Tagapagsalaysay: Umaga pa lang ay handa na ang lahat para salubungin ang
kapistahan. Suot ng mga tao ang kanilang pinakamagarang damit, subalit si Pilosopo Tasyo lamang ang na natiling walang pagbabago sa kanyang suot. Sila ay nag-uusap ni Don Filipo hanggang sa umabot ang kanilang usapan sa pag0bitiw ni Don Filipo sa kanyang pwesto. Don Filipo: Mukhang mapanglaw pa kayo kaysa rati, di ba ninyo nais na tayo'y magsaya paminsan-minsan? Pilosopo Tasyo: ang pagsasaya'y di nangangahulugang gawin nating hangal ang ating sarili. Iyan ay walang-kabuluhang ritwal na nangyayari taun-taon. Ang pagtatapon ng salapi sa kabila ng matinding paghikahos at pangangailangan. Ngunit nauunawaan ko. Ang walang-habas ng paggugol ay ginagawa upang lunurin ang laganap na kalungkutan. Don Filipo: Kaisa po ninyo ako at ganyan din ang aking ipinamumulat subalit ano ang aking magagawa laban sa kapitan mayor at sa kura. Pilosopo Tasyo: Magbitiw ka. (sabay lakad ng papalayo) Don Filipo: (bulong sa sarili habang tinutungo ang simbahan) Oo, magbibitiw ako kung tungkuling ito'y isang karangalan at hindi isang pasanin. Tagapagsalaysay: Punung-puno ng tao ang simbahan. Lahat sila ay handang makinig sa sermon ni Padre Damaso. Agad namang nag simula ang parada ng mga santo. Ng mapahinto ang prusisyon sa isang magarang bahay ay matatanaw. Ang magkakatabi na namimintanang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria Clara, si Ibarra, ilang Kastila, at kadalagahan.