You are on page 1of 3

Pagbabagong Anyo ng Bayan

Batis: Agoncillo, Teodoro. Kasaysayan ng Bayang Pilipino, ikatlong edisyon. Metro Manila,1981.

GALAW NG MGA DAYUHAN

Ang Ekspedisyon ni Magallanes
Mga sanhi ng pagtungo sa silangan
1. Mahigpit na pangangailangan ng Espanya sa mga bansa sa Silangan
2. Mahigpit na pangangailangan ng Espanya na makatuklas ng bagong ruta o daraanan patungong
Silangan
3. Pagkakatuklas sa ibang lupain noong ika-15 at ika-16 na daantaon.

Ang pakikipagkalakalan sa Silangan
1. Krusada sa Herusalem (1096-1273 AD)
2. Marco Polo sa Tsina noong panahon ni Kublai Khan (1258-1294 AD)
Inilarawan ang kabutihan, kadakilaan, kayamanan ng mga lugar na kanilang napuntahan.

Produkto: rekado (para sa pagtitinggal ng karne kung tag-lamig), bungang-kahoy, sutla, alahas, alpombra,
pabango, makikinang na hiyas.
Bangkong nagpapautang sa mga mangangalakal at mga hari man.
Sa una ay monopolyo ng Benesya, ngunit ng lumaon ay nakikalakan na rin ang mga Portuges, Kastila,
Olandes, Inggles at Pranses.
Pag-aagawan sa kalakal-Silanganpaghahanap ng mga bagong ruta.

Ang mga bagong ruta
Tatlong ruta
1. Malaka--Karagatang IndyaPulang Karagatan---Kayro
2. MalakaKaragatang Indya---daungan ng IndyaGolpo ng Persya---BagdadKonstantinopla---
Ehipto
3. (panlupa) Lunsod ng Bokhara at SamarkanKaragatan ng Kaspia---Karagatang Itim---Konstantinopla

Pagbihag ng mga Turko sa Konstantinopla, 1453. Ipininid ng mga Turko ang ikalawa at ikatlong ruta,
ngunit pinahintulutan ang mga taga-Benesya sa unang ruta sa kondisyong magbabayad sa mga Turko.

Kinailangang humanap ng bagong ruta ang Espanya at Portugal

Ang pagtuklas sa ibang lupain
Lapad ang daigdig at napaliligiran ng karagatan.
Muling Pagsilang: binuhay ang konsepto ni Aristoteles na bilog ang mundo.
Toscanelli: mararating ang Silangan sa pakanlurang paglalakbay, 1474

Prinsipe Enrique ng Portugal: astronomiya, nabigasyon, paraluman, astrolabyo at karabela
nagpadala ng mga manunuklas sa Aprika. Narating ang Madeira at Asores, 1431. Cape Verde Islands at
Sierra Leone, 1460.
Bartolomeo Diaz: Cape of Good Hope, aka Tangos ng Bagyo, 1487.
Vasco de Gama: nakarating sa Kalikut, Indya.

Pagkatuklas sa Amerika
Cristobal Colon: New World (kasalukuyang Amerika), 1492. Sa paniwala ni Colon ito ay ang Indya.
Vicente Pinzon: Brasil, 1513
Nuez de Balboa: narating ang karagatang Pasipiko matapos bagtasin ang Panama.

Ang Kasunduan ng Tordesilyas
Pagbabagong Anyo ng Bayan

Portugal: Imperyong kolonyal sa mga tuklas sa Silangan
Espanya: Imperyong kolonyal sa mga tuklas sa Bagong Daigdig
Upang maiwasan ang alitan, inilathala ni Papa Alejandro VI noong Mayo 3, 1493 ang bulang naghahati sa
daigdig: ang mga bayang matuklasan sa gawing kanluran at timog ng Asores at Cape Verde ay sa
Espanya samantalang sa Portugal naman ang buong Aprika.
Pinawalang saysay ng bula ng Setyembre 25, 1493 na nagpahintulot sa Espanya na sumakop ng mga pulo
sa Silangan, sapagkat siya ay isang Kastila.
Tinutulan ng Portugal sapagkat labag sa naunang bula kaya nagkasundo sa Tordesilyas noong Hulyo 7,
1494:
1. Mapapasa-Espanya ang alin mang lupain sa kanluran ng markang guhit at mapapasa-Portugal ang mga
lupain sa silangan.
2. Alin mang lupaing matutuklasan ng Portugal sa Kanluran ay ipagkakaloob sa Espanya, gayundin ng
Espanya sa Portugal.
3. Ang Espanya ay hindi magpapadala ng mga sasakyang dagat sa mga lupaing nauukol sa Portugal,
gayon din ang Portugal.

