Вы находитесь на странице: 1из 44

4

PY

Si ning

C
O

Kagamitan ng Mag-aaral

EP
E

Yunit 1

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng

mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,
at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Musika at Sining Ikaapat na Baitang

Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
ISBN: ___________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa

Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.

C
O

PY

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)
Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD
Direktor III: Marilette R. Almayda, PhD

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Musika

Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay

EP
E

Consultant: Myrna T. Parakikay

Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres
Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseares,
Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian
Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena
Tagatala: Richilo L. Laceda
Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal

Sining

Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial
Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela
Mga Manunulat: Cynthia Montaez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval
Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez
Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena
Mga Naglayout: Algievoi Omaa; Jerby S. Mariano

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________

Department of EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS)
Office Address :
5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax
:
(02) 6341054 or 6341072
Email Address :
imcsetd@yahoo.com

ii
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Paunang Salita

Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda

upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan
sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na
lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa ibat ibang uri ng
sining. Kung kayat ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at
natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan
ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.

C
O

PY

Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigaylaya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin
at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na
magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.
Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa
maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral
upang magkaroon ng:
mapanuri at replektibong pag-iisip;

mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;

mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at

EP
E

mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at

kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.

Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong

upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral
ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education
Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.

iii
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

SINING
Yunit 1 Pagguhit

PY

Aralin 1: Mga Disenyo sa Kultural na

Pamayanan sa Luzon................................................
Aralin 2: Mga Disenyong Kultural ng mga Pamayanan
sa Visayas..........................................................
Aralin 3 : Mga Disenyo ng Kultural na Pamayanan sa
Mindanao...........................................................
Aralin 4: Mga Katutubong Disenyo..................................

145
150
154
158

C
O

Aralin 5: Mga Katutubong Disenyo sa Kasuotan at

Kagamitan......................................................... 162

EP
E

Aralin 6: Kagawian ng Ibat ibang

Pamayanang Kultural......................................... 166
Aralin 7: Masining na Disenyo ng Pamayanang
Kultural ............................................................. 169
Aralin 8: Crayon Resist ng Disenyong-Etniko.................. 173

vi
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

PY
C
O

EP
E

SINING

141

YUNIT I

EP
E

PAGGUHIT

143

YUNIT
1
:
Pagguhit
Aralin Bilang 1
:
Mga Disenyo sa Kultural na
Pamayanan sa Luzon

C
O

PY

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang

ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay ginagamitan
ng ibat ibang linya, kulay, at hugis. Ang mga linya ay maaaring tuwid,
pakurba, pahalang, at patayo. Kadalasang ang kulay na ginagamit
ay pula, dilaw, berde, at itim. Ibat ibang hugis ang makikita sa
mga disenyo tulad ng triyanggulo, kwadrado, parisukat, bilog, at
bilohaba. Ito ay hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.
Suriin ang sumusunod na mga larawan:

EP
E

Disenyong Kalinga

Disenyong Gaddang

Disenyong Ifugao
145
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

May nakikita ba kayong pagkakaiba sa kanilang paggamit ng

linya, hugis, at kulay?
Nakikita rin ba ang paulit-ulit na disenyo sa kanilang mga
gawa?

EP
E

C
O

PY

Tingnan ang halimbawa ng likhang sining sa araling ito.

1. Ano ang napansin ninyo sa inyong iginuhit na mga disenyo o

maging sa inyong sariling likhang sining?

Mga Disenyo sa Karton o Kahon

Kagamitan: Mga bagay na karton gaya ng baso o mga kagamitan
na maaaring makuha sa kalikasan at iba pa, lapis,
krayola, o oil pastel
146
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba pang bagay na
mayroon sa inyong lugar na maaaring gamitin para guhitan
ng mga disenyo.
2. Umisip ng disenyo mula sa mga kultural na pamayanan ng
Luzon tulad ng Ifugao, Gaddang, at Kalinga.

PY

3. Iguhit ang napiling disenyo sa karton o kahon gamit ang lapis.

Maaari ring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang
mga hugis, kulay, linya, at ang prinsipyong paulit-ulit.

