Вы находитесь на странице: 1из 2

.

ALAMAT NI MARIANG MAKILING

Ang Alamat Ni Mariang Makiling


SABI sa
mga
alamat,
nagka-panahon
nuong
nakaraan,
ang
mga diwata odiyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na
sila ay may hiwaga, nagsalita sila at umibig, namili sa talipapa at iba pang
karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat niMariang
Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat
Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.
Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa
anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwatarin
tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya
at nakipag-usap sa mga tao.
Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit
ngsutla (seda, silk) na may borda (embroidered ) ng mga bulaklak,
anguso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong (taln,
heel ) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha ( pomelo,
grapefruit). Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga
babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang
mgatao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta satalipapa.


Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na
ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at ang
bilihan sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa
mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (seda, silk).
Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon
sa nayon ng Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon
sapagkat araw ng pamilihan nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa.
Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang
magkalakal din, bitbit ang kanilang mga paninda. Nanduon din nuon
si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya siGat Dula sa
pagtawad sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa
nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang
dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dulaang kamay ni Mariang
Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.
Bilang hindi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay
hindi sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng
mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Marianang maghiwalay
sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat
Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya
nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa
mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa
mga diwata at humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang
tumulong sa mga tao.
Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya
ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man
katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang 2 magka-ibang nilalang.

Вам также может понравиться