Вы находитесь на странице: 1из 7

Group 2- Ang Kabataan sa Paglakad ng Panahon

Meryl Olindang
Diana Rose Servicio
Cliff Stephen Gargalicano
Jolena Elgario
Manilyn Alojado
Katherina Baliguat
Angela Cezar
Ryan Buenafe
Dominic Tautho
Regine Sumagaysay
Lyka Sumadhay

Sa paglipas ng panahon marami nang pagbabago ang nangyayari sa


ating kapaligiran lalong-lalo na sa aming mga kabataan. Pero kahit sang
henerasyon man tayo galing hindi magbabago ang kasabihang
Kabataan, pag-asa ng bayan ayon ky Dr. Jose Rizal, ating pambansang
bayani. Sa panahon ba ngayon, masasabi pa natin na ang mga kabataan
sa modernong panahon ay maaasahan ? Mga magulang nga parang
susuko na sa kagagawan ng mga anak, ang bayan pa kaya?
Kadalasan nating maririnig sa mga nakatatanda ang mga sermon na
patungkol sa kung ano sila noon na dapat nating tularan sa ngayon..
Balikan na lang natin ang gawi noon sa gawi ngayon ng mga kabataan?
Kami nga pala ang pangalawang grupo na magsasadula tungkol sa
Kabataan sa Panahon ngayon.
Noon:
Toktorook!
N: Araw na nang pasukan, at si Angelita dali-dali siyang gumising nang
maaga upang makatulong pa sa gawaing bahay.
A: Magandang umaga po Inay (mano). Magandang umaga po itay (mano).
Inay tulungan kop o muna kayo sa ginagawa niyo.
K: Salamat anak. Pero unahin mo munang gisingin ang kapatid mo, malayo
pa ang lalakarin niyo papuntang paaralan.

A: Sige po Inay.
Ngayon:
Kriiingnggg!
N: Naku si Lyka nakasampung alarm na hindi pa rin nagigising. Hanggang..
L: Ha! Mommy.. Late na ako. Kasi naman (nagdadabog)
J: Yan! diyan ka magaling! Panonood ng TV, pagbabad sa internet at text
buong magdamag. Hindi mo naman nagawa ang assignments mo no?
L: Nay, memorize ko na kaya ang linyang yan. Tuwing umaga yan ang bati
mo sakin.
J: Totoo naman a! Parang mas matanda ka pa kung magsalita. Nasaan na
ang respeto mo?
L: Daddy ho! si mommy..
D: Lyka dalian mo na nga, malelate ka na. (kape)
Sabi nang matatanda at sa kwento nang akin mga magulang ang kabataan
noon ay magalang sa mga nakakatanda sa kanila, nagmamano o kaya
humahalik sa pisngi bilang tanda ng pag-galang, gumagamit din sila ng
"PO at OPO sa bawat salitang binibigkas nila. Tayong kabataan ngayon
bihira lang ang magagalang, mas marami sa atin ang kung sumagot sa
matatanda at sa ating magulang ay pabalang o kaya naman ay parang
kasing edad lang natin sila at higit sa lahat ay parang kabarkada lang natin
sila. Pagmagsalita tayong mga kabataan ngayon ay parang hindi natin
kilala ang mga letrang "PO AT OPO", Hindi rin tayo maaasahan sa
gawaing bahay dahil kapag tayo inuutusan ang lagi nating sinasagot ay
"MAMAYA NA! o kaya naman ay "SAGLIT LANG!.
Pagdating naman sa pananamit ay halos mukha nalang nila ang pwede
mong makita. Ang kabataan din noon ay makadiyos at halos walang bisyo.
Noon: (Paaralan)
Class: Magandang umaga Gng. Sumagaysay.
Gng. S: Magandang umaga mga bata, maupo na kayo. Kunin ang aklat at
buksan ang pahina 119. Basahin ng mabuti at sagutin ang sumusunod na
tanong.

Ngayon:
Class: Good morning Ms. Alojado.
Gng. A: Good morning class. Take your seat. In addition to what we have
learned yesterday please copy this on your notebook.
L: Maam photocopy na lang.
D: Copy na lang maam para malagyan ko naman ng notes itong bagong
gadget ko!
Class: Wow! patingin.
Ms. A: Quiet!!!
Kabataan talaga sa modernong panahon na ito, nalululong na sa
teknolohiya, maging ang mga aklat painababayaan na lang. Natapos na
ang klase at sa ganitong oras na ito na ang panahon ng pakikihalubilo sa
mga kaibigan. Teka3x parang may manliligaw. Subaybayan nga natin
kung ano ang panliligaw noon at sa ngayon.
Noon: (Park)
Cliff: Pare sino ba yun? Unang sulyap ko pa lang sa kanya parang napaibig
na ako. kay gandang dalaga.
Dominic: Si Angelita pare, Bakit? liligawan mo? Sulatan mo kaya at bigyan
ng bulaklak.
Cliff: (may dalang bulaklak) Magandang hapon magandang binibini. Ako
nga pala si Conrado. Para sa iyo.
Angelita: Kay gandang bulaklak at may sulat pa.
Cliff: Mas maganda ka pa nga sa bulaklak. ahemm
Angelita: (Smile)
Cliff: Ihahatid na kita pauwi, huwag kang mag-alala mabuting tao ako,
gusto ko lang sanang makipagkuwentuhan para mas maigi kitang makilala.
Angelita: Sige, maraming salamat.
Ngayon:
Cliff: Bro, ang cute niya. Kilala mob a siya?

Ryan: Ah, si Lyka yan.