C
O

4. Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga disenyo ang

inyong iginuhit, at sundan ito ng krayola o oil pastel para lalong
maging kaakit-akit ang iyong likhang-sining.

EP
E

5. Kung wala nang idadagdag, puwede nang itanghal ang

ginawang likhang-sining at humanda sa pagpapahalaga.

Ang mga disenyong kultural ng pamayanan sa Luzon

ay isa sa mga pamana ng sining sa ating bansa. Kaakit-akit
at kanais-nais sa paningin ang kanilang mga likhang disenyo
na ginagamitan ng ibat ibang linya, hugis, at kulay. Ilan sa
mga ito ay ang mga inukit o nililok na kahoy at mga damit na
may ibat ibang burda. Karamihan ng kanilang mga ginawang
disenyo ay hango sa kalikasan o maging sa kapaligiran tulad
ng dahon, tao, bundok, at mga hayop.

147
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panuto : Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong

naisagawa sa buong aralin.

PY

C
O

EP
E

1. Natukoy ko ang
ibat ibang disenyo
na nagtataglay ng
mga elemento at
prinsipyo ng sining
sa mga gawa ng
mga taga Luzon.

Mga Pamantayan

Nakasunod Nakasunod
Hindi
sa
sa
nakasunod
pamantayan pamantayan
sa
nang higit sa
subalit
pamantayan
inaasahan
may ilang
pagkukulang
(3)
(2)
(1)

2. Nalaman ko ang
mga disenyong
kultural na
pamayanan na
nagmula sa
Luzon.

148
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

EP
E

5. Naipamalas
ko nang may
kawilihan ang
aking ginawang
likhang sining.

C
O

4. Napahalagahan at
naipagmamalaki
ko ang mga
katutubong sining
na gawa ng
mga kultural na
pamayanan sa
Luzon.

PY

3. Nakagawa ako
ng isang likhangsining na tulad ng
mga disenyong
mula sa Luzon.

149
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT
1
:
Pagguhit
Aralin Bilang 2
:
Mga Disenyong Kultural ng
mga Pamayanan sa Visayas

C
O

PY

Ang mga pangkat-etniko mula sa Hilagang Luzon hanggang

Sulu, at sa iba pang bahagi ng Mindanao ay may kani-kaniyang
katutubong sining o motif na nagtataglay ng ibat ibang linya, hugis
at kulay na ginagamitan ng paulit-ulit na disenyo na higit nilang
napaunlad at napagyaman sa ngayon.

EP
E

Narito ang ilang halimbawa ng kanilang mga disenyo ng tela

na nagtataglay ng ibat ibang hugis at linya, at maaaring makabuo
ng isang pattern.

Itanong :
Ang kanilang mga disenyo ba ay nagpapakita ng ibat ibang
linya, hugis, at kulay?
150
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C
O

PY

Ito ang halimbawa ng disenyong radial na maaaring gamitin

bilang panggitnang disenyo. Ang mga disenyong ito ay maaaring
gamitin sa ibat ibang bagay tulad ng ginupit na hugis bilog na karton.

Disenyo sa Platong Karton

EP
E

Kagamitan : platong karton o cardboard na maaaring gupitin na

hugis bilog, lapis, krayola, o oil pastel
Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng platong karton o cardboard

ginupit na hugis bilog, lapis, krayola, o oil pastel.
2. Umisip ng disenyo na iguguhit sa platong karton o cardboard
na hugis bilog. Lagyan ito ng ibat ibang hugis, kulay, at
linya. Maaari ring gumawa ng disenyong panggitna.
3. Kulayan ang iginuhit na mga disenyo gamit ang krayola o oil
pastel.
4. Kung tapos na ang ginawang likhang sining, maaari na itong
ipaskil sa blackboard at maghanda sa pag-uulat o pagbabahagi
tungkol sa disenyong ginawa.
151

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ang ating bansa ay punong-puno ng magagandang likha. Ang

mga ito ay nagtataglay ng mga elemento ng sining tulad ng linya,
hugis, kulay, at may prinsipyong paulit-ulit.

