Вы находитесь на странице: 1из 9

Kagawaran ng Edukasyon

Mataas na Paaralang Agham ng Maynila


URI NG TULA BATAY SA KAYARIAN NG TALUDTURAN
PAKSANG ARALIN:
SALAMIN
ni: Assunta Cuyegkeng
MGA BATAYANG KAKAYAHAN
Pag-unawa sa binasa (PB)
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akdang pampanitikan
- Naibibigay ang kahulugan ng mga kaisipan sa mga taludturan ng tula
- Nasusuri ang tula batay sa kayarian ng taludturan
Pagsasalita(PA)
Nakabubuo ng mga pahayag na ngangatwiran
- Nailalahad ang mga katangian ng talatang nangangatwiran
- Nakasusulat ng isang pangangatwiran
Pagsulat (PU)
- Nakasusulat ng talatang nangangatwiran
Agosto 1, 2016
Lunes
7 - Euclid
Unang Araw
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
1 Natutukoy ang larawan at naipaliliwanag ang mga pahayag ukol sa
salamin
2 Nababasa nang may damdamin ang tula at naibibigay ang kaisipang
nakapaloob dito
3 Naisasaayos ang mga salita ayon sa tindi ng damdaming nais ipahayag
sa akda
II. Proseso ng Pagkatuto
A.
Panimula/Introduksyon
Tignang mabuti ang mga larawan.

Bigyang-paliwanag ang mga pahayag sa ibaba.


1 Tingnan mo muna ang sarili mo sa salamin, bago ka mamintas ng
iyong kapwa.
2 Salamin, salamin, ang pinakamaganda sa kanila ay iyong sabihin.
3 Ang pag-uugali ng isang tao ay salaaming nagpapakita ng
kanyang larawan.
B. Presentasyon
Basahin at unawain ang Salamin ni Assunta Cuyegkeng, Kayumanggi 7,
pahina 41.
Walang kurap siyang titingin sa akin,
itong kakambal ko sa salamin.
Pag-aaralan ang linya at pekas
na unti-unti nang kumalat sa aking
mukha
pag-aaralan pati ang mata kong
kape pala ang kulay, hindi itim.
Walang kurap siyang magmamasid,
pag-aaralan ang takbo ng aking dibdib
na kung minsan, kumakabog,
kung minsan, natutulog.
Dito nagtatago ang aking mangingibig,
ina at ama, anak, kapatid,
ang init ng gising kong dugo,
ang hininga ng Diyos na matiyagang
nakikinig.
Tatapatan niya ako,
sisipatin mula paa hanggang ulo
at ihaharap sa akin,
walang retoke,
ang buo kong pagkatao.

C. Pagpapayaman
Paglinang ng Talasalitaan
Ayusin at isulat ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng
damdmaing nais ipahayag sa taludtod ng tula.
1. Walang kurap siyang titingin sa akin, itong kakambal ko sa salamin.
2. Walang kurap siyang magmamasid, pag-aaralan ang takbo ng aking
dibdib.
3. Sisipatin mula paa hanggang ulo.

D. Pagtalakay sa akda
1. Sino ang tinutukoy ng persona sa tula?
2. Isa-isahin ang mga pangyayari sa tula na tinaglay ng salamin ang mga
katangian ng tao?
3. Ipaliwanag ang kaisipan sa bahaging ito na kung minsan
kumakabog, kung minsan natutulog.
4. Bakit dibdib ang ginamit ng persona sa tula upang ilarawan ang mga
mahal sa buhay at Diyos?
5. Bigyang-kahulugan walang retoke ang buo kong pagkatao.
6. Sa iyong palagay, bakit salamin ang napili ng persona sa tula upang
maipakita ang sarili?
7. Ibahagi ang isang pangyayari sa buhay na tuwing mananalamin ka ay
nakikita mong muli ito. Paano mo ito hinaharap?
E. Pagpapalawig
Pangkatang Gawain
Pag-iisa-isa ng mga kaisipang binigyang-diin sa bawat
saknong ng tula
Pangkat
Pangkat
Pangkat
Pangkat

1
2
3
4

Unang Saknong
Ikalawang Saknong
Ikatlong Saknong
Ikaapat na Saknong

F. Sintesis
Isa-isahin ang bisang pangkaisipan ng akda.
B
s
a
n
g
P
a
n
g
k
a
s
p
a
n

i
i

III.

Takdang-Aralin

1. Ano-ano ang mga uri ng tula batay sa kayarian ng taludturan?


Agosto 3, 2016
Miyerkules
7 - Euclid
Ikalawang Araw
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
1 Nahahanap at naituturo ang pangalan ng mga kilalang makata
2. Nauunawaan at natatalakay ang mga uri ng taludturan
3. Nakabubuo ng mga tula ayon sa uri ng taludturan
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimula/Introduksyon
Hanapin at ituro ang pangalan ng mga kilalang makata.
A
N
D
R
E
S
D
P
J
1.
2.
3.
4.
5.

M
A
N
Z
L
B
E
Q
O

A
B
D
A
M
O
F
I
S

D
C
P
B
N
N
R
F
E

O
D
Q
C
O
I
G
B
C

V
E
R
D
Z
F
H
A
O

H
F
S
Z
F
A
I
L
R

E
G
L
E
Q
C
J
T
A

R
H
T
F
R
I
K
A
Z

N
I
U
G
S
O
L
Z
O

A
B
A
D
I
L
L
A
N

N
J
V
H
T
A
M
R
D

D
K
W
I
U
B
N
P
E

E
L
X
J
V
C
O
S
J

Abadilla
Amado V. Hernandez
Andres Bonifacio
Baltazar
Corazon De Jesus

B. Presentasyon
Basahin at unawain ang talataan sa Kayumanggi 7, pahina 42-43.
Uri ng taludturan
a. Tradisyunal
-Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang
maymalalim na kahulugan.
b. Berso Blangko
- tulang may sakto bagamat walang tugma
c. Malayang taludturan
- tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay siyang
nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
kabataan.

