Вы находитесь на странице: 1из 6

KABANATA 36

ANG UNANG ULAP

            
Ang kaguluhan na nangyayari sa bahay ni Kapitan Tiyago ay
kagaya rin nang nangyayari sa iniisip ng mga tao.  Si Maria Clara
ay walang ginagawa kundi ang umiyak at hindi pinakikinggan ang
mga salitang pampalubag-loob ng kanyang tiyahin at ni Andeng,
na kapatid niya sa suso.  Ipinagbawal ng ama ng dalaga na
makipag-usap kay Ibarra samantalang hindi pa inaalis ng mga
pari ang excomunion.
Si Kapitan Tiyago, na abalang-abala sa paghahanda sa
kanyang bahay upang matanggap nang karapatdapat ang Kapitan
Heneral ay ipinatawag sa kumbento.
            “Huwag kang umiyak, anak ko,” sabi ni Tia Isabel,
samantalang pinapahiran nang gamusa (chamoise) ang
makikintab na mukha ng mga salamin,1 “aalisin din sa kanya
ang excomunion… susulatan ang santo Papa… magbigay tayo ng
isang malaking limos…2 Si Padre Damaso ay nawalan lamang ng
malay tao… hindi namatay!”
            “Huwag kang umiyak,” ang mahinang sabi ni
Andeng, “paparoonan ko upang makausap mo, sa
ano pa at ginawa ang mga kumpisalan kundi upang
magkasala?  Sapat na ang sabihin ng kura upang
ipatawad na ang lahat.”3
1
MGA PALIWANAG
“Huwag kang umiyak, anak ko,” sabi ni Tia Isabel, samantalang
pinapahiran nang gamusa/chamoise ang makikintab na mukha ng mga
salamin” ASAR TALO TALAGA TAYO KAY RIZAL NA GUMAWA NG
EKSENA – Ginawang katatawanan maging ang pag-iyak ni Maria Clara
at ang katangahan ni Tia Isabel. Abangan pa sa mga susunod na
kabanata ang maraming mga katatawanan na ibibigay ni Rizal na ang
kaniyang ginamit ay si Tiya Isabel.
2
Parang puwedeng patawarin ang kasalanan, kapag nagbigay ng
malaking limos sa simbahan. Kaya naman pala bahagi ng kulturang
Pilipino ang pagbibigay ng pera para maareglo ang mga kaso.
3
Sino ang paparoonan ni Andeng para makausap ni Maria Clara?
Si Padre Salvi ang lihim na pupuntahan ni Andeng para makausap ni
Maria Clara.
Pansinin na, mahina ang pagkakasabi niya kay Maria Clara at
sumunod ay ang pananalitang nagpapakita ng direksiyon na kaniyang
pupuntahan – “sa ano pa at ginawa ang kumpisalan”.
Ano ang lihim nais na ipagawa ni Andeng kay Maria Clara?
Ang magkaroon ng adbantehiyang seksual si Padre Salvi sa dalaga
upang maayos ang suliranin ni Ibarra. Sa maniwala man kayo o hindi ay

447
Dumating din si Kapitan Tiyago.  Sa kaniyang mukha ay
binakas ng mga babae ang sagot sa maraming katanungan;
subalit ang panlalambot ang inilalarawan ng mukha ni Kapitan
Tiyago.  Ang kaawa-awang tao ay pinagpapawisan, hinahaplos ang
kanyang noo at hindi makapagsalita.
          “Ano, Santiago?” ang may takot na tanong ni Tia Isabel.
         Ang isinagot ay isang malalim na buntung-hininga,
samantalang pinapahid ang isang patak na luha.
          “Alang-alang sa Diyos ay magsalita ka!  Ano ang nangyari?”
          “Ang aking kinatatakutan!” bulalas na halos maiiyak.  Wala
nang lahat.  Iniutos ni Padre Damaso na sirain ko ang kasunduan
kay Ibarra, at kung hindi ay paparusahan ako sa buhay na ito at
sa buhay na darating!4 Gayon ang sinasabi sa akin ng lahat, kahit
na si Padre Sibyla!5 Hindi ko siya dapat papasukin sa aking bahay
6
at… limampung libo ang utang ko sa kanya!7  Sinabi ko ang
bagay na ito sa mga pari, ngunit ayaw akong pakinggan:  Alin ang
ibig mong mawala sa iyo, sabi nila sa akin, limampung libong piso
o ang buhay mo at ang iyong kaluluwa?  Ay, San Antonio!  Kung
nalalaman ko lamang, kung nalalaman ko lamang!”8

ginamit ni Rizal ang magkatulad na sitwasyon sa El Filibusterismo sa


dalawang magkaibang tauhan.