C
O

PY

Ang likas na kagandahang ito ng kapaligiran ay nagsisilbing

inspirasyon ng mga kultural na pamayanan na naninirahan sa
Visayas.

Panuto : Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong

naisagawa sa buong aralin.

EP
E

Nakasunod Nakasunod
sa
sa
pamantayan pamantayan
nang higit sa
subalit
inaasahan
may ilang
pagkukulang
(3)
(2)

(1)

Mga Pamantayan

Hindi
nakasunod
sa
pamatayan

1. Natukoy ko ang
ibat ibang disenyo
na nagtataglay ng
mga elemento at
prinsipyo ng sining
na gawa ng mga
taga Visayas.
152

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

EP
E

4. Napahalagahan
at naipagmalaki
ko ang mga
katutubong sining
na gawa ng
mga kultural na
pamayanan sa
Visayas.

C
O

3. Nakagawa
ako ng isang
likhang-sining na
ginagamitan ng
mga disenyo ng
Visayas.

PY

2. Nalaman ko ang
mga disenyo ng
pamayanang
kultural sa Visayas.

5. Naipamalas ko ng
may kawilihan ang
aking ginawang
likhang-sining.

153
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT
1
: Pagguhit
Aralin Bilang 3
: Mga Disenyo ng Kultural na
Pamayanan sa Mindanao

PY

Marami sa katutubong disenyo sa bansa ay malikhaing gawa

ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao. Kilala silang mga
dalubhasa sa paggawa nito.

C
O

Ilan sa kanilang mga gawa ay ang mga damit, banig, hikaw,

kuwintas, maliliit na kampanilya, placemat, table runner, wall dcor
at marami pang iba. Lahat ng mga ito ay ginamitan ng ibat ibang
hugis, kulay at linya.

EP
E

Narito ang ilan sa kanilang mga ipinagmamalaking gawa at

kasuotan.

154
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

PY

EP
E

C
O

Ito ang halimbawa ng likhang-sining sa araling ito. Makakaguhit

ba kayo ng inyong sariling disenyo sa construction paper gamit ang
mga disenyo ng Maranao, Tboli, at Yakan maliban sa ipinakitang
halimbawa?

Disenyo sa Construction Paper

Kagamitan : cotton buds, chlorine, colored construction paper

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin.

2. Umisip ng disenyo ng mga kultural na pamayanan sa
Mindanao tulad ng Maranao, Yakan, at Tboli. Maaari ding
gumamit ng sariling disenyo na ginagamitan ng ibat ibang
hugis, kulay, at linya.
3. Isawsaw ang cotton buds sa chlorine. Marahan itong
ipahid sa colored construction paper. (Paalala: Kailangan
ang pagsubaybay ng guro sa gawaing ito upang maiwasan
ang disgrasya sa paggamit ng chlorine)
155

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4. Maingat na ipahid ang chlorine sa construction paper upang hindi ito mapunit.
5. Patuyuin muna nang ilang minuto ang ginawang likhangsining.

PY

6. Pagtuyo na ito maaari na itong ipaskil sa blackboard.

Maghanda sa pagpapahalaga.

EP
E

C
O

Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa

Mindanao ay makikita sa kanilang mga kagamitan at
kasuotan na ginagamitan ng ibat ibang linya, kulay, at hugis.
Ang mga ito ay hango sa kalikasan at sa kapaligiran tulad ng
hayop, dahon, bundok, araw, at bituin.

Panuto : Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas na iyong

naisagawa sa buong aralin.

Pamantayan

Nakasunod Nakasunod
Hind
sa
sa
nakasunod
pamantayan pamantayan
sa
nang higit sa
subalit
pamantayan
inaasahan
may ilang
pagkukulang
(3)
(2)
(1)

1. Natukoy ko ang ibat

ibang disenyo na
gawa ng mga taga
Mindanao.
156
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

EP
E

4. Napahalagahan at
naipagmalaki ko ang
mga katutubong
sining na gawa ng
mga kultural na
pamayanan sa
Mindanao sa
pamamagitan ng
pagtangkilik nito.