Cliff: May number ka ba?
Ryan: Oo naman. (bigay ang number)
Cliff: Hi!
L: Hu u?
Cliff: Cliff me. Alam mob a crush kita, cute mo kasi.
L: ahh. ok
(Text2x)
Malaki na rin ang kaibahan ng panliligaw noon at ngayon.
---Uwian--Noon:
Maaga pang umuwi si Angelita dahil tutulong pa siya sa mga
gawaing bahay at mag-aaral pa siya para sa paparating na exam.
A: Magandang hapon nay, magandang hapon tay.
N: Anak salamat naman at maaga ka pang nakauwi, halika tulungan mo
muna ako.
A: Sige poi nay.
T: Ang bait talaga ng anak ko.
At nang gabing iyon, walang ibang ginawa si Angelita kundi ang
magbasa at mag-aral para sa pagsusulit bukas. Samantalang
Ngayon
N: Anak matulog ka na.
L: Wait lang nanonood pa ako nang G2B. Excited?
Dahil sa modernong teknolohiya ang mga kabataan ngayon ay
nalulong na sa panonood ng telebisyon maging sa mga gadget at wala
nang oras sa pag-aaral.

Pagdating naman sa pag-ibig masyado na tayong mapupusok, hindi


pa nga umaabot ng isang buwan/linggo ang ligawan magnobyo na agad,
sa mga kababaihan naman hindi pa nga ikinakasal naisuko na
ang perlas nang silangan.Bilang kabataan, hindi talaga maiiwasan ang
ma inlove. Subaybayan nga natin kung ano ang panliligaw ng mga
lalaki noon at ngayon.

Noon
R: Pare, parang gusto ko na talaga si Angelita, tulungan mo naman ako,
haharanahin ko siya.
C: Sige ba.
Ngayon
C: Bro, gusto kong ligawan si Lyka, tulungan mo naman ako.
D: Text mo bro o kaya tawagan.
Noon
R & C: Magandang gabi po
R: Paumanhin po, gusto kop o sanang umakyat ng ligaw sa anak niyo.
T: Iho ang bata2x niyo pa para sa ganyan.
N: Importante munang mag-aral at magtapos anak. Angelita, anak, halika
dito, mabuti pang kausapin mo siya.
A: Rodel, Pasensya na wala pa akong plano para makipagrelasyon. Mas
importante na mag-aral muna.
R: Pasensya na rin sa istorbo, naiintindihan ko po kayo, gusto ko lang
sanang maipakita ang pagmamahal ko kay Angelita.
Umalis na si Rodel at sa sobrang lungkot nakatunganga na lang
siya sabay kanta ng malulungkot na musika dala ang gitara.
Ngayon
D: Tol, si Lyka!
C: Hi Lyka, ako pala si Cliff.

L: Ah, ikaw ang nagtext.


C: Oo
L: Ah, cge.
C: Sandali lang, manliligaw sana ako, kung pwede.
L: Ayaw ko nga, binansagan kang playboy, hindi mo ba alam. Ilang babae
na kaya ang niloko mo.
C: Pero nagbago na ako Lyka para sayo.
L:Wow nagbago? big word. Basta ayaw ko.
Sa pag-alis ni Lyka. Lungkot ang nadama ni Conrad. Sa sobrang
lungkot at sa pagdama ng kasawian, nalulong siya sa bisyo at hindi na alam
ang ginagawa. Halos lahat nang bisyo ating inaakap imbes na iwasan tulad
nang "alak", "sigarilyo" at higit sa lahat "droga".
Kaming kabataan ngayon ay mulat sa makabagong panahon. Masakit
man aminin pero kasama tayo sa mga kabataan na iyon. Aminin man natin o
hindi totoong napalaki ng pinagbago nang henerasyon ngaun kaysa noon.Bakit
kaya ganun ang mga kabataan sa panahong ito? Masisisi ba sila sa mga
ginagawa nila. Sino ba ang nagkulang? Dahil ba ito sa impluwensiya? Tayong
mga kabataan lang ang makakasagot nito. Pag-asa naman tayo diba? Hindi
tay0 pag-asa ng mga produsyer ng bisyo. Mag-isip2x nga tayo. Lawakan ang
pag-iisip at maging mapamatyag.
Sa lahat nang ito nakakalungkot na isipin kung bakit sa kabila nang
patuloy na pagbabago sa ating bansa ay ang pagbabago nating mga kabataan.
Hindi ko po ninananais/sinasadyang sirain ang reputasyon nating mga kabataan
ang aking lang po ay isang opinyon na naghahanap din nang mga kasagutan
kung bakit tayo nagkaganito. Sino ba ang dapat nating sisihin ang teknolohiya na
tumutuong upang mapadali ang mga bagay bagay, ang ating mga magulangna
walang hinangad kundi ang mapabuti tayo o tayo mismo sa sarili na siyang
nagdedesisyon?
Nais ko lang pong ibahagi sa inyo ang kasabihang ito "LAHAT NANG
BAGAY SA MUNDO'Y MAY KATAPUSAN NGUNIT ANG SALITANG
"PAGBABAGO" AY HINDI MAGBABAGO SA MUNDONG IBABAW". Isa po sa
mga kasabihang hindi ko malilimutan kaya sana magbago na ang pananaw
nating mga kabataan, sana ang pagmamahal at paggalang sa ating mga
magulang at sa matatanda ay mas mangibabaw. Sana matuto tayong irespeto
ang ating mga sarili. Sana mas lumalim pa ang ating pananalig sa diyos. bakit
hindi pagsamahin lahat ng mga positibong pananaw ng mga kabataan noon at
ngayon na siyang magsisilbing bagong mukha ng kabataan sa kasalukuyan at

hinaharapna panahon..

Вам также может понравиться