MAHUSAY TALAGANG TAGAPAG-LUTO SI ANDENG. Alam ni Andeng


ang lahat kay Padre Salvi at naikuwento niya ito kay Maria Clara
(Kabanata 22 – Talababa 20). Hindi kaya naipagluto rin ni Andeng si
Padre Salvi?
4
Kaparusahan sa buhay na ito – mabibilanggo.
Kaparusahan sa buhay na darating - Ipinakikita ni Rizal ang bisa ng
pananakot sa impiyerno bilang instrumento ng mga prayle upang
takutin ang isipan ng mga Pilipino.
Maaring balikan ang takot ni Kapitan Tiyago sa Kabanata 6.
5
Mapapansin na nagkaroon ng kampihan ang mga prayle laban kay
Ibarra kahit na ito ay nagtanggol lamang sa karangalan ng ama.
6
Makikita ang lupit ng ekskomulgasyon – si Ibarra ay hindi papasukin o
kausapin man lamang sa bahay ni Kapitan Tiyago at sa kanino pa mang
bahay na ang naninirahan ay Katoliko.
7
ANG HIGIT NA IPINAGDADAMDAM NI KAPITAN TIYAGO AY ANG
PERANG MAWAWALA SA KANYA. Tandaan na may sosyohan sina Don
Rafael at Kapitan Tiyago sa negosyo – ang halagan P 50,000 na ang
sosyo ni Don Rafael at ngayon ay magiging pag-aari na ni Ibarra. Iniisip
kasi ni Kapitan Tiyago na ang utang na iyon ay mababali-wala kung
magkakatuluyan ang magkasintahan.
8
Pansinin na ang Santo na tinawag ni Kapitan Tiyago ay si San Antonio

448
         Si Maria Clara ay umiiyak.
          “Huwag kang umiyak, anak ko,” ang dugtong na ito ang
hinarap, “hindi ka kagaya ng ina mo na kailanman ay hindi
umiiyak… hindi umiiyak kundi noong naglilihi…9 Sinabi sa akin
ni Padre Damaso na dumating na ang isang kamag-anak niyang
galing sa Espanya… at siyang nais na maging katipan mo…”10
           Tinakpan ni Maria Clara ang kanyang mga tainga.
            “Santiago, nauulol ka ba?” ang sigaw sa kanya ni Tia
Isabel, “ipagpipilitan mo ngayon sa kanya ang ibang katipan! 
Akala mo ay nagpapalit ng katipan ang iyong anak na gaya nang
pagpapalit ng baro?”
            “Iyan din nga ang iniisip ko, Isabel; si Ginoong Crisostomo
ay mayaman… ang mga Kastila ay nag-aasawa lamang nang dahil
sa salapi… ngunit ano ang ibig mong gawin ko?11  Binalaan akong
paparusahan ng excomunion … sinasabing mapanganib ang aking
kaluluwa at katawan… ang katawan, nadinig mo?   Ang
katawan!”12  
            “Datapwat wala kang ginagawa kundi pasakitan lamang
ang iyong anak!  Hindi ba kaibigan mo ang arsobispo?  Bakit hindi
mo sulatan?”
            “Ang arsobispo ay prayle din, walang ginagawa ang
arsobispo kundi ang sabihin lamang ng mga prayle.13  Ngunit
na ama ng mga prayle. – Ibig sabihin nito ay kung alam lang niya kung
gaano kahirap makipag-usap sa mga alagang baboy ni San Antonio.
Balikan ang Kabanata 6.
9
Si Donya Pia na ina ni Maria Clara ay umiyak lamang noong naglilihi.
Hindi ba ang isang magiging ina ay masaya sa pagsilang ng kaniyang
magiging anak. Ang pag-iyak ng isang babae habang naglilihi ay
palatandaan na hindi niya gusto ang nangyari sa kaniya.

Mapapansin na talagang hindi gusto ni Pray Damaso si Ibarra para kay


10

Maria Clara at naghintay pa ng isang binatang taga Espanya para itapat


na manliligaw at/o maging kasintahan ni Maria Clara.

