Вы находитесь на странице: 1из 2

Bautismo: Maging Kabahagi ng Lokal na Pamilya ng Dios

Napaka gandang Makita na ang isang tao ay bahagi ng lokal na pamilya ng


Dios. hindi tayo nahihiya na tayo ay kabahagi ng isang pamilya.

Nakakalungkot na maraming tao na ayaw maging kabahagi ng lokal na


pamilya ng Dios. Ang Bautismo ay ang kapahayagan sa publiko na nais
mong maging bahagi ng isang Iglesia o local church.

Ang bautismo ay hindi isang ritual na dapat maantala dahil ito ang paraan
upang maging lehitimong kabahagi ka ng isang lokal church. Ang bautismo
ay isinisigaw mo sa mundo at sa ibang tao na ikaw ay naligtas at susunod ka
sa Dios sa pamamagitan ng Bautismo.

Ito ay utos ng Dios sa lahat ng kabahagi ng Kanyang Pamilya.

Bakit Mahalaga ang Bautismo?


1. Dahil ito ang simbolo upang maging lehitimong kabahagi ka ng Pamilya
ng Dios

Ito ay deklarasyon ng iyong pananampalataya, pakikibahagi sa


kamatayan at pagkabuhay ni Jesus.

Ito rin ang simbolo ng iyong kamatayan sa dating buhay (kasalanan)


at pagkabuhay sa bagong buhay (binagong buhay)

Ang bautismo ang pisikal na larawan sa spiritual na karanasan


(kaligtasan)

2. Hindi nakakapagligtas ang bautismo

Ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang

Ang bautismo ay nagpapakita lamang na tayo ay ligtas na!

Uulitin natin na ang bautismo ay hindi kailangan sa kaligtasan

Ang bautismo mo ay dahil pagtupad sa utos ng Dios

3. Ito ang katuruan maging ng mga Apostol

Gawa 2.37-42 tinatanong ng mga tao kung anong gagawin nila dahil
nabagbag ang kanilang kalooban.

Gawa 19.1-10 ang mga tao ay binautismuhan ni Apostol Pablo ng sila


ay dumako sa Efeso

4. Paano ginagawa ang Bautismo

Ang salitang bautismo ay galing sa griyegong salita na ilubog. Kaya


ang turo ng biblia hindi winiwisikan lamang kundi ilulubog sa tubig

Mateo 3:13-17 umahon si Jesus pagkatapos nabautismuhan ni Juan

Вам также может понравиться