C
O

3. Nakagawa ako ng
isang likhang-sining
na ginagamitan
ng mga disenyo
ng taga Mindanao
na nagtataglay ng
mga elemento at
prinsipyo ng sining.

PY

2. Nalaman ko ang
mga kultural na
pamayanan na
nagmula sa
Mindanao.

5. Naipamalas ko nang
may kawilihan ang
aking ginawang
likhang-sining.

157
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT
1
Aralin Bilang 4

:
:

Pagguhit
Mga Katutubong Disenyo

PY

Ang mga disenyong etniko ay gawa ng mga pangkat-etniko

sa mga kultural na pamayanan sa bansa. Ang kanilang talino at
kasanayan sa paglikha ay naipakikita nila sa paggawa ng mga
kagamitang pantahanan gaya ng palayok, mangkok, at banga. Ito
rin ay naipakita sa mga hinabing tela, kumot, at banig.

C
O

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng kanilang disenyo:

EP
E

Mga Dibuhong Bituin (Star Motif)

Maranao

Bagobo

Agta

Bukidnon

Mga Dibuhong Araw (Sun Motif)

Kalinga

Maranao

Ifugao

Bagobo

158
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Mga Dibuhong Tao

Ifugao

Bontok

PY

Bagobo

EP
E

C
O

Halimbawa ng Kultural na Likhang-Sining

Disenyo Sa Crayon Etching

Kagamitan: oslo paper o lumang cardboard, lapis, krayola, paper
clip o toothpick bilang pangguhit

159
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Diinan nang maigi ang pagkukulay sa buong papel. Punuin
ang papel ng ibat ibang kulay ng krayola.
3. Patungan ng kulay itim na krayola ang buong bahagi ng papel.

PY

4. Maaaring gumamit ng paper clip o toothpick na magsisilbing

pangguhit.

C
O

5. Pumili ng disenyo na nais iguhit mula sa mga larawang

ipinakita ng guro (hal. dibuho ng araw, bituin at tao.)
6. Maaaring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang
ibat ibang linya at hugis para sa gagawing likhang-sining.

7. Gamitin ang imahinasyon upang makabuo ng kakaiba at

orihinal na disenyo.

EP
E

8. Kapag tapos na ang ginawang likhang-sining maaari na itong

ipaskil at maghanda sa pag-uulat.

Ang mga disenyong etniko o dibuho ay may katangitanging kagandahan. Dapat natin ipagmalaki at panatilihin
ang mga ito upang lalong makilala ang ating bansa.

160
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panuto : Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong

naisagawa sa buong aralin.

(1)

EP
E

1. Nalaman ko ang
kahalagahan ng mga
katutubong disenyo
mula sa mga kultural
na pamayanan.
2. Nailarawan ko ang
mga katutubong
disenyo na gawa ng
mga pangkat-etniko
mula sa mga kultural
na pamayanan.
3. Nakalikha ako ng
isang disenyo mula sa
mga katutubong motif
sa pamamagitan ng
crayon etching.
4. Nailigpit ko ang mga
kagamitang ginamit
sa tamang pagbuo ng
likhang-sining.

Hindi
nakasunod
sa
pamantayan

C
O

(3)

Nakasunod
sa
pamantayan
subalit
may ilang
pagkukulang
(2)

PY

PAMANTAYAN

Nakasunod
sa
pamantayan
nang higit sa
inaasahan

5. Naisagawa ko ang
aking likhang-sining
nang may kawilihan.

161
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT
1
: Pagguhit
Aralin Bilang 5
: Mga Katutubong Disenyo sa
Kasuotan at Kagamitan

PY

Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at pagkamakasining.

Ito ay minana natin sa ating mga ninuno. Sa ilang salinlahi ay
nakikita ang mga masining na likha ng mga katutubo.

EP
E

C
O

Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng mga pangkat-etniko.

Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipakikita nila sa
paggawa ng mga kagamitang pantahanan, palamuti sa katawan,
kasuotan at iba pa.