Alam din ni Kapitan Tiyago na maraming mga mahihirap na Espanyol


11

ang nagpupunta sa Pilipinas noon para makapag-asawa ng isang


mayamang Pilipina na tagapagmana. Ang mga Espanyol na ito ang
nagpauso ng pamamaraan ng pag-akyat sa hagdanan ng mataas na
antas pan-lipunan sa pamamagitan ng pag-aasawa.
12
Ang banta kay Kapitan Tiyago ay hindi lamang sa buhay na darating,
pati sa katawan – mabibilanggo.
13
Ipinakikita rin ni Rizal na ang arsobispo ay isang prayle at nagiging
sunud-sunuran sa mga provincial o pinuno ng partikular na orden na
kaniyang kinabibilangan. Mayroong isinulat si Rizal na ganitong
kuwento na ang arsobispo ay pinaglaruan ng mga prayle.

449
huwag kang umiyak, Maria; darating ang Kapitan Heneral, marahil
ay gugustuhin na makita ka at ang mga mata mo ay makikita na
namumugto… Ay!  Ang akala ko pa naman ay magkakaroon ako
ng isang maligayang hapon… kung hindi lamang dahil sa
malaking kaguluhang ito ay ako sana ang pinakamaligayang tao,
at ang lahat ay maiinggit sa akin… Huminahon ka, anak ko, lalo
pa akong sawi kaysa iyo ngunit hindi ako umiiyak!  Ikaw ay
maaaring magkaroon ng lalong mabuting mapapangasawa, ngunit
ako, ako ay mawawalan ng limampung libong piso!   Ay, mahal na
Birhen sa Antipolo, kung susuwertihin lamang sana ako
mamayang gabi!”
           Putukan, ingay ng gulong ng mga sasakyan, takbuhan ng
kabayo, tugtugan ng marcha real ang nagbabalita ng pagdating ng
Kapitan Heneral ng Kapuluan ng Pilipinas.  Si Maria Clara ay
patakbong nagtago sa kanyang silid… Kaawa-awang dalaga!  
Pinaglaruan ang iyong puso ng mga magagaspang na kamay na di
nakakakilala ng kanyang mararamdaming
tibok.14
Samantalang ang bahay ay napuno ng
tao, at ang malalakas na yabag, mga sigaw
na nag-uutos, mga ingay ng mga sable at
espuwelas(spurs) ay naririnig sa lahat ng
dako, ang malungkot na binibini ay
nanlupaypay na halos paluhod sa harap ng
isang larawan ng Birhen, na ang anyo ay
hapis sa pangungulila, na walang
makapaglalarawan kundi si Delaroche15
lamang, na parang napanood nito ang
birhen nang manggaling sa libingan ng
kanyang anak.  Wala sa isip ni Maria Clara
ang dalamhati ng inang iyon, ang nasa isip niya ay ang sariling
kadalamhatian. Ang ulo ay nakayuko sa dibdib at ang mga kamay
ay nakatukod sa lupa na parang sanga ng asusena na binali ng
bagyo.  Isang kinabukasang pinangarap at kasama sa mahabang
panahon, na ang mga gunitain, na nagsimula pa sa pagkabata at
lumaki nang magdalaga, at siyang nagbigay-anyo sa buo niyang

14
“Kaawa-awang dalaga!  Pinaglaruan ang iyong puso ng mga
magagaspang na kamay, na di nakakakilala ng kanyang
mararamdaming tibok.”Pagpapakita ni Rizal na ang hindi pagkaunawa
ng mga kalalakihan sa damdamin ng mga kababaihan ang nagiging
dahilan ng masamang pakikitungo sa kanila. Sana wala ng iba pang
nais ipakahulugan si Rizal dito.
15
Pablo Delaroche – isang pintor na Pranses.

