Вы находитесь на странице: 1из 5

Pagsusuri at Pagkokontrast sa Kalidad ng Edukasyon sa Pampubliko at Pribadong Paaralan ng Quirino Elementary

School at Starland International School

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay kamulatan ng mga mag-aaral ng BS Education sa


iba't ibang paraan. Ano nga ba ang Edukasyon? Sa madaling salita ang edukasyon ay isang
pamamaraan upang akayin ang sinuman palabas mula sa kanyang kamangmangan o kawalan ng
kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral. Upang unti-unting mahubog at mapalago ang kanyang
likas na mga kakayahan tungo sa isang ganap na pagkatao. Hindi matatapos sa isang magdamag
ang pag-aaral. Ang Edukasyon ay isang prosesong panghabang-buhay sa pinagsamang pormal na
pagtuturo at malawak na mga karanasan, kasama rito ang panonood ng pelikula at mga programa
sa telibisyon, samahan sa mga barkada o fraternity, at lalo na sa pakikipagsalamuha na
gumugugol ng maraming panahon at impluwensya. Isa sa mga pinagmumulan ng kaalaman ay sa
Paaralan.
Ang Paaralan ay nagsisilbing pandayan ng kaisipan at hulmahan ng pagkatao. Ito ang
daan tungo sa ikakatagumpay o ikakabigo ng magaaral. Ikakapagtatagumpay dahil sa matiyagang
pakikipagtulungan nito sa kanyang guro na matuto, matupad ang alitutunin ng paaralan at
mahubog nang ganap ang kanyang pagkatao. Ang mga mag-aaral ng Edukasyon ang magandang
pagtanungan tungkol dito dahil ito ang kanilang pangunahing tinatalakay (Recto, 2004).

Pagsusuri at Pagkokontrast sa Kalidad ng Edukasyon sa Pampubliko at Pribadong Paaralan ng Quirino Elementary


School at Starland International School
2

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang kalidad ng edukasyon sa


dalawang paaralan at upang mapaunlad ng mga guro at mga mag-aaral ng edukasyon ang
kabisaan ng kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral ng elementarya.

Mga Tiyak na Layunin

1. Ano ang kaibahan ng pampubliko at pribadong paaralan pagdating sa disiplipna ng mga


mag-aaral?
2. Paano nagkakatulad ang sistema ng pagtuturo ng mga guro sa pampubliko and pribadong
paaralan?
3. Ano ang maganda at hindi magandang epekto ng kalidad ng edukasyon sa pampubliko at
pribadong paaralan?

Kahalagahan ng Pamanahong Papel

Naniniwala ang mga kasalukuyang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay makakatulong


upang mapa-unlad and kalidad ng edukasyon sa pampubliko at pridabadong paaralan at upang
matulungan ang mga guro gayun din sa mga mag-aaral ng BS Education sa Technological Institute
of the Philippines (Quezon City Branch) sa pagpapaunlad ng kanilang paraan ng pagtuturo.

Pagsusuri at Pagkokontrast sa Kalidad ng Edukasyon sa Pampubliko at Pribadong Paaralan ng Quirino Elementary


School at Starland International School
3

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral na may kursong edukasyon


Upang mamulat ang kaisipan ng mga may kursong edukasyon at maging handa sa
trabahong kanilang papasukan.

Sa mga guro ng elementarya


Upang mapaunlad at malinang ang paraang ng kanilang pagtuturo at mapalawak lalo ang
kanilang kaalaman.

Sa mga susunod na mananaliksik


Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang makakuha ng mga impormasyong
magagamit sa pamanahong papel ng mga susunod ng mananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral na ito ay pumapatungkol lamang sa pagkamulat ng


mga mag-aaral sa Technological Institute of the Philippines (Quezon City Branch) na kumukuha ng
programang BS Education at sa mga lisensyadong guro na nagtuturo sa publiko at pribadong
paaralan. Titingnan ng mga mananaliksik dito ang mga nasabing mag-aaral sa ikatlong taon na
kumukuha ng programang Education.

Pagsusuri at Pagkokontrast sa Kalidad ng Edukasyon sa Pampubliko at Pribadong Paaralan ng Quirino Elementary


School at Starland International School
4

Nililimitahan ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng ikatlong taon,
unang semester sa taong 2016-2017 ng BS Education ng TIP QC sapagkat ito ay sakop ng
kanilang kurso at dahil sa ikatlong taon nagkakaroon ng on-the-job-training ang mga mag-aaral ng
programang Education kung saan mas lalo pa nila mapapalawak ang kaalaman patungkol sa
pagkakaiba ng antas ng edukasyon sa publiko at pribadong paaralan.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga mababanggit na terminolohiya ay makikita sa Kabanata 2 at ang mga ito ay


binigyang kahulugan na makakatulong sa pag-unawa ng mabuti sa babasahin sa susunod na
kabanata.

1. Antas - Tawag sa level na kinabibilangan ng isang mag aaral.


2. Asignatura - Pinag aaralan ng mga mag aaral at tinuturo ng mga guro.
3. Disiplina - Ang nararapat na pag kilos, pagsasalita ag pag-iisip ng tama ng isang mag
aaral.
4. Edukasyon - Karunungan na kaylangan pag daanan ng mga mag aaral.
5. Etika - Batayan sa pagkilos ng kung ano ang tama o mali ayon sa napagkasunduan ng
lipunan.
6. Guro - Ang nag tuturo at gumagabay sa mga mag aaral sa loob ng paaralan.

Pagsusuri at Pagkokontrast sa Kalidad ng Edukasyon sa Pampubliko at Pribadong Paaralan ng Quirino Elementary


School at Starland International School
5

7. Guro - Ang nag tuturo at gumagabay sa mga mag aaral sa loob ng paaralan.
8. Kaalaman - Karunungan nakukuha ng isang mag aaral sa loob ng paaralan.
9. Kakayahan - Kapasidad na ipinapakita ng isang mag aaral.
10. Kultura - Ang mga nakasanayan, nakagawian at mga simbolo ng lipunan na ginagamit ng
mga mamamayan.
11. Kurikulum - Ang listahan ng asignatura na aaralin ng mga mag aaral na angkop sa antas
ng kanilang edukasyon.
12. Mag aaral - Ang tawag sa mga pumapasok o nag aaral sa isang paaralan.
13. Mithiin - Ang adhikain kung bakit nag aaral ang mga mag aaral sa isang paaralan, dahil sa
kanilang ambisyon o mithiin.
14. Paaralan - Pisikal na istraktura kung saan nag-aaral ang mga mag aaral at nag tuturo ang
mga guro.
15. Pag susulit - Sukatang ng kaalaman at kakayahan ng isang mag aaral tungkol sa isang
partikular na paksa.
16. Takdang aralin - Ang takdang aralin ay gawaing itinakda sa isang mag aaral na tinatapos
sa tahanan.

Вам также может понравиться