Paggawa ng Coin Purse o Jewelry Pouch na may

Katutubong Disenyo

Kagamitan: retaso, lapis, gunting, karayom, sinulid, at pangkulay

tulad ng oil pastel, krayola, colored pen/pencil

Mga Hakbang Sa Paggawa:
1. Maghanda ng mga retaso na lalagyan ng disenyo.
2. Pumili ng dalawang disenyong etniko at iguhit ang mga ito
nang salitan sa retaso upang makabuo ng kakaibang likhangsining.

162
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

PY

3. Kulayan nang maayos ang ginuhit upang ito ay maging

maganda at kaakit-akit.

C
O

4. Itupi sa gitna ang retasong may disenyo at tahiin ang dalawang

sulok nito.
5. Itupi nang maliit at tahiin ang pinakabunganga ng supot.

EP
E

6. Ipasok ang tali sa may bunganga ng supot na magsisilbing

hawakan.

7. Iligpit ang mga ginamit pagkatapos ng gawain.

Bawat bata ay may angking talento sa pagdidisenyo

at nakagagawa ng kakaibang likhang-sining gamit ang ibat
ibang katutubong disenyo ng mga pangkat-etniko sa bansa.
163
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na

puntos gamit ang rubrics.

PY

Lubos na
Nasunod
Hindi
ang
nasunod
nasunod ang
pamantayan pamantayan
ang
sa
sa pagbuo pamantayan
ng likhangsa
pagbuo ng
likhangsining
pagbuo ng
sining
likhangsining

C
O

SUKATAN

(2)

(1)

(3)

EP
E

1. Nakilala ko ang
ibat ibang disenyo
sa mga kagamitan
at kasuotan na
mayroon sa
Luzon, Visayas, at
Mindanao.

2. Nakaguhit ako ng
mga motif sa pagbuo ng disenyo sa
retaso.

3. Nakasusunod ako
nang tama sa mga
hakbang sa paggawa ng likhangsining.
164
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

EP
E

C
O

PY

4. Napahalagahan ko
ang mga
katutubong sining
sa pamamagitan
ng pagguhit ng
disenyo sa lagayan
ng barya (coin
purse) o lagayan
ng palamuti
(jewelry pouch)

165
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT
1
:
Pagguhit
Aralin Bilang 6
: Kagawian ng Ibat ibang
Pamayanang Kultural

C
O

PY

Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga pangkatetniko ay bahagi ng pang-araw araw na buhay sa kanilang
pamayanang kultural. Ang kanilang paniniwala ay makikita sa mga
masining na dibuho ng kanilang kasuotan, palamuti sa katawan, at
mga kagamitan. Ito ay yaman ng ating bansa.

EP
E

Pansinin ang halimbawa ng larawan ng gawi ng pamayanang

kultural sa ibaba. Makikita dito na ang kanilang kasuotan ay
kakikitaan ng mga disenyong etniko na nagtataglay ng mga
maninipis at makakapal na linya, mga mapupusyaw na kulay, at
mga dibuhong kanilang pinagyaman.

Ang mga disenyong ito ay maaari nating gamitin sa paggawa

ng mga magagandang likhang-sining tulad ng bookmark.
166
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pinoy Bookmark
at lumang karton o

PY

Kagamitan: lapis, krayola, gunting, ruler,

cardboard
Hakbang Sa Paggawa

C
O

1. Ihanda ang mga gamit na kailangan

2. Gupitin ang lumang karton o cardboard sa sukat na 1

pulgada ang lapad at 5 pulgada ang haba.

3. Pumili ng isang disenyong etniko na nais iguhit sa bookmark.

EP
E

4. Iguhit ito sa inihandang cardboard na gagawing bookmark.

5. Kulayan ang iyong iginuhit.

6. Sikaping naiiba ang iyong likhang-sining.

May ibat ibang nakagisnang kaugalian ang ating

pamayanang kultural na makikita pa rin sa kasalukuyang
panahon. Ito ay dapat ingatan at magamit sa mga likhangsining.

167
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panuto: Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon. Gawin ito sa

sagutang papel.

