Вы находитесь на странице: 1из 36

Flores de Mayo

Parokya Ni Santiago Apostol


Poblacion, Ibaan, Batangas
May 2015

lay Kay

Namumuno

aria

Magsitayo po ang lahat at awitin ang


Pambungad na Awit.

ey na Ng

angit

Sa Reyna ng langit, Ina ni Hesus.


Tayo nat mag-alay, magpuri ng lubos.
Ave, Ave, Ave Maria (2x)
Sinta ka ng puso, mahal kong Ina.
Yaman at pag-asa niring kaluluwa.
Ave, Ave, Ave Maria (2x)
Malalim na dagat, ang sanlibutan.
Kami ay ingatan sa paglalakbay.
Ave, Ave, Ave Maria (2x)
Birheng maligaya, luklukang mahal.
Kamiy patnubayan sa kalangitan.
Ave, Ave, Ave Maria (2x)
Pinto ka ng langit, bahay na ginto.
Akoy may pag asang pumili sa iyo.
Ave, Ave, Ave Maria (2x)

Namumuno

Ang paksa po
hapon ay .......

natin

ngayong

Pambungad na Panalagin

Namumuno

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng


Espiritu Santo.

Lahat


Namumuno

Amen.

Mapalad ka o Maria, sapagkat ang


kaligtasan
ng
sandaigdigan
ay
isinilang mo kapiling ng Panginoon.
Ikaw ay nagagalak sa kaluwalhatiang
walang hanggan.

Lahat


Namumuno

Mamagitan ka sa amin sa iyong Anak.

Sa isang pananampalataya, tayo ay


natitipon upang paglinayan ang mga
Misteryo ng (Tuwa, Hapis, Luwalhati at
Liwanag) ng ating pananampalataya,
samantalang dinarasal natin ang
Rosaryo. Ginagampanan natin ito
kaisa si Maria, ang Ina ng Diyos na
naglihi kay Jesus sa kanyang
sinapupunan nang may pag-ibig na
walang kapantay. Kasama ni Maria at
ng mga banal, bumaling tayo ngayon
kay Kristo, ang ilaw ng sanlibutan at
ng kaligtasan ng lahat. Sama-sama
nating
ipahayag
ang
ating
pananampalataya noong tayo ay
bininyagan.

Sumasampalataya
umasampalataya
ako
sa
Diyos
Amang
makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng
langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni
Ponsio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing.
Nanaog sa mga kinaroroonan ng mga yumao. Nang may
ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat. Doon magmumula't paririto at huhukom sa mga
nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya
naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na simbahang
Katolika; Sa kasamahan ng mga Banal; Sa kapatawaran ng
mga kasalanan; Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga
nangamatay na tao; At sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Namumuno

Ngayon dasalin natin ang . . .

Ama Namin
ma namin, sumasalangit Ka, sambahin ang
ngalan Mo. Mapasa amin ang kaharian Mo,
sundin ang loob Mo dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa arawaraw at patawarin Mo po kami sa aming mga sala, para
nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo po kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo
po kami sa lahat ng masama. Amen.

Namumuno

Ang pananampalataya, pag asa at


pag ibig ang tatlong pangunahing
kabanalan na pinakamahalaga sa
ating pakikipag-ugnayan sa Diyos.
Manalangin tayo para sa kanilang
pagsibol at paglago sa ating buhay
bilang mga matapat na taga sunod ni
Kristo.

Aba Ginoong Maria


ba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang
Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang
pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong
Anak na si Hesus.
anta Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming
makasalanan, ngayon at kung kami y
mamamatay. Amen.

Papuri
apuri sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.

apara noong una, ngayon, magpakailanman at


magpasawalang hanggan. Amen.

