Вы находитесь на странице: 1из 2

D.

Pamagat: Sintaksis
Buod:
Ayon kina Ampil, Breva at Mendoza(2010), mahalagang pag-aralan kung
paano pinag-uugnay ang mga morpema ng wika upang makabuo ng parirala o
pangungusap. Sintaksis ang tawag sa sangay na ito ng balarila na tumutukoy sa
set ng mga tuntunin na pumapatnubay kung pano maaaring pagsama-samahin
ang mga morpema o salita sa pagbuo ng parirala o pangungusap.
Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sangkap: panaguri at paksa.
Panaguri ang bahaging ngbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa
paksa; samantalang ang Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob
ng pangungusap.

Pamagat: Ayos ng Pangungusap


Buod:
May dalawang ayos ng pangungusap: ang di-karaniwang ayos at
karaniwang ayos. Ang di-karaniwang ayos ay maaaring mauna ang paksa na
sinusundan ng ay at ng panaguri; samantala, ang karaniwang ayos naman ay
nauuna ang panaguri sa paksa at ginagamit ito sa pang-araw-araw na usapan at
sa di-pormal na pakikipag-usap.

Pamagat: Mga Anyo ng Pangungusap


Buod:
May apat na anyo ng pangungusap: payak na pangungusap, tambalang
pangungusap, hugnayang pangungusap at pangungusap na langkapan. Ang

payak na pangungusap ay nagbibigay ng isang kaisipan lamang na may payak


na paksa at payak na panaguri. Ang tambalang pangungusap ay nagbibigay ng
dalawang malayang kaisipang pinag-ugnay bilang isa. Ang hugnayang
pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-isa at isang sugnay na
di-makapag-isa. Ang pangungusap na langkapan naman ay binubuo ng
pingsamang-dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapagiisa.

Pamagat: Layon ng Pangungusap


Buod:
Sa aklat nina Ulit, et al. (2009), may tinutukoy na apat na uri ng pangungusap
ayon sa tungkulin: Paturol, pangungusap na nagpapahayag ng isang bagay o
mga bagay na ginagamitan ng tuldok. Patanong, pangungusap na humihingi ng
impormasyon kaugnay ng isang bagay at nagtatapos sa tandang pananong.
Pautos, pangungusap na nag-uutos o nakikiusap na ginagamitan ng tuldok.
Padamdam,

pangungusap

na

nagtatapos sa tandang padamdam

nagsasaad

ng

masidhing

damdamin

na

Вам также может понравиться