Вы находитесь на странице: 1из 6

JOSEFA LLANES ESCODA

Si Josefa Llanes Escoda, kilala rin bilang Florence Nightingale ng


Pilipinas ay isang bayaning Pilipina ng digmaan, lider sa pamayanan, at
manggagawang panlipunan. Kilala siya bilang tagapagtanggol ng karapatan
ng kababihan at nagtatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng
Pilipinas o Girl Scout of the Philippines.

Kabataan
Ipinanganak si Escoda noong 20 Setyembre 1898 sa Dingras, Ilocos
Norte. Siya ang panganay nina Gabriel Llanes at Mercedes Madamba. Isa
lamang ang kapatid na lalaki ni Josefa, si Florencio, at may limang
babaeng kapatid, sina Luisa, Elvira, Rosario, Purita at Eufrosina.

Lumaki si Josefa o Pepa nang may tunay na paniniwala sa paglilingkod


bilang Kristiyano. Sinasabing tinuruan sila ng kanilang malambing at
mabait na ina ng kahalagahan ng paglilingkod sa taona siyang
naipakita sa ilang pagkakataon sa buhay ni Pepa. Noong nasa
elementarya, nakilala si Pepa bilang masiyahin, aktibo at maagap na
mag-aaral. Mayroon din siyang malaking pagpapahalaga sa edukasyon.

Edukasyon
Nagtapos si Pepa nang valedictorian sa Mababang Paaralan ng
Dingras, at salutatorian naman sa Laoag Provincial High School.
Matapos ang sekundarya, nagtungo siya sa Lungsod Maynila at nag-aral
sa Philippine Normal University kung saan nagtapos siya nang may
pagkilala noong 1919.
Lalong sinubok ang kanyang katatagan nang mamatay ang
kanyang ama sa sakit na influenza na kumalat noong 1918. Kinuha niya
ang kanyang anim na kapatid sa Maynila at inalagaan sila roon.
Pumasok siya sa panggabing klase sa Unibersidad ng Pilipinas para sa
sertipiko sa pagtuturo sa hayskul at nakamit niya ito noong 1922.
Nagturo siya sa Jose Rizal College, Unibersidad ng Maynila, Far Eastern
University at Philippine Women's University sa maiksing panahon.
Iniwan niya ang pagtuturo at sumapi sa Red Cross na nagbigay sa kanya
ng iskolarsyip at nagtungo siya sa Amerika para sa mas malalim na
pagsasanay sa New York School of Social Work. Nakamit niya ang
sertipiko sa paglilngkod panlipunan noong 1925. Natapos niya rin ang
kanyang masteral degree sa Sociolohiya sa Columbia University.
Habang nasa Estados Unidos, sumali si Josefa sa isang grupo ng
mga dayuhang mag-aaral na sumuporta sa proyektong International
House sa New York. Tuwing walang ginagawa, tinanggap niya ang maging
panauhing tagapagsalita sa iba't ibang okasyon. Nakaugalian niya ring
magsuot ng Filipiiniana tuwing magtuturo upang mahalina ang mga
dayuhan sa Pilipinas.

Pagpapakasal
Habang nasa unang biyahe niya patungong Amerika, nakilala ni
Josefa si Antonio Escoda, isang mamamahayag ng Philippine Press
Bureau. Nagpakasal sila pagkabalik ng Maynila at nabiyayaan sila g
dalawang anak, sina Maria Teresa at Antonio Jr.

Serbisyo Publiko
Nang makabalik sa Pilipipnas, itinuloy ni Josefa ang kanyang
pagtuturo noong 1926 at nagtrabaho sa Tuberculosis Commission ng
Bureau of Health. Naging kasapi rin siya sa Textbook Board, ang Board
of Censors for Moving Picturs, at Labor Board. Noong 1908 hanggang
1932, nagsilbi siyang executive secretary ng Philippine Anti-Leprosy
Society at naging kasapi ng Mga Batang Lalaking Tagapagmanman ng
Pilipinas.
Sa gawaing panlipunan, naipakita niya ang kanyang dedikasyon,
responsibilidad at hindi matatawarang pamumuno. Itinatag niya ang
Boys Town for the underprivileged boys of Manila. Sinimulan niya
ang matagumpay na kampanya na tumatawag sa probisyong pagkain at
palikuran sa mga kababaihang manggagawa at pagtatayo ng iba pang
pasilidad para sa kanilang ikagiginhawa. Naglingkod siya nang maigi
para maipatayo ang libreng klase sa nursery sa Maynila kung saan
binibigyan ang mga bata ng libreng sopas at gatas. Gumawa siya ng
paraan para mapabuti ang kalusugan at kalinisan sa mga kanayunan,
modernisasyon ng mga kulungan, pagpapabawas sa mga bisyo at
pagpapalawig ng mga benepisyo ng edukasyon sa matatanda sa mga
nasa nayon.

