Вы находитесь на странице: 1из 7

NATIONAL UNIVERSITY

Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham


PANGGITNANG PAGSUSULIT

Siya
Galing siya sa pamilyang butas ang bulsa. Kinupkop siya ng aking ina na mababa
ang loob, noong tatlong buwang sanggol pa lamang siya. Inaruga tulad ng isang tunay
na anak, pinag-aral at itinuring na kapamilya.
Ang aming ilaw ng tahanan ay makapal ang palad at disiplinado, pagdating sa
amin, dalawa ang bibig nya. Hindi ko alam pero lumaki siyang mabigat ang kamay,
mahaba ang buntot, at naging malikot ang kamay dahil umaasta siyang mayaman sa
harap ng iba.Mahangin talaga ang ulo nya. Makati rin ang paa kaya madalas siyang
napapagalitan; at sa tuwing nasesermonan ay nakapinid ang tainga. Matigas ang ulo
at . balat kalabaw kahit minsan nagiging matalas na rin ang dila ni Inay sa kanya.
Kahit anong pangaral sa kanya, isa talaga siyang hampas lupa at walang plano sa
buhay. Ewan ko ba talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Nagbubulakbol pa siya
sa eskwela at tuwing nasa bahay ay takaw-tulog.
Isang araw lumayas siya sa amin, nabalitaan naming nakipagtanan daw ito. May
nagsabi ring buntis daw ito kaya lumayo. Nasaktan si Ina sa paglisan niya, alam kong
mahal na mahal niya ito sa kabila ng lahat. Tinanggap nya pati ang sanga-sangang
dila, ang taingang kawali at ang kawalang galang nito sa kanya. Kawawa talaga siya, di
nya naisip ang kanyang kinabukasan. Sana umuwi siya isang araw at magbago na.
SEMANTIKA
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang
sagot.
____1. Ang kahulugan ng butas ang bulsa ayon sa binasa ay;
a. walang salapi
b. walang pangtustos
c. walang pambili
d. walang maibenta
____2. Ang kahulugan ng mababa ang loob ayon sa binasa ay;
a. mapangkupkop
b. maawain
c. mapagmahal
d. maunawain
____3. Ang kahulugan ng makapal ang palad ayon sa binasa ay;
a. masipag maghanap ng trabaho
b. masipag sa trabaho
c. masipag makatrabaho
d. masipag magbigay ng
trabaho.
____4. Ang kahulugan ng dalawa ang bibig ayon sa binasa ay;
a. mabunganga
b. mahilig magsalita
c. nakikipagdebate
d. nakikipagtalo
____5. Ang kahulugan ng mabigat ang kamay ayon sa binasa ay;
a. tamad kumilos
b. tamad magtrabaho
c. tamad gumalaw
d. tamad makisalamuha
1

____6. Ang kahulugan ng mahangin talaga ang ulo ayon sa binasa ay;
a. mapagmalaki
b. mayabang
c. mahilig magkwento ng hindi totoo
d. mahilig ipagmalaki ang sarili sa mga kaibigan
____7. Ang kahulugan ng makati rin ang paa ayon sa binasa ay;
a. mahilig sa gala
b. mahilig pumasyal sa kasintahan
c. mahilig makipagsosyalan d. mahilig pumasyal sa kaibigan
____8. Ang kahulugan ng balat kalabaw ayon sa binasa ay;
a. hindi marunong makinig ng payo
b. hindi tinatablan ng hiya
c. hindi tinatablan ng sakit
d. hindi madaling magkasakit
____9. Ang kahulugan ng matalas na rin ang dila ayon sa binasa ay;
a. masakit magsalita
b. mapanghamak
b. masakit pakinggan d. mapangtuligsa
____10. Ang kahulugan ng sanga-sangang dila ayon sa binasa ay;
a. sinungaling
b. mapaggawa ng kwento
c. malihim sa tunay na pangyayari
Teksto at Konteksto ng Diskurso
II. May Pagpipilian
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang
sagot.
____1. Ito ay isang verbal na pagpapahayag na pasalita at pasulat; isang
verbal na
palitan; isang konbersasyon; isang pormal na mahabang diskusyon/
talakay sa
isang partikular na sabjek o isang proseso ng verbal na pag-uusap
gamit ang
pangangatwiran.
a. konteksto
b. teksto
c. diskurso
d. teoryang speech act
____2. Sa verbal/oral na pagpapahayag, ito ang tinig/boses na ating sinasab,
sa pasulat
na diskurso ito ang mga linya o isteytment na ating binabanggit sa
ating
diskursong isinusulat, dito natin ipinapahayag ang ating talino.
a. konteksto
b. teksto
c. diskurso
d. teoryang speech act
____3. Ito ay binubuo ng mga kultural, historikal, sikolohikal na elementong
nakapaloob sa teksto na kabahagi sa pagbibigay ng kahulugan sa
ipinahayag(pasalita o pasulat) man.
a. konteksto
b. teksto
c. diskurso
d. teoryang speech act
____4. Pinag-aralan ni John L. Austin na ang pangunahing kraytirya ay kung
totoo o
2

