Вы находитесь на странице: 1из 2

ALAMAT NG BUNDOK ARAYAT (SINUKUAN)

Nabasa ko ang kwentong ito sa isang librong Kapampangan sa silid-aklatan ng


Pampanga Agricultural College. Nais ko itong ibahagi sa mga estudyanteng
naghahanap ng mga alamat tungkol sa Sinukuan.
Sabi sa libro, noong unang panahon, ang orihinal na kilalagyan ng Mt. Arayat ay
wala sa bayan ng Arayat kundi nasa bayan ng Candaba. Itinayo ni Sinukuan, ang
hari ng Arayat and bundok para sa mga mamamayan ng Pampanga lalo na para sa
mga taga Candaba. Subalit dahil hindi naging maganda ang pag-uugali ng mga tao
noon doonay nagalit si Sinukuan at inilipat ang bundok sa bayan ng Arayat kung
saan narooon ito ngayon. Ang dating kinalalagyan ng bundok sa bayan ng Candaba
ay naging isang malalim na hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na Candaba
Swamp.
Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang magpakitang gilas sa
kanyang iniirog na si Maria Makiling. Iniibig din ni Makiling si Sinukuan kung
kaya ang isa pa niyang manliligaw na si Pinatubo ay galit na galit sa kanila.
Isang araw, habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling ay binato ni
Pinatibo ang matayog na bundok ng Arayat (kung kayat ang hugis ng Mt. Arayat
ngayon ay tila napingas ang tuktok nito). Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng
bundok. Nang dumating si Sinukuan sa kaniyang bayan ay nagalit siya sa kaniyang
nakita, kung kayat dali-dali siyang sumugod kay Pinatubo at ginulo ang at sinira
niya ang napakataas na bundok nito.
Kaya ngayon kung inyong makikita, ang bundok ng Pinatubo ay isang
napakahabang hilera ng mga bundok at hindi kagaya ng ibang bundok na nag iisa
lang.

ALAMAT NG BUNDOK ARAYAT (SINUKUAN)


Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at
Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan nanagkasali-salin na sa mga
maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga
talang nababanggit salathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami
nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.Sang-ayon sa matatanda sa Arayat,
ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si
Mariang Sinukuan.Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa
pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upangmagtinda at
mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang
paraan ng pagbabalatkayo na kanyangginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na
tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa
angilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat
na maraming kagila-gilalas na pangyayari angmararanasan ng sinumang dadalaw
sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy
at angsinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at
makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumangmagtangkang mag-uwi
ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang
lalong kahima-himala ayang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng
hangin. Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungangdala
niya, ang landas sa pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng
batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyangpinaglalabhan ng engkantada.Dahil
sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang
tugtugin maririnig sa kabundukan, walasinumang namamlagi roon sa pangambang
baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan

Вам также может понравиться