Вы находитесь на странице: 1из 1

Merciales

I
Isang dilag na kay ganda
Animo`y anghel na bumaba sa lupa
Sa kanyang ngiti`y maaakit ka
Sa busilak niyang puso`y mapapaibig ka

II
Isang mabuting kaibigan na tunay mong maaasahan
sa panahon ng kalungkutan siya`y iyong makakapitan
Mga salitang lumalabas sa kanyang bibig
Tila isang awiting masarap sa pandinig

III
Sa unang tingin animo`y makahiya
ngunit nagulat ng siya`y makilala
Siya pala`y isang tunay na dalahira
pag naka-usap na`y matutulala ka

IV
Sa kanyang paglikha ng mga obra, mga tula at iba pa
kapag ito`y iyong nabasa animo`y likha ng ating bayaning pambansa
Sa boses niyang kay tinis minsan ika`y maiinis
ngunit `pag sa iyo siya`y yumakap mapapangiti ka ng walang kasing tamis

v
Sa huling saknong ng aking tula
Nais kong malaman niya
sa akin siya ay mahalaga
isang kaibigang kay sarap makasama

-Noriel Talabong
(BSEd-English)

Вам также может понравиться