Namumuno

Ating Pagnilay-nilayin ang mga


Misteryo ng . . .
(Tuwa, Hapis, Luwalhati at Liwanag)

Mga Misteryo ng

anto

osario

Mga Misteryo ng uwa


(Lunes at Sabado)
1. Ang pagbati ng Arkanghel Gabriel kay Santa Maria
tungkol sa pagsilang niya kay Hesus.
2. Ang pagdalaw ni Maria sa kanyang pinsang si Sta.
Isabel.
3. Ang kapanganakan ng ating Panginoon at
Tagapagligtas na si Hesukristo.
4. Ang paghahandog ng Sanggol na si Hesus sa Templo.
5. Ang pagkawala at ang pagkakita sa Batang si Hesus sa
Templo.

Mga Misteryo ng
apis
(Martes at Biyernes)
1. Ang pananalangin ni Hesus sa halamanan ng
Getsemani.
2. Ang paghampas kay Hesus na nagagapos sa haliging
bato.
3. Ang pagpuputong ng koronang tinik sa ulo ni Hesus.
4. Ang pagpapasan ni Hesus ng krus patungong
bundok ng kalbaryo.
5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa Krus.

Mga Misteryo ng

anto

osario

Mga Misteryo ng
uwalhati
(Miyerkules at Linggo)
1. Ang pagkabuhay na mag-muli ng ating Panginoong
Hesukristo.
2. Ang pag-akyat sa langit ng ating Panginoon.
3. Ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles
noong Pentekostes.
4. Ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Maria.
5. Ang pagpuputong ng korona sa mahal na Birheng
Maria bilang Reyna ng langit at lupa.

Mga Misteryo ng
(Huwebes)

iwanag

1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan.


2. Ang unang milagro ni Hesus sa kasalan sa Cana.
3. Ang pagpapahayag ni Hesus tungkol sa Kaharian ng
Diyos.
4. Ang pagbabagong anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor.
5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya.

Panalangin Pagkatapos ng Bawat Misteryo


Hesus ko, patawarin Mo kami sa aming mga

kasalanan. Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Dalhin


Mo sa langit ang mga kaluluwa, lalong-lalo na ang mga
nangangailangan ng Iyong tulong at awa.

atamis-tamisang puso ni Hesus, iligtas Mo po


kami. Pagkalooban Mo po ng kapayapaan ang
buong daigdig, lalong-lalo na ang Pilipinas. At papagbalikloobin Mo po ang mga makasalanan at ituro Mo po sa
kanila ang daang patungo sa Iyo.

aming Ina, kamiy lukuban mo ng iyong


mapagpalang puso na ubod ng linis.

Aba Po
ba po Santa Mariang Reyna at Ina ng Awa, ikaw
nga po ang kabuhayan at katamisan. Ay aba pinananaligan
ka namin, ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw na
taong anak ni Eva.

Ikaw rin ang pinagbubuntungang

hininga namin ng aming pagtangis dine sa lupang bayang


kahapis-hapis. Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo po sa
amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos
yaring pagpanaw mo sa amin ay ipakita mo sa amin ang
iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos,

maawait maalam, matamis na Birhen.

Namumuno

Ipanalangin mo kami o Santang


Ina ng Diyos.

Lahat

Nang
kamiy
maging
dapat
makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon. Amen.

Pagpapahayag Ng Salita Ng Diyos:


Namumuno

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


Ayon kay San. . . . . . .

Lahat

Papuri sa Iyo Panginoon.

Pagkabasa ng Ebanghelyo . . . . . . . .

Namumuno

Ang mabuting balita ng ating


Panginoon.

Lahat

Pinupuri Ka naming Panginoong


Hesukristo.

Pangkalahatang Panalangin
Para Sa Mga Misteryo Ng Tuwa

Namumuno

Bilang mga tapat na lingkod ng


Salita ng Diyos, dumudulog tayo
sa
Panginoon
ng
may
kapakumbabaan
at
halinang
manalangin.

Tugon

Naway patuloy na mag-ugat ang


mapagligtas na salitang ito sa
ating puso.