(2)

C
O

PY

(3)

Hindi
nasusunod
ang
pamantayan
sa
pagbuo ng
likhangsining
(1)

EP
E

1. Nakabuo ako ng
bookmark gamit ang
ibat ibang disenyong
etniko.

Nasunod ang
pamantayan
sa
pagbuo ng
likhangsining

SUKATAN

Lubos na nasunod ang

pamantayan
sa
pagbuo ng
likhangsining

2. Nakabuo ako ng
naiibang disenyo
nang hindi kumopya
sa gawa ng iba.

3. Nagamit ko ang mga

linya at kulay sa
disenyong nabuo.

4. Naipakita ko ang
pagpapahalaga
sa mga disenyong
etniko sa aking
nabuong bookmark.

168
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT
1
:
Pagguhit
Aralin Bilang 7
: Masining na Disenyo ng
Pamayanang Kultural

PY

Ang mga masining na disenyo na gawa ng mga pamayanang

kultural ay isa sa mga pamanang sining sa lahing Pilipino.

C
O

Ang mga disenyo noong mga unang panahon ay ginawang

basehan ng mga disenyo sa kasalukuyang panahon. Ito ay isa
sa mga nagsilbing paraan para maisalin ang mga kaalaman ng
sinaunang Pilipino.

EP
E

Pabalat sa Notbuk

Kagamitan: mga recycled paper tulad ng lumang kalendaryo o

anumang papel, gunting, lapis, krayola, tape, at plastic
cover

Mga Hakbang Sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gumupit ng lumang kalendaryo o anumang papel kasukat
ng notbuk na nais lagyan ng pabalat. Gamitin ang malinis na
bahagi nito.
3. Gumuhit ng sariling masining na disenyo.

169
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4. Pagkaguhit, kulayan upang mas lalong tumingkad ang mga

disenyo.
5. Gawing kakaiba ang disenyo.
6. Ibalot ang ginawang disenyo sa isang notbuk. Gamitan ito ng
tape para sa mas maayos na paglalapat.

PY

7. Sikaping maging malinis at maayos ang ginawang likha.

EP
E

C
O

8. Ipakita sa harap ng klase ang natapos na likhang-sining.

Ang disenyo sa mga kagamitang ginagawa sa

pamayanang kultural ay may kakaibang istilo at tunay na
yaman ng lahi. Makikita ito hanggang sa kasalukuyang
panahon at dapat itong ipagmalaki.
170
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panuto: Tiyakin ang ginawang pagganap sa pagbuo ng pabalat ng

notbuk. Lagyan ng () ang kahon na tumutugon sa bawat
tanong.

PY

Hindi
nasunod
ang
pamatayan
sa pagbuo
ng likhangsining
(1)

EP
E

1. Naiguhit ko ba nang
kakaiba ang sarili
kong disenyo?

Nasunod
ang
pamatayan
sa
pagbuo ng
likhangsining
(2)

C
O

KASANAYAN

Lubos na
nasusunod
ang
pamatayan
sa pagbuo
ng likhangsining
(3)

2. Nakagamit ba ako
ng tamang kulay
upang maging
kakaiba ang aking
likhang-sining?

3. Napahalagahan
ko ba ang mga
sinauna at
kasalukuyang
disenyong nagmula
sa pamayanang
kultural?

171
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4. Nagawa ko ba ang
gawain nang hindi
humingi ng tulong
sa iba?

EP
E

C
O

PY

5. Nakadama ba ako
ng kasiyahan sa
aking sining?

172
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

YUNIT
1
:
Pagguhit
Aralin Bilang 8
:
Crayon Resist ng
Disenyong-Etniko

PY

Ang mga pangkat-etniko ay may mga pamamaraan sa

kanilang pamumuhay na nakikitaan ng pagiging malikhain. Makikita
sa mga kagamitan at mga palamuti ang ibat ibang disenyo na
kanilang pinagyaman.