Karapatang Pangkababaihan
Naging aktibong kasapi rin si Josefa ng kilusang mamboboto sa
Pilipinas. Naihalal siya bilang kalihim ng General Council of Women na
binuo upang makialam sa mga gawain ng manggagawa. Nagbunga ito
nang aprubahan noong 7 Disyembre 1993 ang Batas 4112 na nagbibigay
ng pagkakataon sa mga kababaihang Pilipina na makaboto at maging
kawani ng pamahalaan.
Sa tulong ng Boy Scouts of the Philippines, muli siyang pinadala sa
Amerika para sa pagsasanay. Nang makabalik sa Pilipinas noong 1937,
itinatag niya ang Girl Scouts of the Philippines. Kinilala ang GSP bilang
pambansang samahan noong 26 Mayo 1940 sa bisa ng Batas Komonwelt
Bilang 542.
Isa rin si Josefa sa likod ng National Federation of Women's Clubs
nang binubuo ito. Una siyang nahalal bilang ingat-yaman at naangat
bilang executive secretary, posisyong hinawakan niya sa loob ng siyam
na taon.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Nang
sumiklab
ang
Ikalawang
Digmaang
Pandaigdig,
nakipagtulungan si Josefa at ang kanyang asawa sa Volunteer Social
Aid Committee (VSAC) at nagtala ng tulong sa mga bilanggo ng
digmaan. Nasaksihan ni Josefa ang Bataan Death March at isa siya sa
mga namahagi ng bitamina, pagkain at damit sa mga bilanggo. Pinatuloy
niya sa kanyang tahanan ang mga kababaihan at mag-aaral na hindi
makabalik sa kani-kanilang mga lalawigan matapos ang pagsiklab ng
digmaan.

Kamatayan
Nakulong ang kanyang asawa sa Fort Santiago noong Hunyo 1944.
Matapos ang dalawang buwan, nadakip din si Josefa at ikinulong sa
madilim na selda sa Fort Santiago. Nahatulang mamatay ng korteng

militar si Antonio Escoda noong 24 Nobyembre 1944 matapos


mapatunayan ang kanyang krimeng pagtataksil, kasama si Heneral
Vicente Lim. Binigyan ng pagkakataong makalaya si Josefa noong
Disyembre 1944 subali't nanaig ang kanyang katapatan kay Antonio at
pinili ang mamatay kasama ang asawa sa kulungan.
Huling nakita si Josefa noong 29 Enero 1945. Sinasabing dinala siya sa
Far Eastern University kung saan siya pinatay ng mga Hapon.
Pinaniniwalaang nakalibing ang kanyang mga labi sa North Cemetery o
Chinese Cemetery kasama ang iba pang napatay.

Pagbibigay-pugay

Si Josefa Llanes Escoda (ibaba) ay makikita sa P1000


Bilang pagkilala sa kanyang katangi-tanging nagawa at dedikasyon
sa paglilingkod sa kapwa, kinilala si Josefa bilang Distinguished
Alumna sa larangan ng lingkod panlipunan at isang diploma bilang
pagkilala sa kanyang mga nagawa ang iginawad sa kanya noong 1951 ng
Philippine Normal College. Pinarangalan din siya ng Red Cross ng
Amerika ng pilak na medalya, pinakamalaking pagkilalang iginawad ng
organisasyon.
Noong Mayo 1948, ginawaran din ng U.S. Army and Navy si Josefa
at kanyang asawa ng Medal of Freedom na may gintong dahon para sa
kanyang paglilingkod sa mga Pilipinong bilanggo ng digmaang

pandaigdig. Iginawad din ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang


Philippine Legion of Honor Medal.
Nagbibigay-pugay din ang Girl Scouts of the Philippines kay Josefa
sa pagdiriwang ng kanyang kapanganakan tuwing Setyembre 20 na may
mga gawaing magdudulot ng pagkilala sa kanyang kabayanihan at
kontribusyon sa pagpapaunlad ng kabataan.
Isang kalsada at gusali ang ipinangalan sa kanya at may isang
monumentong ginawa para sa kanya. Makikita rin siya sa perang P1000
kasama ang iba pang mga napatay na bayani ng mga Hapon.

Вам также может понравиться