Z
M
Y
K
W
S
U
S
E

C. Pagpapayaman
Talakayan
1 Pare-pareho ba ang istilo ng mga makata sa pagsulat ng tula?
Ipaliwanag.
2 Paano naimpluwensiyahan ang istilo ng makata sa pagbabago ng
panahon?
3 May bias ba ang uri ng taludturang ginamit ng manunulat sa
pagpapalutang ng kaisipan sa kanyang tula?
Muling Pagtalakay sa Akda (Salamin)
1 Ano ang napansin sa mga tunog ng huling salita sa bawat saknong,
magkakahawig ba?
2 Bilangin ang pantig ng bawat salita sa bawat linya o taludtod. Parepareho ba? Kung ganoon, anong uri ng tula batay sa kayarian ng
taludturan?
3 Napalulutang ba ang kaisipan o diwa ng tula kahit Malaya ang
taludturan? Ipaliwanag.
D. Pagpapalawig
Pangkatang Gawain
Bumuo ng tula na may uri ng taludturan:
Unang Pangkat Tradisyunal
Ikalawang Pangkat
Berso Blangko
Ikatlong Pangkat May Malayang Taludturan
Ikaapat na Pangkat
May Malayang Taludturan
E. Sintesis
Bumuo ng kaisipan gamit ang mga salita sa cue card
damdamin
may indayog
walang sukat
malayang taludturan
walang tugma
mga salita
III.

Takdang-Aralin
1. Ano ang pangangatwiran?
2. Ano-ano ang mga dahilan ng pangangatwiran?
3. Ano-ano ang mga uri ng pangangatwiran?

Agosto 28, 2016


Huwebes
7 - Euclid
Ikatlong Araw
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

1. Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng balagtasan, debate, at


fliptop
2. Nauunawaan ang pangangatwiran at mga dahilan ng pangangatwiran
3. Nakabubuo ng mga talatang may mabuting pangangatwiran
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimula/Introduksyon
Tingnang mabuti ang mga larawan. Ano ang pagkakatulad ng mga ito?

B. Presentasyon
Basahin at unawain ang talataan sa Kayumanggi 7, pahina 44.
1. Ano ang paksa ng binasang talataan?
2. Paano ipinahayag ang opinion ng sumulat tungkol sa paksa? Mayroon
ba siyang mga patunay?
C. Pagpapayaman
Basahin at unawaing mabuti ang mga nakatalang impormasyon.
Pangangatwiran
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o
patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o
kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o
pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.
(- Arogante)
- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng
wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang
mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig
ang nangangatwiran.
- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay
may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging
mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya
ng debate.
- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay
maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa
maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o
isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda
laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling
katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
URI NG PANGANGATWIRAN
1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga
halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at
nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang
pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng
pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at
mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga
tiyak na pangyayari o katotohanan.

D. Pagpapalawig
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat -

Sumulat ng pangangatwiran batay sa iyong


paninindigan o paniniwala sa paksang Pagsunod sa
uso (pananamit, pag-aayos, at iba pa)

Ikalawang Pangkat - Sumulat ng pangangatwiran batay sa iyong


paninindigan o paniniwala sa paksang Pagsunod sa
uso (pananamit, pag-aayos, at iba pa)
Ikatlong Pangkat -

Bumuo ng pick up lines tungkol sa kahalagahan ng


edukasyon sa kabataan. Lakipan ng maayos na
pangangatwiran.

Ikaapat na Pangkat -

Bumuo ng fliptop tungkol sa epekto ng


modernisasyon sa kabataan. Lakipan ng maayos na
pangangatwiran.

D. Sintesis
Itala ang punong kaisipan at mga pantulong na kaisipan kaugnay ng
aralin.

Pangunahing
Kaisipan
Pangangatwiran

III.

Pangangatwiran

Pantulong
na Kaisipan
Pantulong
na Kaisipan
Pantulong
na

Takdang-Aarlin
Sumulat ng talatang nangangatwiran tungkol sa iyong paninindigan
o pinaniniwalaan kaugnay ng paksang - Tamang Pagpapalaki ng
Magulang sa Anak.

Agosto 5, 2016
Biyernes
7 - Euclid
Ikaapat na Araw
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
1. Nakasusulat ng isang payak at masining na paglalarawan
2. Nakasusulat ng talatang naglalarawan
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimula/Introduksyon
Bumuo ng 2-4 na linya ng paglalarawang payak at masining batay sa
sumusunod na paksa:
1. Panibugho
2. Pagpapatawad
B. Paggawa ng Awtput
Bumuo ng talatang naglalarawan ng iyong naging damdamin sa isang
sitwasyong kinakaharap mo. Pumili ng sumusunod:
1. Nakatanggap ka ng isang balita ng tagumpay o kabiguan.
2. Nagselos ka sa iyong kapatid o kaibigan.
C. Pamantayan
Layon
25%
Namumukod
25%
Kakintalan 25%
Kaayusan 25%
_______________
Kabuuan
100%
D. Pagbabahaginan ng Isinagawang Awtput
E. Ebalwasyon
III.

Takdang-Aralin
Basahin ang Salamin ni Assunta Cuyegkeng sa Kayumanggi 7,

pahina 41.

Вам также может понравиться