Ang Ekspedisyon ni Fernando Magallanes, 1519
Trinidad, Concepcion, San Antonio, Santiago at Victoria
San LucarAtlantikoBrasilKakiputan sa duloPasipikoMarianas---Homonhon, Samar (17
Marso 1521)
Sanduguan (Raha Kulambo at Si Agu) at Misa
Kapuluan ni San Lazaro

Cebu: Sanduguan kay Raha Humabon (Carlos at asawa na naging Juana)
Mactan: May alitan sa pagitan ni Sula at Lapulapu na parehong datu sa Mactan. Isinuplong ni Sula kay
Magallanes si Lapulapu na umanoy ayaw kilalanin ang hari ng Espanya. Nagpahatid ng tulong si
Humabon upang salakayin si Lapulapu ngunit nagyabang ang mga Kastila.
Pigafetta: ng namatay si Magellan ay nawalan sya ng ilaw, ng salamin, ng kasiyahan, at ng patnubay
Victoria na lamang ang nakarating sa Espanya noong Setyembre 6, 1522 sa pamumuno ni Sebastian del
Cano (kauna-unahang sirkumnabigasyon)

Ang Espedisyon sa Silangan
Loaysa--Sebastian Cabot--Sayavedra

Kasunduan ng Saragosa, 1529
Dulot ng pag-aagawan ng Portugal at Espanya sa mga pulo ng Molukas.
Napasa Portugal ang Molukas (na talaga namang kanya ayon sa Tordesilyas), matapos magbayad ng 350,
000 gintong dukado sa Espanya.

Ang Ekspedisyon ni Villalobos
Mula Mehiko, 1542---Mindanao, 1543.
Nagtanim ng mais upang mabuhay, ngunit di sumapat kaya humingi ng tulong ang isa sa kapitan ni
Villalobos na si Bernardo dela Torre kay Raha Makandala ng Tandaya (Samar).
Bilang parangal ikinabit ni Villalobos ang pangalang Felipinas sa mga isla ng Samar at Leyte.
Nadakip sa Molukas.

Ang Espedisyon ni Legazpi, 1564
Espedisyon ukol sa rekado at paghahanap ng ruta pabalik ng Mehiko.
Miguel Lopez de Legazpi at Padre Andres de Urdaneta sakay ng 2 galyon at 2 petatse
Cebu, 1565---Cibabao (Leyte)---Tandaya (Samar)Mindanao---Bohol---Cebu

Si Legazpi sa Cebu
Pagbabagong Anyo ng Bayan

Engkwentro kay Raha Tupas
Kalaunan ay nagkasundo:
1. nangako ang mga katutubo na magiging matapat sa hari ng Espanya at sa mga Kastila
2. nangako ang mga katutubo na tutulong sa mga Kastila sa digmaan, gayon din ang mga Kastila
3. pagsusuko at pagpaparusa sa mga katutubong gagawa ng laban sa mga Kastila, gayun din sa mga
Kastila
4. Ang panindang ipagbibili sa mga Kastila ay hahalagahan ayon sa karaniwan at ang mga panindang
ipagbibili sa mga katutubo ay hahalagahan ng katamtaman
5. hindi papasukin sa bakuran ng mga Kastila ang sinumang katutubong may sandata.

Eksempsyon sa buwis sa loob ng isang taon. Pagbubuo ng pamayanang hugis triyanggulo na
pinanganlang San Miguel at ang Kuta ni San Pedro. Kalaunan ay binago ang pangalan ng pamayanan at
ginawang Lunsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus.

Sanduguang Legazpi at Si Katuna

Ang mga suliranin ni Legazpi
1. Kakulangan sa pagkain
2. Masamang kapalaran sa pamayanan (sunog)
3. Pag-aalsa ng mga tauhan
4. Portuges (ang Pilipinas ay nasa panig ng Portugal ayon sa kasunduan)

Ikalawang pamayanang Kastila sa Panay, 1569 na ginawang base ng pananakop sa mga kalapit pook.

Unang espedisyon sa Maynila
Sa pamumuno ni Juan de Salcedo, apo ni Legazpi, 40 kawal na Kastila, 50 Bisaya.
Ang Maynila ay pinamumunuan ni Raha Sulayman (Muslim) sa lugar na ngayon ay kinatatayuan ng
Kutang Santiago. Ang kaharian ay tinatanuran ng kanyong tanso na kung tawagin ay lantaka kasama ng
mga kutang kahoy. Ang mga mandirigma ay nasa loob ng kuta at mga mamamayan ay nasa labas sa may
ilog.
Sa dakong hilaga ay pinamumunuan naman ni Raha Lakan Dula, amain ni Sulayman.
Ikalawang espedisyon sa Maynila
Hinirang na Gobernador Heneral ng Pilipinas si Legazpi na nagtagubilin sa kanya na magtayo ng mga
bagong pamayanan.
Paghihirap sa Panay, 1570-1571 at paglipat sa Luzon.
Nakipagkasundo si Lakan Dula kay Legazpi na hindi naman naatim ni Sulayman. Kaya kinalap ang mga
kaalyado sa Bulacan at Pampanga. Sakay ng 40 malalaking Bangka, sina Sulayman ay namaybay sa
Bangkusay, Tundo subalit natalo ang mga katutubo. (Labanan sa Bangkusay)

Itinatag ang Maynila at ginawang punong lungsod noong Hunyo 24, 1571 (Insigne y Siempre leal
Siudad/Karapat-dapat at Laging Matapat na Lungsod).
Ayuntamiento/Pamahalaang Lungsod na may 2 alkalde, 1 alguacil mayor, 12 konsehal, 1 eskribano.

Pagsakop sa ibang bahagi ng Luzon
Goiti: Bulacan, Kapampangan, Tarlak, Pangasinan
Salcedo: Taytay, Kainta, Ilocos (Vigan/Villa Fernandina), Polilyo, Tayabas