Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Sulat ni Kapitan Martin: Mahal kong Choy! Sana Nandito ka sa piyestang ito. Madami
akong iuulat sayo, Si kapitan Joaquin ay halos said na. Si kapitan Tiago ay makatatlong
beses ng pumusta at sa bawat pusta siya ay nanalo. Si Manuel na may ari ng pustahan
ay sadyang napakasay dahil sa natatanggap niyang atong. Alam mo bang sinuntok ni
Padre Damaso ang Lampara dahil sa inis niya sa hindi pagtama.
Ang intsik na si Carlo ay kumakabig ng pera sa larong Liampo, siguro mayroon siyang
itinatagong asoge, dahil nakikita kong kapag hinahagis ang dais ay may ginagawa siya
sa kanyang ulo na siyang di ko maipaliwanag. Wala akong tiwala sa lalaking iyon.
Masaya ang lahat sa piyestang ito lalo na ang aking asawa.
Tagapagsalaysay: Masayang nag uulat si Kapitan martin sa kanyang kaibigan,
ipinabatid nito ang mga pangyayaring naganap sa piyesta na siyang nagdulot ng
kasiyahan sa mga tao sa bayan. Maging si Ibarra ay tumanggap din ng sulat mula sa
kanyang kasintahan na si Maria Clara.
Sulat ni Maria Clara: Nabalitaan ko na hindi daw maganda ang iyong pakiramdam,
pero ayon sa aking ama hindi naman daw malubha ang iyong karmdaman. Kung akoy
papayagan ng aking ama ako ay dadalo sayo. Alam mo bang lagi nila akong
pinapatugtog ng piyano, kung wala si Padre Damaso magkukulong nalang ako sa akin
Silid, pinapunta ko dyan si Andeng upang ipagtipla ka ng tsaa, mahusay siyang
magtimpla. Ipinag dasal ko na ikaw ay gumaling na, at ipinag tirik na din kita ng
dalawang kandila. Pahabol! Kung hindi ka darating bukas hindi ako dadalo sa
seremonya. Paalam.
Tagapagsalaysay: Ayon sa sulat ni Maria Clara sa kanyang kasintahan siya ay lubhang
nag aalala sa kalagayan ni Ibarra. At ipinabatid nito na siya ay lubhang mahalaga sa
dalaga.