hindi ang sinasabi, kungdi kung paaano nagampanan ng tama o


apropriyet,
may lugod at naaayon sa konbensyon, tuntunin o regulasyon na
kinikilala
pareho ng tagapagsalita o tumatanggap ng mensahe.
a. konteksto
b. teksto
c. diskurso
d. teoryang speech act
____5. Ito ay tumutukoy sa pagsasabi ng anuman sa karaniwan pamamaraan
(an act of
saying something)nang hindi nangangailangan ng aksyon; halimbawa
nito ay
masaya ako.
a. illocutionary
b. perlocutionary
c. indirect speech act d. locutionary
____6. Ito ay ang pagsasagawa ng aksyon/akto sa pagsasabi ng anuman (the
performance of an act in saying something) hindi lamang sinabi ang
nasabing
bagay kungdi isagawa pa ito.
a. illocutionary
b. perlocutionary
c. indirect speech act d. locutionary
____7. Ito ay awtomatikong pagsasagawa ng isang bagay at kung ano ang
ibig sabihin
ng pangungusap na sinambit o kayay hindi buong-buo ang diwa/ di
detalyado
ang pangungusap ay awtomatikong naiintindihan pa din; halimbawa,
Ang
pagsasabing Peter! Sa halip na Peter, pwede mo bang hugasan ang
pinggan?
Kung gustong makiusap para maghugas ng pinggan si Peter ay
imumuwestra o
ituturo na lamang.
a. illocutionary
b. perlocutionary
c. indirect speech act d. speech act
____8. Ang pagbabago ng wika ay bunga ng impluwensya ng mga sosyal at
kultural na
factor; maaring resulta ng kontak at panghihiram, o bunga ng
imahinasyon ng
isip ng tao.
a. teoryang variationist b. teoryang pragmatiks
c. teoryang speech act d. direct speech act
____9. Ito ay tumutukoy kung paano ginamit ng tao (tagapagsalita) ang wika
sa
konstekto ng isang partikular na paraan; kung paanong ang panahon
(time),
lugar (place), at sosyal na relasyon (social relationship) sa pagitan ng
tagapagsalita ay tagatanggap ay nakaaapekto sa pagsasagawa ng
aksyon.
3

