Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
AKO AY MASIPAG
Juan, Panahon na!
Alisin ang salakot at ipakilala
Sa bawat gawa, ikaw ang mukha
Akoy Pilipino, Akoy MASIPAG
AKO AY MATULUNGIN
Ako ay Pilipino: Ako Ay MATULUNGIN
Paglilingkod ang aking hangarin
Sa bawat taong nakapaligid sakin.
AKO AY MAABILIDAD
Saliksikin ang sarili, gamitin ang mga kakayahan,
Ako ay Pilipino, Ako ay MAABILIDAD!
AKO AY MAGANDA
Tunay at natural sa akin ay sapat na.
Mahalaga hindi lamang ang panlabas na hitsura,
Kalooban ang higit na basehan ng katauhan
Ako ay Pilipina, Ako ay Maganda!
AKO AY MATIISIN
Hindi ito nangangahulugan ng pagpapa-api
Hindi rin ibig sabihin ay pagwawalang bahala
Ginagamit ang oras ng paghihintay sa pagiisip
Sapagkat di lahat ng bagay maaaring madaliin.
Ako ay Pilipino, Ako ay MATIISIN!