EP
E

C
O

Mga Disenyong Etniko

Ang mga napag-aralan nang disenyong etniko o pattern ay

maaaring gamitin sa paggawa ng isang likha. May ibat ibang paraan
din sa paglikha gamit ang krayola. Isa ang paraang crayon resist na
maaaring gamitin sa gagawing likha.
Sa araling ito ay gagawa tayo ng likhang-sining gamit ang
mga disenyong etniko sa pamamagitan ng crayon resist.
173
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

PAGGAWA NG PLACEMAT

PY

Kagamitan: Lapis, krayola, brush, cartolina o recycled cardboard,

water color, at recycled paper
Mga Hakbang Sa Paggawa:

C
O

1. Ihanda ang mga kagamitan.

2. Pumili ng disenyo na makikita sa mga kagamitan, kasuotan

at palamuti ng mga pangkat-etniko mula sa mga nakaraang
aralin o mga halimbawang nasa likod na pahina.

EP
E

3. Iguhit ang mga napiling disenyong etniko o patterns sa

recycled paper.
4. Ilipat ito sa cartolina o cardboard.
5. Kulayan ang iyong iginuhit. Siguraduhing madiin ang paggamit
ng krayola sa papel upang hindi matakpan ng watercolor.

6. Ihanda naman ang watercolor para sa gagawing pamaraang

crayon resist.
7. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gamitin ang
madilim na kulay para lumitaw ang kagandahan ng disenyong
iginuhit at kinulayan ng krayola.
8. Ipakita sa klase ang natapos na obra.

174
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C
O

PY

Ang pagpapahalaga sa iniambag ng pangkat-etniko

sa mundo ng sining ay tunay na yaman ng ating bansa. Isa
sa mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga ay ang
paggamit ng kanilang disenyo sa ibat ibang obra.

Panuto: Lagyan ng masayang mukha (

) ang angkop na
kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

EP
E

Higit na
Nasunod
Hindi
nasunod ang
ang
nasusunod
pamantayan pamantayan
ang
sa
sa
pamantayan
pagbuo ng
pagbuo ng
sa
likhanglikhangpagbuo ng
sining
sining
likhangsining
(3)
(2)
(1)

SUKATAN

1. Nakabuo ako ng
placemat gamit
ang ibat ibang
disenyong etniko o
pattern.

175
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

2. Naipamalas ko ang
wastong paraan ng
crayon resist.

C
O

EP
E

4. Naipakita ko ang
pagpapahalaga
sa mga disenyong
etniko sa
pamamagitan ng
pag-gamit ko ng
aking ginawang
likhang-sining.

