Вы находитесь на странице: 1из 2

UNANG MARKAHAN

Mahabang Pagsusulit blg.1 ( Filipino 7)


Pangalan: _____________________________
Petsa: ________________________

Baitang/Pangkat: _______________
Puntos: ________________

I. PCS MOTTO
A. Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng
kawastuhan at kung MALI isulat ang salitang magpapawasto sa pangungusap.
_______ 1. Ang motto ay itinuturing ding sawikain sa Tagalog.
_______ 2. Ang motto ng PCS ay Noblesse Oblige
_______ 3. Ito ay hango sa bansang PRANSYA.
_______ 4. Isang pribilehiyong tawagin tayo bilang kapatid ng Diyos.
_______ 5. Nararapat lamang gumawa at kumilos tayo ayon sa kagustuhan ng Dakilang Lumikha.
_______ 6. Mamuhay tayo ng wasto, gawin ang ating makakaya at hayaan na ang Diyos ang magpasya ng iba.
II. PANITIKAN
A. Panuto Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng Tamang sagot sa loob
ng kahon. (10 puntos)
1. Anumang bagay na naisulat na may kinalaman sa iniisip, damdamin at hangarin ng tao.
2. Ito ay anyo ng panitikan na nabuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita.
3. Mga sagradong kwentong hinango mula sa bibliya.
4. Mga kwentong hayop at ang nagsisiganap at magsisikilos na parang tao na pawang naghahatid ng
magandang aral.
5. Mga salaysaying nagpapatungkol sa mga pinagmulan ng pook at ng mga bagay-bagay sa mundo.
6. Mahabang pagsasalaysay ng mga pangyayari na nahahati sa kabanata.
7. Talaan ng buhay ng isang tao.
8. Pagsasabuhay o pagsasaentablado ng mga pangyayari gamit ang sining ng pag-arte.
9. Paglalahad ng mga makatotohanang pangyayari araw-araw sa bawat sulok ng bansa.
10. Mga kwento nagpasalin-salin sa pamamagitan ng bukambibig
11. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyong salita ng mga taludtod na may
sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat
saknong.
12. Salaysaying naglalahad ng kabayanihan at kagitingan ng isang tao sa partikular na lugar.
13. Maikling salaysaying naglalahad ng tiyak na pangyayari at kakintalan.
14. Mga pag-aaral sa sinaunang Diyos o pinaniniwalaaang mga taong may kakaibang taglay na
katangian.
15. Mga kalipunan ng matalinong pagpapahayag ng kuro-kuro, opinyon ng isang tao sa napapanahong
paksa o isyu.

A. Alamat
B. Balita
D. Dula
C. Epiko
E. Kwentong-bayan

F. Maikling kwento
G. Mitolohiya
H. Nobela
I. Pabula
J. Panitikan
K. Parabula

L. Pabula
M. Patula
N. Sanaysay
O. Talambuhay
P. Tuluyan

Вам также может понравиться