1. Ang salita ng Diyos ay tinutugon ni Maria ng may


pananampalataya.
Tugon

Naway patuloy na mag-ugat ang


mapagligtas na salitang ito sa
ating puso.

2. Pinagmalasakitan at pinangalagaan ni Maria ang mga


nagdadalamhati at ang mga nalulumbay.
Tugon

Naway tugunin natin ng may


pagmamahal ang lahat ng mga
nangangailangan.

3. Isang Sanggol ang sumilang kay Maria at isang Anak ang


sa kanyay ipinagkaloob.
Tugon

Naway ikagalak ng lahat ng mga


ina ang sa kanilay handog ng
mga anak.

4. Pinagyaman ni Maria sa kanyang puso ang lahat ng sa


kanya ay naganap.
Tugon

Naway itangi natin ng palagian


ang mga pagpapala sa atin ng
Diyos
at
magpasalamat
sa
Kanyang walang hanggang pag
ibig.

5. Si Hesus, Anak ng Diyos at ni Maria, ay lumago sa


karunungan, gulang at biyaya.
Tugon

Naway lahat ng kabataan ay


tumangap ng mga biyaya ng
katotohanan, karunungan at pag
ibig.

Pangkalahatang Panalangin
Para Sa Mga Misteryo Ng Hapis

Namumuno

Sa binyag, nakibahagi tayo


misteryo ng pagkamatay
muling pagkabuhay ni Kristo.
ating
Mananakop,
tayo
bumaling sa ating panalangin.

Tugon

Panginoon, alalayan mo po kami


ng inyong pag ibig.

1.

sa
at
Sa
ay

Sa lahat ng bagay, si Hesus ay naging masunurin sa


Kanyang Ama. Maging masunurin tayo sa Diyos sa
lahat ng ating ginagawa. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

Panginoon, alalayan mo po kami


ng inyong pag ibig.

2. Sumailalim si Hesus sa hirap at kamatayan dahilan sa


pag-ibig sa atin. Naway ang pag-ibig natin sa Kanya ang
mag-bigay daan sa atin upang tanggapin ang mga pang
araw-araw na pagsubok at kahirapan sa paglilingkod sa
kapwa. Manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon

Panginoon, alalayan mo po kami


ng inyong pag ibig.

3. Pinag-tiisang tangapin ni Hesus ang paglibak ng mga


taong umuusig sa Kanya; naway makatagpo tayo ng
kaliwanagan sa Kanyang mga salita: Mapapalad ang
mga pinag-uusig dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban
ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa Kanyang
kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon

Panginoon, alalayan mo po kami


ng inyong pag ibig.

4. Binata ni Hesus ang bigat ng krus; naway pagkalooban


Niya tayo ng lakas upang dalhin ang ating pang arawaraw na pasanin sa buhay.
Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

Panginoon, alalayan mo po kami


ng inyong pag ibig.

5. Ipinahayag ng krus ang hatol ng Diyos sa sandaigdigan


at ang paghahari ni Kristo; makabahagi nawa tayo sa
Kanyang paghihirap sa pamamagitan ng higit na
mataimtim na diwa ng pagsisisi. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

Panginoon, alalayan mo po kami


ng inyong pag ibig.

Pangkalahatang Panalangin
Para Sa Mga Misteryo Ng Luwalhati

Namumuno

Tugon

1.

Mga kapatid, manawagan tayo


kay Kristong
Panginoon na
namatay at muling nabuhay at
patuloy na namamagitan sa atin
sa Ama.

Matagumpay na Hari, hinihiling


naming dinggin mo kami.

Panginoon ng buhay, pinagtagumpayan Mo ang


kasalanan
at
kamatayan,
wasakin
Mo
ang
kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa amin,
upang kamiy mabuhay lamang para sa iyo. Manalangin
tayo sa Panginoon.
Tugon

Matagumpay na Hari, hinihiling


naming dinggin mo kami.

