya na pumapayag na isakripisyo ang sariling
kapakanan para sa iba.Ngayon, sabihin ninyo sa akin,nakikita ba ninyo ang
kagandahang dulot ng nananahan?

Sa kabilang banda,bakit naman may kalayaan? Ang mga kabataan ngayon ay
namumuhay sa praktikalidad, pamantayan, kumpitisyon, kalamangan at
impormasyon kabataan na siyang nakasalalay hindi kanino man kung hindi sa
kanyang sarili lamang; siya na sumusubok hanapin ang pinakamadaling paraan
upang gawin ang mga bagay-bagay; siya na naghahangad ng mataas sa gayong
paraan ng pagtatalaga ng mataas na pamantayan; siya na ginawa ang lahat ng
kanyang makakaya upang marating ang tugatog ng tagumpay; siya na puno ng
kaalaman at namumuhay sa globalisasyon.Ngayon, sabihin ninyong muli sa akin,
nakikita ba ninyo ang kagandahan ng pagiging malaya?

Alam niyo ba na itong tinatawag kong nananahan at kalayaan ang siyang dahilan ng
hindi kasiya-siya at hindi kanais-nais na mga bagay na ginawa at isinasagawa ng
isang kabataan. Kung ating iisipin, kung paano ang kanilang pagkamasunurin ay
nagtulak sa kanila sa pagiging isang manlulupig; sa pagsunod sa bawat utos,
hinahayan nila ang iba na gamitin sila; kung paano ang kanilang patitiyaga ay nauwi
sa walasa paghihintay, lalo lamang nila pinatatagal ang pagdurusa..
Kung paano ang kanilang pagkamarespeto ang siyang pumipigil sa dapat nilang
malaman at maunawaan; kung paano ang pagsasakripisyo ng kanyang sarili ang
siyang naging dahilan upang mapasailalim siya ng iba at kung paano ang simpleng
pamumuhay na kanyang pinapanatili ay wala siyang gaanong nakamit..
Sa pagiging kontento sa kung anong mayroon at sino talaga sila, sila ay nangarap at
nagkaroon ng kaunti..


Inyo na bang naunawaan ang hindi katangki-tangkilik na resulta ng nananahan at
kalayaan?

Kadalasan nating maririnig sa mga nakatatanda ang mga sermon na patungkol sa
kung ano sila noon na dapat nating tularan sa ngayon..
nakaririnig din naman ako ng mga depensa mula sa mga kabataan ngayon na ang
mga pagbabago sa kasalukuyang panahon ay humuhingi ng pahintulot upang kami'y
intindihin.Bakit hindi pagsamahin lahat ng mga positibong pananaw ng mga
kabataan noon at ngayon na siyang magsisilbing bagong mukha ng kabataan sa
kasalukuyan at hinaharap na panahon..

Mahalaga ang oras.Nagawa na ng mga kabataan noon ang kanilang partisipasyon at
tayo, sa makabagong panahon ay mayroon pang pagkakataon; lahat ng mga
pagkakamali noon ay itama natin ngayon.Subukan natin lahat ng ating makakaya
upang masagot ang katanungang
Kabataan noon at ngayon: sino ang modelo para sa mga susunod na henerasyon?

Вам также может понравиться