PY

3. Nagamit ko ang
sariling mga linya
at kulay ayon sa
disenyong nabuo.

176
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

GLOSSARY
SINING
isang uri ng pintura na ginagamitan ng tubig

Background

tanawin pinakamalyo sa tumitingin, likod

Bookmark
pabalat sa
libro
border design

ginagamit na pananda sa isang pahina ng libro

takip sa libro na may ibat ibang disenyo o kulay

banana stalk

bahagi ng halamang saging na ginagamit na

pangdisenyo sa gawaing-sining

Bloke

nagsisilbing pampatigas sa gilid na bahagi ng

papel

cardboard

isang uri ng matigas na papel na ginagamit sa

gawaing-sining

container

lalagyan ng tubig o anumang bagay

construction
paper

isang uri ng papel na ginagamit sa gawaing-sining

na may ibat ibang kulay

cotton buds

ginagamit na panlinis sa tainga

Chlorine

nakalalasong kemikal na ginagamit na panlinis o

pang alis ng mantsa sa damit

coin purse

lagayan ng barya

Disenyo

ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang

makabuo ng dibuho

disenyong
radial

disenyong nakaayos na ginagamitan ng linya

disposable
spoon

kutsarang yari sa plastik

PY

acrylic paint

EP
E

C
O

disenyo sa paligid ng papel

271
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

bahagi ng isang buong lugar na nasusukat

elemento

isang mahalagang sangkap o bahagi ng sining

Foreground

Tanawing pinakamalapit sa tumitingin, harap

itanghal

ipakita sa marami sa pamamagitan ng paglagay

sa harap o pagpaskil

Istilo

pamamaraan

jewelry pouch

lagayan ng ibat ibang palamuti tulad ng singsing,

hikaw at kuwintas

kalikasan

natural na makikita sa kapaligiran na gawa ng

Diyos

kultural

kaugnayan sa isang partikular na grupo ng mga

tao at kanilang mga gawi, paniniwala, at tradisyon

kontribusyon

mahalagang naiambag upang matapos ang isang

gawain o proyekto

Luwad
Myural

Molde
malaking larawan na ipininta na kadalasan
makikita sa mga dingding o pader

Middleground

tanawin sa gitna, pagitan ng foreground at

background motif na ibat-ibang uri ng disenyo
mula sa mga pangkat-etniko

EP
E

C
O

PY

Espasyo

isang uri ng kasuotan nagmula sa ating mga

pangkat-etniko

Overlap

pagpapatong-patong ng mga hugis

Oil pastel

isang uri ng pangkulay ginagamit sa gawaingsining

Palamuti

Dekorasyon

Pista

pagdiriwang sa isang lugar

Prinsipyo

sinusunod na pamantayan sa sining

pangkatetniko

grupo ng mga sinaunang tao

malong

272
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

pattern

proseso ng sining na ginagawao ginagamit nang

paulit-ulit

placemat

ginagamit na patungan ng mga pinggan,

kubyertos, at baso sa hapag kainan

Paglalala ng
Banig

Masining na paglalala at pagtitiklop ng mga piraso

ng materyales upang makalikha ng kahangahangang disenyo ng banig-plorera na lalagyan ng
bulaklak

PY

retaso
pinagtabasang piraso ng tela
recycled paper papel na gamit na

isang mahabang tela na inilalagay sa mesa para

dekorasyon

Tina-tali

ang Tina-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay

ay karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit,
papatong na pagtiklop, o paglukot ng tela o isang
damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band)
na sinusundan ng pagbabad o paglubog sa timpla
na may kulay

mga taong nakatira sa pamayanang kultural na

matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng
Tnalak mula sa hibla ng abaka

EP
E

Tboli

C
O

Table runner

T'nalak

Value

wall dcor
water color

ay isang tradisyonal na tela ng ginagawa ng mga

Tboli sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Ito
tradisyonal na tela ay hinabing-kamay na gawa sa
Abaka fibers na ayon sa kaugalian ay may tatlong
pangunahing mga kulay, pula, itim at ang orihinal
na kulay ng dahon Abaka
sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan
at kadiliman nito
palamuti sa dingding
isang uri ng pangkula na ginagamitan ng tubig at
brotcha o brush

273
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

PY

EP
E

C
O

Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
Do a Little Thing
Early to Bed
Gising Na
Hear the Rain
Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play
274

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

EP
E

C
O

PY

Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay
Shell be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!
Tayoy Magpasalamat
Tayoy Magsaya
Tayoy Umawit ng ABC
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
Were on the Upward Trail
Will You Dance With Me?

Mga Awit sa Pakikinig

Ading
Are You Sleeping Lazy Juan?
Bahay Kubo
Blue Danube Waltz
Hallelujah Chorus
Happy Birthday
It Came Upon the Midnight Clear
Mindanao Sketches
My Heart Will Go on
Philippine Tongatong
Pop Goes the Weasel
Row, Row, Row Your Boat
Somewhere Over the Rainbow
Star Wars- Opening Theme
Tayoy Umawit
275

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

APPENDIX
Sining
Discovery in Art 3 Elementary Worktext, pp. 109-110
Gawad ng Manlilikha ng Bayan, Pambansang Komisyon para sa
Kultura at mga Sining, Republika ng Pilipinas, 2004.
Modern Teacher Magazine, Sept. 2011, Vol.60.

PY

Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan 4, pahina 21-24

Sining 4, pahina 11-12
Sining 5, pahina 104-105

C
O

Sining 4, pahina 78-79,

http://www.ehow.com/about_6669221_history-tie_dye.html

EP
E

http://ecozeal.com/blog/the-history-and-art-of-tie-dyeing

280
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Вам также может понравиться