Вы находитесь на странице: 1из 1

KABATAAN AKONG

TINIG KOY PAKINGGAN


Lamberto Gabriel
Kung ako'y diringgin, ibig kong ilahad
Ang magagawa kong kabutihang ambag;
Aking ihahtid sa puso ng lahat
Itong kabatirang nagmula sa aklat.
Ibig kong tumulong sa ikalulutas
Ng mga problemang hadlang sa pag-unlad.
Kung ako'y diringgin, ibig kong sa mundo
Mapawi ang banta ng grabeng piligro;
Iwaksi ang digma sa isip ng tao
'Pagkat lisya ito sa aral ni Kristong
Tayo'y magmahalan, mag-ibigan tayo,
At mag-unawaan saan man may gulo.
Kung ako'y diringgin, ibig kong lumahok
Sa mga mithiin ng Dakilang Diyos;
Ipadarama kong sa bawat pagtibok
Ng buhay sa lupa ay isang pagtubos.
Anu mang saliksik na aking naabot,
Aking ihahasik ng buo sa loob
Kung ako'y diringgin, ibig kong mangyari
Na ang kapakanan ng kapwa'y bumuti;
Ang handog na aral mula sa sarili;
Tungo rin sa iba't sa lalong marami.
Sa bansa ko't lahi'y magiging bahagi
Ang aking hangaring magand't may silbi.
Kung ako'y diringgin, tinig ko'y pakinggan
Ng ating tahana't sintang paaralan;
Ang hiling ko sana'y magtulong pumanday
Ng mga nilikha sa kawalang-muwang
Bakit di ipunla ang gawang marangal
Nang tayo sa puso'y mamalaging buhay?

Вам также может понравиться