a. teoryang variationist b. teoryang pragmatiks


c. teoryang speech act d. speech act
____10. Ito raw ang nagpapalinaw ng mga karakter; aksyon at larawan ng
mundog
ipinapahayag ng pangungusap.
a. illocutionary
b. perlocutionary
c. indirect speech act d. speech act
Bagong Ortograpiyang Filipino at Estraktura
III. May Pagpipilian
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot.
___1. Ang tawag sa binago o pinagyamang dating ABAKADA.
a. Bagong Alpabetong Filipino
b. Alibata
c. Abecedario
d. Ang Higit na Pinagyamang ABAKADA
___2. Ito ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
a. Kudlit
b. Klaster
c. Diptonggo
d. Sintaksis
___3. Tinatawag itong malayang morpema na nakapag-iisa.
a. Salitang-ugat
b. Morpema
c. Morpolohiya
d. Sintaksis
___4. Bilang ng dinagdag na titik na tinanggihan ng Malakanyang.
a. Apat
b. Tatlo
c. Dalawa
d. Anim
___5. Ang Bagong Alpabetong Filipino
a. 28 Titik
b. 26 Titik
c. 20 Titik
d. 25 Titik
___6. Formulasyon o pagbuo ng salita
a. Morpolohiya
b. Semantika
c. Morpoponemiko
d. Sintaksis
___7. Ang sikolohikal na pakahulugan ng mga salita
a. Morpolohiya
b. Semantika
c. Sintaksis
d. Morpoponemiko
___8. Ang word order o ayos ng mga salita sa isang pangungusap.
a. Sintaksis
b. Morpolohiya
c. Morpoponemiko
d. Semantika
___9. Ang pinakamaliit na yunit ng tunog
a. Ponema
b. Morpema
c. Ponolohiya
d. Morpolohiya
___10. Ito ay tumutukoy sa denotasyon at konotasyon na kahulugan ng mga
salita.
a. Sintaksis
b. Morpolohiya
c. Morpoponemiko
d. Semantika
Modelo ng Komunikasyon
IV. MAY PAGPIPILIAN (Multiple Choice)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot.
____ 1. Ipinakita niya ang kanyang modelo sa pamamagitan ng dayagram na SMCR
(Source, Message, Channel, Receiver) ayon sa kanya kapag mahusay ang
kasanayan sa komunikasyon ng parehong tagapagsalita at tagatanggap ay
mas epektibo ang paghahatid at pag-unawa ng mensahe.
4

a. George Herbert Mead


b. Harold Lasswell
c. David Berlo
d. Shannon at Weaver
____ 2. Nagpakilala ng isang modelong paraan kung paanong mas mapapadali ang
komunikasyon sa pamamagitan ng Mathematical Theory of Communication.
Ayon sa teorya, ang paghahatid ng mensahe ay nangangailangan ng electronic
signal na binubuo ng information source ang mensahe, ang transmitter, ang
signal at ang resiver.
a. George Herbert Mead
b. Harold Lasswell
c. David Berlo
d. Shannon at Weaver
____ 3. Siya ang tinaguriang Father of Communication Study na nagbigay ng empasis
sa proseso ng encoding at decoding. Sinamahan niya ito ng human behaviour
na tumutukoy sa pagbibigay ng kahulugang denotasyon at konotasyon.
a. Charles Osgood
b. Wilbert Lang Schramm
c. David Berlo
d. Shannon at Weaver
____ 4. Ang kanyang modelo ay ay nagpapahintulot sa pag-iiterpreta ng mensahe na
may impluwensya ng kagamitang pisikal- (telepono, telebisyon, mikropono,
atbp.); semantika(distraksyon, gulang, atityud atbp.) at ingay (noise).
a. Charles Osgood
b. Wilbert Lang Schramm
c. David Berlo
d. Shannon at Weaver
____ 5. Ipinakilala niya ang who says what?, to whom?, in which medium?, with what
effect? na tumutukoy sa mga elemento transmisyon o paghahatid ng mga
mensahe.
a. George Herbert Mead
b. Harold Lasswell
c. David Berlo
d. Shannon at Weaver
____ 6. Ang kanyang modelong Simbolik Interaksyonist (Symbolic Interactionist) ay
nagsasabing ang lawak ng pag-alam ay lawak ng pagbibigay ngalan ng
karunungan sa mga bagay na ting naeengkwentro o nakikita.
a. George Herbert Mead
b. Harold Lasswell
c. David Berlo
d. Shannon at Weaver
____ 7. Ang kanyang Meditational Theory of Meaning nanagpaliwanag hinggil sa
kahulugan ng anumang informasyon na maaaring tukuyin sa pamamagitan ng
tatlong dimensyon: ebalwasyon ( kung ito ay mabuti o masama); lakas
(potensi); at aktibiti (gaano ito kabilis)
a. Charles Osgood
b. Wilbert Lang Schramm
c. David Berlo
d. Shannon at Weaver
____ 8. Ayon sa pag-aaral ni Shannon, anong semantikang epekto ng komunikasyon
Ang nakaakit sa iyo ang pisikal na kaanyuan ng kausap mo, sa halip na sa
sinasabi/mensahe nakapokus, sa kanyang mata ka nakatitig at nawawala ang
konsentrasyon sa sinasabi.
a. Atityud sa Tagapagsalita
b. Distraksyon
c. Atityud sa mensahe
d. Kowd
____ 9. Ayon sa pag-aaral ni Shannon, kung minsan, ayaw nating pakinggan ang ang
para satin ay maling paniniwala ng ating kausap. Para sa atin ay walang
katuturan at pag-aaksaya lamang ang kanyang ginagawa, May ingay tayong
nararamdaman sa sarili natin hinggil sa sinasabi ng kausap. Ramdam natin
kung tayoy binobo, dahil batid natin na taliwas iyon sa iyong nalalaman.
a. Atityud sa Tagapagsalita
b. Distraksyon
c. Atityud sa mensahe
d. Kowd
5

