Вы находитесь на странице: 1из 2

Mga Tauhan

Magnifico a.k.a. Pikoy

Jiro Manio

Ang bida sa kwento. Isang batang namulat sa kahirapan sa murang edad.


Edna

Lorna Tolentino

Ang Ina ni Pikoy na walang trabaho


Gerry

Albert Martinez

Ang ama ni Pikoy na isang Karpintero


Lola Magda

Gloria Romero

Ang Lola ni Pikoy na may Stomach Cancer


Helen

Isabella De Leon

Ang bunso sa magkakapatid na may Cerebral Palsy.


Miong

Danilo Barrios

Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng Scholarship


II. Tagpuan
Lumban, Laguna

Sa kanilang Tahanan

III. Buod
Bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan si Pikoy. Isang kahid, isang tuka ang
kanilang pamilya. Madalas nyang nakikitang nag aaway ang kanyang magulang nang d
ahil sa pera at sa gagastusin sakaling mamatay ang kanyang Lola Magda. Pasan pa
nya ang pag aalaga sa kanyang kapatid na may sakit at hindi makalakad, natanggal
an pa ng scholarship ang kanyang kuya.
Sa murang edad ay nagsikap sya upang makatulong sa araw-araw na gastusin sa abot
ng makakaya nya. Gumawa si Pikoy ng paraan upang unti-unting buuin ang kabaong
ng kanyang Lola sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Walang reklamong narinig sa k
anya ang kanyang magulang.
Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari. Nasagasaan si Pikoy at sya ang gumami
t ng ginawa nyang kabaong para sa kanyang Lola. Naging inspirasyon ang butihing
bata sa mga nagawa nya.
IV. Aral
Ang aral sa pelikulang ito ay ang kamulatan sa mga totoong nangyayari sa buhay n
g isang tao. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda. Pati narin ang kabusilak
an ng puso sa pagtulong at mamagandang loob ay hindi natatawaran ng anuman bagay
.
V. Mga Tanong
A. Ano ang pinapaksa ng pelikula? Ano ang mensaheng dala nito? Maliwanag ba ang
tema at matagumpay na napatunayan?
Umiikot ang pelikulang ito sa kamunduhan ng kahirapang natatamasa ng isang ordin

aryong tao. Na sa kabila ng patong-patong na problema ay nagagawa parin nilang s


olusyunan ito sa simpleng paraan at sa abot ng kanilang makakaya. Maliwanag ang
daloy nito sa simula hanggang dulo. Pahapyaw din dahil hindi mo aakalaing ganun
ang magiging wakas.
B. Makatwiran ba ang balangkas? Wasto ba ang nangyari sa mga particular na tauha
n?
Sakto lamang sa kwento ang balangkas o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Dah
il dito, may naiiwang tanong sa isipan ng bawat manunuod kung anong mga posiblen
g mangyari na eksena. Isang trahedya ang nag iwan sa kamulatan ng manonood ang s
inapit ng bida sa kwento na hindi karaniwang makikita sa ibang pelikula.
C. Ang mga tauhan ba y kumikilos at may pag uugaling tulad ng karaniwang nakikita?
Ito ba y pawing ikabubuti o nagpapakita rin ng kani-kanilang kahinaan?
Tulad ng isang karaniwang tao, ganun din ang mga tauhan dahil sa makatotohanan n
ga ang nagaganap sa mga pangyayari. Bawat tauhan ay may kani-kanilang karakter n
a ginagampanan gayun din ang kanilang papel sa pelikula. Tulad ng isang karaniwa
ng tao, ang bawat-isa ay may kani-kanilang kalakasan at kahinaan.
D. Maayos ba ang dayalogo? Ipinapakita ba sa pamamagitan ng pagsasalita ang kani
-kanilang tauhan? Ang pag-uusap ba ay madadala sa kwento upang patuloy na kumilo
s? O ang pag-uusap ay binababa ngunit walang kinahihinatnan?
Maayos ang pagkakalapat ng bawat salitang kanilang isinasambit. Payak at nadadal
a nito ang bawat eksena sa kwento. Bawat tauhan ay may kani-kanilang paraan upan
g ideliber ang mga salita at naaapektuhan nito ang kwento.
E. Buhay ba ang tagpo, panahon at lugar? Nakikita mo ba ang larawan sa iyong pag
-iisip? Maliwanag ba ang paglalarawan?
Nakatulong ang tagpo, panahon at lugar upang mailarawan ng maayos ang kwento. Da
hil dito nabigyang kahulugan kung anong estado ng buhay meron ang mga tauhan.
F. Bagay ba ang estilo sa balangkas a paksa? Ito ba y tiyak at maliwanag? Magaan n
gunit kawili-wili? O mabigat at masalita? Marami bang tayutay?
Iba t ibang estilo ang ginamit sa bawat eksena. Naka depende kasi ito sa mga nangy
ayari sa kwento. Pero ang pinakaginamit ay ang pagiging payak at maliwanag na es
tilo. Detalyado at naging mahusay ang director sa pagpili at pagsipi sa kung anu
-ano ang kinakailangan sa pelikula. Marami ring tayutay ang ginamit upang makada
gdag ng kabuluhan sa bawat dayalogo ng mga karakter.
About these ads
Related
Sagip Kapamilya
In "At Random"
Ang kwento ni Mimay
In "At Random"
Ang Bayan Kong PILIPINAS :)
In "At Random"
Leave a Reply
Enter your comment here...

Вам также может понравиться