2. Hari ng kaluwalhatian, ipinangako Mong akitin ang


lahat palapit sa Iyo, huwag Mong ipahintulot na
mawalay kami sa Iyo o sa Iyong Simbahan. Manalangin
tayo sa Panginoon.
Tugon

Matagumpay na Hari, hinihiling


naming dinggin mo kami.

3. Panginoon, ilaw ng Iyong Banal na Espiritu ang


tumatanglaw sa daigdig at pumawi sa kadiliman nito,
ipagkaloob Mo sa amin ang biyaya na halinhan ang
pagkapoot ng pag-ibig, ang pighati ng kaligayahan at
ang pag-aalitan ng kapayapaan. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

Matagumpay na Hari, hinihiling


naming dinggin mo kami.

4. Itinampok Mo ang Iyong Inang Birhen ng higit sa lahat


ng mga pangkat ng mga anghel; naway isang araw ay
makabahagi kami sa kanyang kaligayahan ngayon sa
Iyong kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon

Matagumpay na Hari, hinihiling


naming dinggin mo kami.

5. Itinanghal Mo bilang Reyna ng langit at lupa ang Iyong


Ina, hangarin nawa naming taos pusong makamit ang
makalangit na Herusalem. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

Matagumpay na Hari, hinihiling


naming dinggin mo kami.

Pangkalahatang Panalangin
Para Sa Mga Misteryo Ng Liwanag

Namumuno

Bilang mga ampong anak ng Diyos at


kapatid ni Kristo, lumapit tayo sa
Kanya nang may kapakumbabaan at
kalinisang puso sa tulong ni Maria.
Manalangin tayo Panginoon.

Tugon

Panginoon, akayin Mo kami ng


Iyong mabuting balita patungo sa
Iyong kaharian.

1.

Panginoon ng liwanag, ipinahayag Mo sa tao na si Hesus


ang pinakamamahal Mong Anak ng Siya ay binyagan sa
Ilog Jordan. Tulungan Mo po kami na makapamuhay ng
payak tulad ng Espiritu Santo. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

2.

Panginoon, akayin Mo kami ng


Iyong mabuting balita patungo sa
Iyong kaharian.

Panginoon ng buhay, sa pamamagitan ng himala sa kasalanan sa


Cana kung paano naging alak ang tubig dahilan na rin sa malasakit
ni Maria. Tulungan Mo po kami na matutong tumawag at
humingi ng tulong kay Maria, upang lumago pa ang aming
pananampalataya. Manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon

Panginoon, akayin Mo kami ng


Iyong mabuting balita patungo sa
Iyong kaharian.

3.

Panginoon ng pag-asa, dahil sa Iyong matimyas na pag-ibig sa tao,


ginawa Mo ang lahat upang kami ay magbalik-loob sa Diyos,
matutong humingi ng tawad at magpatawad sa kapwa. Tulungan
Mo kaming maging instrumento sa paghahatid ng Mabuting
Balita sa lahat ng dako sa tulong ni Maria. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

Panginoon, akayin Mo kami ng


Iyong mabuting balita patungo sa
Iyong kaharian.

4. Panginoon ng kaliwanagan, sa pamamagitan ng Iyong


pagbabagong-anyo sa Bundok ng Tabor, upang maihanda ang
mga disipulo sa pagsasakatuparan ng Iyong dakilang misyon, ang
kaligtasan ng mundo, tulungan Mo kami na madala din namin ang
aming mga krus sa buhay sa tulong ni Maria. Manalangin tayo sa
Panginoon.
Tugon

5.

Panginoon, akayin Mo kami ng


Iyong mabuting balita patungo sa
Iyong kaharian.

