Вы находитесь на странице: 1из 2

Eskwelaan Ko Impangaro: Aroen tan Paaliguasan Ko

(Handog na Paaralan ko: Mamahalin at Pauunlarin ko)


Ito ang tema sa unang anibersaryo ng pagkakatatag ng Pambansang Mataas
na Paaralan ng Catalino D. Cerezo na matatagpuan sa Brgy. Malimpec, Malasiqui,
Pangasinan.
Ang naturang paaralan ay kataruangan ng pangarap ni Madame Amparo
Cerezo-Zamora. Hangad ni Bae Ampy (tawag sa kanya ng karamihan sa barangay)
na magkaroon ng sapat na edukasyon ang mga kabataan sa Barangay Malimpec.
Batid ni Bae Ampy na maraming hindi nakapag-aaral na kabataan dahil sa
kahirapan at kawalan ng isang paaralang pang sekondarya sa isa sa pinakamalaking
barangay sa bayan ng Malasiqui. Kung kayat nanguna sya sa pag-uusap nilang
magkakapatid.
Matapos ang masinsinang pag-uusap, napagkasunduan ng
magkakapatid Madame Hermenegilda Cerezo-Perez, Madame Salome CerezoBoquiren, Engr. Alfred Cerezo at Madame Amparo Cerezo-Zamora na ipagkaloob sa
Kagawaran ng Edukasyon, ang bahagi ng lupaing minana nila sa kanilang mga
magulang na sina Gng. Catalino De Luna Cerezo at Juana Tamondong, upang
patayuan ng paaralan.
Marso 8, 2011, ipinatayo ang unang anim na silid-aralan sa 2, 500 metro
kwardradong (square meter) lote. Sa pagbubukas ng kaklase noong Hunyo 2011,
pumasok ang 111 na mag-aaral at nakabuo ng dalawang klase, ang Unang-Taon
(53) at Ikalawang Taon (58).
Ang perang ginastos sa pagpapatayo ng unang anim na silid-aralan na
nagkakahalaga ng Php 4.298 milyon ay mula kina Dr. Emilio Zamora at Amparo
Cerezo-Zamora.
Nobyembre 21, 2012, ipinatayo ang Home Economics at Administration
Building na nagkakahalaga ng Php 1.75 milyon mula naman kina Engr. Alfredo
Cerezo at Madame Greta Sumallo-Cerezo.
Taong 2013 naman, ipinatayo ang Php 5.8 milyong halaga ng C.J. Legacy
gymnasium mula naman kina Madame Hermenegilda Cerezo-Perez at mag-asawang
Dr. Nemesio Boquiren at Salome Cerezo-Boquiren.
Noong lamang Agosto, taong kasalukukyan, ipinabago at pinataasan ang
mababang bakod ng buong paaralan. Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng
Php 408,050.00 mula naman sa pamilya ni Bae Ampy. At nito lamang katapusan ng
Oktubre, sinimulan mahigit Php 200,000 halaga ng water system.
Lubos akong nasisiyahan dahil walang patid ang tulong at suportang
ibinibigay ng magkakapatid na Cerezo sa ating paaralan, bulalas ni Gng. Jovita C.
Garan, ang bagong pinuno ng paaralan.
Tunay nga na ang magkakapatid na Cerezo ay may ginintuang puso. Maliban
sa malalaking halaga na ibinibigay nila, hindi sila tumutigil sa pagsuporta sa mga
proyekto at gawain sa paaralan. Tuwing may lalahukan na patimpalak ang mga
mag-aaral, nagbibigay sila ng tulong pinansyal, at kapag may nanalo, nagbibigay
din sila ng insentibo.
Nagpapadala sila ng mga kagamitang panturo tulad ng mga aklat at mga
set ng prodyektor kung saan nabigyan ang anim na klase sa Junior High School
(JHS), at mga kagamitan sa isports at musika. Pinuno din nila ng mga kagamitang
panluto at pantahi ang Home Economics Building at iba pang appliances. Noong
Hunyo, nagpadal din sila ng perang ipinambili ng wall fan para sa mga silid- aralan.
At noong Agosto, grass cutter naman ang kanilang ibinigay.

Napakapalad ng mga mag-aaral at magulang sa paaralang ito, kwento pa


ni Gng. Garan. Dahil maliban sa mga lote at pagpapatayo ng mga gusali sa paaralan
ay mayroon pang mahalagang handog si Bae Ampy sa mga mag-aaral at magulang.
Ito ay ang pagbibigay ng scholarship sa mga nagtapos ng may karangalan sa
paaralan. Sa kasalukuyan, umabot na sa labing anim ang pinag-aaral ni Bae Ampy.
Lima sa Pangasinan State University, Bayambang, apat sa Pangsinan State
University, San Carlos, isa sa Pangasinan State University, Urdaneta, at anim sa
Malasiqui Agno Valley College.
Sadyang napabusilak ng kanilang mga puso tulad ng kanilang mga
magulang. Si G. Catalino D. Cerezo, ama ng magkakapatid na Cerezo, kung saan
isinunod ang pangalan ng paaralan, ay siyang nagpasimuno din sa pagpapatayo ng
mga silid-aralan na yari sa kawayan sa Mababang Paaralan ng Malimpec.
Sa magkakapatid na Cerezo sampu ng kanilang mga pamilya, taos puso po
kaming nagpapasalamat sa napakahalagang handog ninyo sa amin upang kami ay
magkaroon ng magandang kinabukasan. Dalangin po namin na sana ay patuloy
kayong pagpalain ng ating mahal na Panginoong Diyos ng maayos na kalusugan,
masayang pamilya at payapang pamumuhay. Muli, maraming salamat po.

Вам также может понравиться