450
katauhan, ay ninanais na pawiin ngayon, sa isang salita lamang,
sa kaniyang pag-iisip at sa puso!  Ang ganito ay para ding
pagpapatigil sa tibok ng kaniyang puso at pagpawi ng liwanag sa
kaniyang pag-iisip!16
Si Maria Clara ay isang mapagmahal na anak at mabuting
kristiyana.  Hindi lamang natatakot sa ekskumulgasyon, pati na
ang pagkawala ng kapayapaan ng ama ay humihinging lunurin
niya ang kanyang pag-ibig. Dinaramdam niya nang matindi ang
damdaming iyon na hindi pa niya nararamdaman.  Iyon ay minsan
ay naging isang ilog na umaagos ng marahan; masasamyong
bulaklak ang nakalatag sa mga gilid at ang kanyang ilalim ay mga
maliliit na buhangin.  Bahagya nang kulutin ng hangin ang
kanyang agos; kung siya ay matatanaw ay masasabing tulog. 
Subalit biglang kumipot ang inaagusan, magagaspang na
talampas ang humadlang sa kanyang agos, matatandang kahoy
ang humalang na naging sagka, ah!17 nang magkagayon ang
pumaitaas na mga bula, binundol ang mga talampas at tumalon
sa kailaliman.
           Ibig niyang manalangin, subalit sino ang
makapananalangin sa gitna ng malaking hinagpis?  Mga
panalangin sa panahon ng kawalan ng pag-asa ay tumatawag tayo
sa Diyos, upang sabihin ang ating mga daing.  Diyos ko!  Ang
sigaw ng kanyang puso.  Bakit inilalayo nang ganoon na lamang
ang lalaking iyon, bakit siya pagkakaitan ng pag-ibig ng kapwa?  
Hindi mo siya pinagkaitan ng araw, ng hangin, at hindi mo itinago
sa kanya ang anyo ng langit.   Bakit ipagkakait sa sa kanya ang
pag-ibig, gayong maaaring mabuhay nang walang langit, walang
hangin at walang araw, ngunit hindi mabubuhay nang walang
pag-ibig?18
           Makarating kaya sa tronong kinaroroonan ng Diyos ang
mga sigaw na iyon na hindi madinig ng tao?  Madinig kaya ng Ina
ng mga sawing-palad?
Ang kaawa-awang dalaga, na hindi nakilala ang ina ay
nangahas na magtiwala ng mga pighating ito, na gawa ng pag-ibig
sa lupa sa malinis na pusong iyon na walang nakilala kundi ang
pag-ibig anak at pag-ibig ina:  sa kanyang mga kalungkutan ay

Sa talatang ito ay nagawang ilarawan ni Rizal ang pagkabasag ng puso


16

ng isang babae.
17
Kahulugan - Isang matandang pananampalataya ang humadlang sa
agos ng kanilang pag-ibig.
18
Ang hanay ng pananalitang ito ni Rizal ay isang anyo ng kaniyang
pagtutol sa ipinatutupad na excomunion ng simbahan sa kaniyang
kapanahunan.

451
lumalapit siya sa larawang iyon ng kababaihan na kinakasihan ng
Diyos, ang pinakamagandang himala na ukol sa
pinakamagandang nilikha, diyan sa maningning na likha ng
Kristiyanismo, na may taglay sa sarili ng dalawang
pinakamagandang kalagayan ng babae, maging birhen at ina,19
na hindi nabahiran ng kahit bahagyang dungis, na tinatawag
nating Maria.
            “Ina, ina!” ang taghoy.
Kinuha siya ni Tia Isabel sa gayong kalungkutan.  Dumating
ang ilang kaibigan at ibig siyang makausap ng Kapitan Heneral.
            “Tia, sabihin ninyong may sakit ako!” ang bulong ng
dalaga na gulat, “patutugtugin ako ng piyano at paaawitin!”
            “Ipinangako ng ama mo, huwag mong ilagay sa kahihiyan
ang iyong ama?”
           Si Maria Clara ay tumindig, tumingin sa kanyang ali,
pinilipit ang kanyang magagandang bisig at bumulong nang:
“Oh!  Kung mayroon lamang akong…”
           Datapwa’t hindi natapos ang salita at sinimulan ang pag-
aayos.

19
dalawang pinakamagandang kalagayan ng babae, maging birhen at
ina”
Ikumpara ito sa sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Dna. Consolacion sa
Kabanata 25. Ipinakikilala ni Pilosopo Tasyo ang pagiging masamang
babae ni Dna. Consolacion maagang nasira ang kapurihan. Ang isang
babae kahit na anong sama ay may mapipigang kabutihan kung ito ay
magkakaroon ng pagkakataon na maging isang ina, ngunit si Donya
Conslacion ay hindi naging anuman sa dalawa.

452

Вам также может понравиться