Panginoon ng kaligtasan, inalay Mo sa krus ang iyong buhay para


sa kaligtasan ng tao, dahil sa Iyong dakilang pag-ibig. Ngayon
naman sa Banal na Misa, ay sinasariwa ang Iyong dakilang handog
sa tao, sa pamamagitan ng tinapay at alak, upang maging Iyong
katawan at dugo. Tulungan Mo po kami na makatulad kay Maria
na bukas-palad sa pag-aalay ng sarili para sa kaluwalhatian ng
Diyos at kaligtasan ng daigdig.
Tugon

Panginoon, akayin Mo kami ng


Iyong mabuting balita patungo sa
Iyong kaharian.

Paghahandog Sa Mahal Na Birhen

asanta-santahang Birhen, Ina ng Diyos at aking


Senyora, akong nakaluhod sa iyo pong harapan at sa
paanan

ng

Diyos

na

sangkaharian ng langit.

makapangyayari

ng

buong

Inihahain ko po sa inyo at

itinatalaga, bagamat akoy makasalanan, di karapat-dapat


ang buo kong puso, kalangkap ang kanyang mga nasat
paggiliw. At siya kong hangad, kalooban at matibay na tika
ang iniaalay kot talagang palagi sa inyo ang aking puso na
parang inyong tunay at sa inyong kasatu-santusang Anak.
Tanggapin mo po itong bukal at taos pusong hain. O
lubhang mahinahong Senyora at ipinakikilakip ko at
inihahain sa inyo ang lahat ng mga santo at ipagkamit mo
po ako ng grasyang mabuhay lamang sa pag-ibig at
paglilingkod sa inyo at sa iyong Anak magmula ngayon at
sa haharaping panahon. Ganito ang hinihitay kot
pinakaaasahan sa pamamagitan ng inyo pong mahal na
tulong at ng makapangyayari ninyong pagkupkop at sa
ganang akin ay ipinangangako kong matibay at matamis
na loob na gayon ang gagawin ko. Papagningasin po ninyo
ang puso ko o Hesus at Maria ng maalab na apoy ng
kagalang-galang ninyong puso upang kung magkaganito
dito sa lupa ay magningas sa pagsinta sa inyo na kasama
ng mga anghel at santo magpakailan pa man sa langit. Siya
Nawa.

alit
Halina at magsidulog kay Mariang Ina ni Hesus.
At nating tanang tinubos nitong Poong Mananakop.
Sintahin natit igalang yamang siyay ating Ina.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
Halina at magsilapit dine sa Birheng marikit.
Nang Inang kaibig-ibig, dakilang Reyna sa langit.
Nang ampunit saklolohan, tayong mga anak Niya.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
Halinat dumulog tayo sa Birhen Ina ng Berbo.
Halinat idulog dito mga bulaklak sa Mayo.
Umasa tayot maghintay sa balang ipagtatalaga.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
Narito nat napipisan sa mahal mo pong harapan.
Birheng kalinis-linisan, magandang lalo sa buwan.
At talagang iaa-alay mga puso sa pagsinta.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
Kami po ay saklolohan palagi ng iyong kamay.
Yamang ikaw ang takbuhan at kuta naming matibay.
Huwag mo po kaming talikdan ng maawaing mong mata.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.

Marapat nawang tanggapin matamis na Inang Birhen.


Ang bulaklak naming hain galing sa pusot panimdim.
At dito inaasahan mga paglingap mong Ina.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
Sa iyo poy idinudulog buong puso namit loob.
Yamang ikaw ang alulod ng mga grasya ng Diyos.
At ikaw ang namimigay na dakila naming Ina.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
Sa iyo namin tinatanggap anumang grasya ang igawad.
Ikaw ang sakdal at lunas naming iyong mga anak.
Handog na kaliit-liitan nililigpit mo pagdaka.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
Walang hindi ka dininig sa sino mang magsilapit.
O Birhen Mariang marikit Ina ng awat pag-ibig.
Kami poy iyong panunghan ng mahabagin mong mata.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.
At wala ka pong hinihiling katamis-tamisang Birhen.
Sa Anak mong ginigiliw na di nasunod na tambing.
At di ka pinagkaitan ni Hesus na iyong bunga.
Halina tayo ay mag-alay ng bulaklak kay Maria.

alina At Atin Ngay oy Ipagdiwang

Halina at atin ngayoy ipagdiwang.


