Вы находитесь на странице: 1из 3

KABANATA 21: Mga Anyo ng Taga-Maynila

I. Mga Tauhan
1) Camaroncocido Isang Kastila na ang hanapbuhay ay pagdidikit ng paskil. Marami
siyang naobserbahan at napuna sa mga pumupunta sa palabas na ipinagkibit balikat.
2) Tiyo Kiko Binayaran ng anim na piso ng mga Pranses upang magdikit ng paskil.
3) Tadeo Nagpanggap na maalam sa isang kababayang bago sa Maynila. Nakapasok
siya sa dulaan dahil hindi dumalo si Basilio.
4) Donya Victorina, Padre Irene, Paulita Gomez, at Juanito Pelaez Nanood ng
dulaan.
5) Isagani, Makaraig, Pecson, at Sandoval Nanood ng dulaan. Ibinigay ni Isagani
ang tiket ni Basilio kay Tadeo.
II. Talasalitaan
1)
2)
3)
4)
5)

Sekreta pulis
Kalmen eksapularyong isinusuot bilang deboto sa isang santa o santo
Pagbabalatkayo pagkukunwari
Paskil karatula
Hudyat palatandaan

III. Buod
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa Teatro de Variendades, ang Les Choches
de Corneville ng bantog na mga Pranses. Mabilis naubos ang tiket para sa dula.
Isang Kastila lamang, si Camaroncocido na tila pulubi o palaboy ang hindi abalang
pumasok sa tanghalan. Dahil ditoy naobserbahan niya ang mga nangaganap. Lumapit
sa kanya si Tiyo Kiko, isang matandang lalaki at may amerikanang mahabat hanggang
tuhod. Ipinakita ni Tiyo Kiko ang anim na pisong bayad ng ng mga Pranses para sa
pagdidikit ng paskil. Sinumbatan naman siya ni Camaroncocido na ang kikitain ng
palabas ay mapupunta sa mga pari.
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at
laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle, pati ang mga babaing
may asawa o kasintahan. Mayroon namang nagtanggol dito, gaya ng mga pinuno ng
hukbo at mga marino, ang kawani, mga dalagang walang kasintahan at maraming
matataas na tao. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang
nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.
Pinuna ni Camaroncocido na ang mga nais manood upang malaman kung bakit
bawal ang palabas at ang nais manood kung bakit dapat ipagbawal ang palabas.

Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camaroncocido na mga taong tila
hindi sanay mag-amerikana at umiiwas makilala. Napuna niya ang ilang mga lalaki, at
pinagduduhan. Ipinagkibit-balikat lamang niya ito. Narinig niya ang isang tao na nagsabi
kay Simoun na ang hudyat ay isang putok.
Nagpatuloy ng lakad si Camaroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang naguusap, na parehas ang sinasambit. Patuloy ang pagkikibit niya ng balikat sa mga
nangyayari.
Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod.
Niloloko ni Tadeo ang kababayan sa pagsasasbi ng mga kasinungalingan. Maraming mga
taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibigat kakilala niyang malalaking tao
kahit di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala
ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo ngunit di naitago ng tunay na katauhan dahil
sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.
Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay
lumapit ito at bumati sa apat. Ibinigay ng apat ang labis na tiket sa kanya dahil hindi
sumama si Basilio. Iniwan ni Tadeo ang kababayan sa labas.
IV. Teorya
Makikita sa kabanatang ito ang teoryang sosyolohikal. Ipinapakita nito ang
problema ng Pilipinas noong panahon ni Rizal. Isang partikular na problema dito ang
tinalakay sa kabanata, ang pagiging makasarili at kawalan ng pakialam para sa bayan.
V. Talakayan
___A.___1) Ano ang nais ipahiwatig ng kabanatang ito?
A. Pagiging makasarili at kawalan ng pakialam para sa bayan.
B. Pagnanais ng mga Pilipino na makiisa sa mga gawing Kastila.
C. Dapat manood ng mga dulaan.
D. Wala sa nabanggit.
___C.___2) Bakit nakapasok si Tadeo sa tanghalan?
A. Nakabili siya ng tiket para dito.
B. May kakilala siya sa mga magtatanghal.
C. Mayroong labis na tiket sila Makaraig.
D. Hindi napansin ang kaniyang pagpasok.
___B.___3) Paano nahati sa dalawa ang Maynila?
A. Ang mga Kastila at mga Pilipino.

B. Ang mga nais manood upang malaman kung bakit bawal ang palabas at ang
nais manood kung bakit dapat ipagbawal ang palabas.
C. Ang mga nanonood upang magpanggap na mayaman at ang mga nanonood
na makapangyarihan.
D.
___A.___4) Sino ang hindi napuna ni Camaroncocido sa pagtatanghal?
A. Basilio
B. Paulita Gomez
C. Don Custodio
D. Padre Irene
___D.___5) Ano ang narinig niyang sinabi na kahina-hinala?
A. Nasa paskil ang sagot.
B. Ang hudyat ay isang tiket.
C. Ang hudyat ay isang paskil.
D. Ang hudyat ay isang putok.

Вам также может понравиться