____ 10. Itoy tumutukoy hinggil sa pananaw, pag-kakaunawa, paniniwala o haka sa


mga taong nag-uusap kung anong wika ang nababagay na kanilang gamitin sa
pag-uusap na madalas ay nagbibigay ng di inaasahang ekspektasyon.
a. Atityud sa Tagapagsalita
b. Distraksyon
c. Atityud sa mensahe
d. Kowd
V. Sintaks:
Panuto: Isulat ang titik sa patlang na may pinakabuo ang diwa at mahusay ang
pagkakaayos.
_____1.

a. Laging galit si Gina


b. Galit si Gina lagi.
c. Si Gina laging galit

_____2.

a. Pagod na pagod si Pete pagkatapos ng maghapong paglalaro.


b. Sa maghapong paglalaro, si Pete ay pagod na pagod.
c. Pinagpapagod si Pete ng maghapong paglalaro

_____3.

a. Hairdresser ang magandang mag-make-up


b. Ang hairdresser ay maganda ang make-up.
c. Magandang mag-make-up ang hairdresser

_____4.

a. Luksong-tinik ang paborito niyang laro


b. Tinik-lukso ang larong paborito niya
c. Paborito niya ang luksong-tinik bilang laro.

_____5.

a. Init ang dahil sa pawisang katawan ni John


b. Pawisan ang katawan ni John dahil sa init.
c. Sa init napawisan ang katawan ni John.

_____6.

a. Naniniwala siya sa sabi-sabi.


b. Sa sabi-sabi ang pinaniwalaan niya.
c. Ang paniwala niya ay sabi-sabi.

_____7.

a. Lumabas na ang katotohanan.


b. Ang katotohanan ay naglabas na.
c. Naglabas na ang katotohanan.

_____8.

a. Nag-iisip siya nang malalim.


b. Nagkuro siya ng malalim.
c. Malalim ang iniisip niya.

_____9.

a. Tumambad sa kanya ang pangyayari.


b. Lumantad sa kanya ang pangyayari.
c. Humarap sa kanya ang pangyayari.

_____10.

a. Humahangos siyang dumating.


b. Naiinip siyang dumating.
c. Nagtatampo siyang dumating.
6

Ang Kahulugan ng Body Language

VI. PAGTATAPAT-TAPAT (Matching Type)


Panuto: Ano kahulugan ng mga sumusunod na body language? Hanapin sa
kolum B ang pinakamalapit na kahulugan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
___1. Pagbibigay ng high five
a. pagkakaibigan
___2. Paglakad ng padabog
b. di interesado/ walang interes
___3. Pagtatakip ng ilong
c. pagkapahiya
___4. Pag-akbay sa tao
d. ayaw sumunod
___5. Pagkibit-balikat
e. Pagkahiya o nahihiya
___6. Kausap mo subalit nakatingin sa malayo
f. Pag-aaruga/ pagmamahal
___7. Paghaplos sa likod
g. pagkatuwa
___8. Pamumula ng mukha
i. Pagwawalang bahala
___9. Pagtatakip ng mukha
j. Mabaho ang naaamoy
___10. Paghalukipkip
k. Pagkamayabang/pagmamalaki
VII. SANAYSAY
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Sampung puntos bawat isa.
A. Papaano makatutulong ang dimensyon ng diskurso sa pag-aaral ng wika ng mga
mag- aaral.
B. Bakit mahalaga ang Proklamasyon blg. 1041 na nagtatalaga na ang Agosto ay
Buwan ng Wikang Filipino?
Inihanda nina:
Prop. Ferdinand D. Pion
Prop. Arnold L. Cay
Dr. Ricardo M. Matibag

Вам также может понравиться