Ang Birheng Mariang kalinis-linisan.
Ipagmakaawang tanggapin ang alay.
Masamyong bulaklak handog araw-araw.
Matamis na Birheng pinaghahandugan.
Kamiy nangangako naman pong mag-alay.
Ng isang gernalda bawat isang araw.
At ang magdudulot yaring murang kamay. Halina ..
Halina at tayoy mag-unahang lahat.
Magtaglay ng lalong masamyong bulaklak.
At sa kay Mariang magkusang humarap.
Pagkat Ina nating lubos ang paglingap. Halina ..
Ngayoy nasa iyong mahal na harapan.
Nagpapatirapa sa iyong paanan.
O dalagang tanging lubos kalinisan.
Hiwaga ng gandang lumalo sa buwan. Halina ..
Hinahandugan ka ang ipinagsadya.
Ng mga bulaklak na tubo sa lupa.
Nukal sa malaking sintat pagnanasa.
Itoy talastas mot sa iyoy di kaila. Halina ..

Kung minamarapat yaring aming alay.


Hiling naming ngayot bilang karaingan.
Parang palit mo na ay pagkalooban.
Ng bulaklak diyan sa ligayang bayan. Halina ..
Gayon din kasanib ng taos at puspos.
Ang lalong ibig mong sa iyoy ihandog.
Nagpapakababang puso namit loob.
Na nasa iyo nat ikaw ang may kupkop. Halina ..
Kahit sumandali huwag mong lisanin.
Ang kaawa-awang kaluluwa naming.
Na sasakyang muntit gipo ang kahambing.
Kung hiwalayan moy lulubog na tambing. Halina ..
Makapangyarihang kamay mo ang siyang.
Magtanggol sa amin sa kapangyarihan.
At magmula ngayon magpakailanman.
Ikaw ay sumaamit huwag humiwalay. Halina ..

Litanya Sa Mahal Na Birheng Maria


Panginoon, maawa Ka sa amin.
Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo, maawa Ka sa amin.
Kristo, maawa Ka sa amin
Panginoon, maawa Ka sa amin.
Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo, pakinggan Mo kami.
Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa langit.
Maawa Ka sa amin
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan.
Maawa Ka sa amin.
Diyos Espirito Santo.
Maawa Ka sa amin.
Banal na Trinidad, iisang Diyos.
Maawa Ka sa amin.
Santa Maria
** Ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos **
Santang Birhen ng mga Birhen **
Ina ni Kristo **
Inang puspos ng biyaya ng Diyos **
Inang kasakdal-sakdalan **

Inang walang malay sa kahalayan **


Inang di malapitan ng masama **
Inang walang karamdaman sa kasalanan **
Inang kalinis-linisan **
Inang kaibig-ibig **
Inang kahanga-hanga **
Ina ng laging Saklolo **
Ina ng mabuting kahatulan **
Ina ng Maylikha **
Ina ng Mananakop **
Ina ng Banal na Simbahan **
Birheng kapaham-pahaman **
Birheng dapat igalang **
Birheng lalong dakila **
Birheng makapangyarihan **
Birheng maawain **
Birheng matibay na loob sa magaling **
Salamin ng katuwiran **
Luklukan ng karunungan **
Simula ng tuwa namin **
Sisidlan ng kabanalan **
Sisidlan ng bunyi at bantog **
Sisidlan ng bukod na mahal na loob na makusaing
sumunod sa Panginoong Diyos **
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga **
Tore ni David **
Toreng Garing **
Bahay ng ginto **
Kaban ng tipan **

