Вы находитесь на странице: 1из 1

Alamat ng lawa ng Sampaloc

Sinabing noong unang panahon, may mag-asawang nagmamay-ari ng puno ng


sampalok na ang bunga`y walang makadaraig sa tamis. Maramot ang mag-asawang
ito.Walang makain ng libre ng bunga ng kanilang sampalok. Kailangang magbayad
ng mahal may gustong makatikim nito.Isang araw, isang pulubing nakatutop sa
tiya`n dahil sa matinding gutom ang kumatok sa pinto ng tahanan ng mag-asawa.
Ano ang kailangan mo? pabulaw na tanong ng lalaki sa matanda.
Mahihingi lang po ako ng ilang sampalok para maibsan ang aking gutom, anang
matandang babae.
Ha! Walang maaaring manghingi ng aming sampalok. Kakain ka kung may pera
ka, galit pa ring wika ng lalaki.
Wala akong pera. Parang awa na ninyo. Masakit na masakit po ang aking tiyan,
ulit ng matanda.
Ang asawang babae naman ang nag salita. Hindi ho namin talaga ipinamimigay
ang bunga ng aming sampalok.
Layas! At itinaboy ng lalaki ang pulubi. Subalit anong gulat ng mag bago ang
anyo ng matandang pulubi. Naging isa itong engkantada.
Labis na ang inyong kasakiman, anang engkantada.
Hinampas ng engkantada ng kanyang baston ang puno ng sampalok. Kumidlat at
bumagyo. Biglang
bumukal ang tubig at lumubog ang puno ng sampalok pati na ang mag asawang
may-ari nito. Naging isang lawa ang lugar ng puno ng sampalok. Ito ang tinatawag
na Lawa ng Sampalok, pagtatapos ng guro.

Вам также может понравиться