Pinto ng langit **
Talang maliwanag **
Mapagpagaling sa mga maysakit **
Tanggulan ng mga makasalanan **
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati **
Mapag-ampon sa mga Kristiyano **
Reyna ng mga anghel **
Reyna ng mga Patriarka **
Reyna ng mga Propeta **
Reyna ng mga Apostol **
Reyna ng mga Martir **
Reyna ng mga Kumpesor **
Reyna ng mga Birhen **
Reyna ng lahat ng mga Santo **
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal **
Reynang iniakyat sa langit **
Reyna ng Kasantu-santusang Rosaryo **
Reyna ng Kapayapaan **
Reyna ng mga pamilya **
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan.
Patawarin Mo kami Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sandaigdigan.
Pakapakinggan Mo kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng
santinakpan ng langit.
Maawa po Kayo sa amin.

Namumuno

Ipanalangin mo kami Santang


Ina ng Diyos.

Lahat

Nang
kamiy
maging
dapat
makinabang sa
mga pangako
ni Hesukristong Panginoon.

Manalangin Tayo:

Diyos, na ang kaisa-isa Mong Anak, sa


pamamagitan ng Kanyang buhay, pagkamatay at
pagkabuhay na mag-muli, ay ipinagtamo Mo sa amin
ang

gantimpalang

Ipagkaloob

Mo,

pagninilay-nilay

buhay

hinihiling
namin

na

walang

namin

nitong

sa

mga

hanggan.

Iyo,

na

sa

misteryo

ng

kabanal-banalang Rosaryo ng Pinagpalang Birheng


Maria, ay matularan namin ang kanilang nilalaman at
makamtan ang kanilang ipinangako, alang-alang kay
Kristong aming Panginoon. Amen.

Pangwakas Na Panalangin
(Magsitayo ang lahat)
Namumuno

O Ama ng Panginoong Hesus at


Ama namin, kinikilala namin ang
pagkahirang Mo kay Maria, upang
maging Ina ng Iyong Bugtong na
Anak. Siya ang kinagigiliwang anak
na babae at Templo ng banal na
Espiritu.
Sa
iyong
pag-ibig,
tunghayan Mo at hubugin kami
na kawangis ni Kristo Hesus. Siya
ang Panginoon na nabubuhay at
naghahari kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang-hanggan.

Lahat

Amen.

Namumuno

Para sa intension ng mga may


kaarawan sa hapong ito at sa
lahat ng naririto ngayon.

Ama Namin.
Aba Ginoong Maria.
Papuri sa Ama.

Pagbabasbas at Paghahayo:
Namumuno

Humayo tayo upang maging ilaw


at kapayapaan ni Kristo sa
daigdig.

Lahat

Sa ngalan ni Kristo. Amen.

Pangwakas na Awit:

aalam Inang Birhen


Paalam Inang Birhen, kasing ningning ng buwan.
Paalam na paalam, kami ay bendisyunan.
Kami ay bendisyunan. Kami ay pagpalain.
Birheng maawain, kami ay kalingain.
Mahal na Ina namin.

aalam Sa Iyo Maria


Paalam sa iyo, Maria Ina ng Maykapal.
Katamisan at pintuho ng aming pagmamahal.
Paalam sayo paalam, Maria kamiy bendisyunan.
Paalam sayo Maria, Ina namiy paalam.

Lahat

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng


Espiritu Santo. Amen

Magandang Hapon po sa ating lahat!

Mga Awit Sa Mahal Na Birheng Maria

Birhen Ng Fatima

O Birhen ng Fatima, kamiy dumudulog.


Sa iyong awat alindog at napakukupkop
Ituro mo Inang mahal matuwid na daan.
Lagi kaming magdarasal ng rosary mong mahal.
Pangako moy diringgin ang aming dalangin
Digmaan ay papawiin,laya ay kakamtin.
O Birhen Inang marangal na aming patnubay.
Kamiy iyong saklolohan, at itong aming bayan.

eyna At Ina Kong Mahal

Reyna at Ina kong mahal, ako ay ipagdasal.


Habang ako naglalakbay, sa dagat nitong buhay.
O Birheng Reynang matimtiman mula sa sayong luklukan.
Ngiti ng iyong pagmamahal, maging aking patnubay.
Birhen akoy ipagdasal at lagi mong ingatan.
Nang akoy yong makapisan sa langit na bayan.

ng Puso Koy N agpupuri

Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon.


Nagagalak ang aking Espiritu sa king Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap Niya, kababaan ng Kanyang alipin.
Mapalad ang pangalan ko sa lahat ng mga bansa.
Sapagkat gumawa ang Poon ng mga dakilang bagay.
Banal na lupat langit ang pangalan ng Panginoon.
At kinahabagan Nya ang mga sa Kanyay may takot.
At sa lahat ng salinlahi ang awa Nyay walang hanggan.
At ipinakita Nya ang lakas ng Kanyang bisig.
At ang mga palaloy pinangalat ng Panginoon.
Ibinulid sa upuan ang mga makapangyarihan.
Itinampok, itinaas ang mabababa ang loob.

aya Ng Ulan

Gaya ng ulan na lumalagpak,


At sa lupa na namumulaklak.
Gayon din kami ay kumakanta,
Sa harap ng Diyos at sa Kanyang Ina.
Dinadakila ko ang Panginoon,
At akoy nagagalak sa Diyos.
Nilingap Niya ang Kanyang lingkod.
Mapalad ako magmula ngayon.
Gaya ng ulan na lumalagpak,
At sa lupa na namumulaklak.
Gayon din kami ay kumakanta,
Sa harap ng Diyos at sa Kanyang Ina.
Kay dakilang bagay sa akiy ginawa,
At sa Kanyang pangalan ay banal.
Pinakita Niya ang Kanyang lakas.
Upang lansagin ang masasama.

nang Minamahal
Inang minamahal, si Hesus sa iyo sinilang.
Inang sinisinta, ang Diyos sa yoy nagpala.
Inang minamahal, kay Hesus kamiy yong ialay.
Ilaan sa Kanyang kaharian, upang Diyos ay maparangalan.
Ilaan sa Kanyang kaharian, upang kapway mapaglingkuran.
Inang minamahal, ni Hesus naming Mananakop.
Inang sinisinta, ng lahat mong mga anak.
Naway ilawan mo ang landas naming tatahakin.
Kaligtasan naming at pag-asa, tulong ng iyong panalangin.
Sa harap ng aming kamatayan, o Ina kamiy yong aliwin.

ay Maria
Nais kong umawit ng pag-ibig
Sa iyong pusong maamo at malinis.
O Maria aking Reyna at daan tungo kay Hesus.
Na iyong masintahing Anak.
Nais ko ring awitan ng pag-ibig.
Ang aking pusong lubhang naliligayahan.
O Maria aking Reyna at daan tungo kay Hesus.
Na iyong masintahing Anak.

tella Maris

Kung itong aming paglalayag,


Inabot ng pagkabagabag.
Naway mabanaagan ka,
Hinirang na tala ng umaga.
Kahit alon man ng pangamba.
Di alintana sapagkat naron ka.
Ni unos ng pighati at kadiliman ng gabi.
Maria, sa puso ninuman.
Ikay tala ng kalangitan.
Ningning mo ay walang pagmamaliw.
Inang sinta, Inang ginigiliw.
Tanglawan kami aming Ina.
Sa kalangitan naming pita.
Naway maging hantungang,
Pinakamimithing kaharian.

raw araw Kay Maria

Araw-araw kay Maria kami ay nagdarasal.


Si Mariay aming Ina ibig naming marangal.
Kanyang tulong lagi-lagi kami ay humihingi.
Pupurihin namin siya tuwing araw at gabi.
Kung kamiy nasa panganib, kay Maria tatakbo.
Tatawagin namin siya, kung lalapit ang tukso.
O Maria tutulungan, kaming nangabubuhay.
Kami ay ipanalangin, kung kamiy mamamatay.

Вам также может понравиться