Вы находитесь на странице: 1из 4

Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas

Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang


programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag
ng taon sa Basic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi
na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder
bilang unang hakbang sa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang
dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay
magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng dalawang
taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng
kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport
at iba pang pagpipilian.
Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng
edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging
bansa sa Asya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic
Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng
mga nasa negosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng
makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang
tinapos.
Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa
mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa
mga silid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin
matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante
sa sobrang dami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila.
Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa
bansa. Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang
ginugugol sa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa
paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at
peligro ang inaabot tuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha.
Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang
dinaranas nila para lang makapagtapos sa elementarya at high
school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang
tumigil. Ayon na rin mismo sa Kagawaran ng Edukasyon ay malaki
rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila
ng maraming tapos at lisensyadong guro ay may kakulangan pa
rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro.
Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat pero kinakapos pa rin. Ang
matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasapasahan ng ilang nagdaang administrasyon.

Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na


ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon
ng bansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang
programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito.
Bakit kaya hindi muna unahin ang mga kasalukuyang
pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin.
Kumpletuhin ang mga kulang na silid paaralan. Magbigay ng mga
aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng
mga guro at dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo.
Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan
ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad
ng edukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa
eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng
mga Pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na
sistema. Ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng
edukasyon sa mga pribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng
mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng
kanilang magulang. May mga nananalo pa ngang estudyanteng
Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.
Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito
ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung
sa ngayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay
paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin
pang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay
gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw
na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag dinagdagan ng taon
ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga
magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high
school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit
may mga tinapos sa kolehiyo ay hirap makahanap ng trabaho.
Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.
Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang
pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang malawakang
pagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar.
Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na
araw-araw na pasakit sa pagpasok sa eskwelahan ay gawing

lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon sa


pamamagitan ng paggawa ng mga educational channel na
panonoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa aktwal na
panahon sa paaralan. Marami pang alternatibong paraan ang
naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng
edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.
Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa
edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na
direksyon at hindi napapanahon. Huwag na sanang gawing mas
komplikado ang problemang ito sa pamamagitan ng isang
solusyong sa huli ay magiging dagdag pa pala sa suliranin.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon


Ang edukasyon ay mahalagang bahagi ng ebanghelyo at ng paghahandang makibahagi
sa lipunan at maglaan para sa sarili at sa pamilya.1 Tinalakay ni Elder Craig A. Cardon
ng Pitumpu ang kahalagahan ng edukasyon sa mga pahina 5455 ng isyung ito.
Sa mundong ito na lalong nagiging kumplikado, ang edukasyon ay isa sa
pinakamahahalagang makamtan sa buhay, pagsulat niya. At yamang totoo na ang
karagdagang edukasyon ay karaniwang nagbibigay ng pagkakataon para sa dagdag na
temporal na pagpapala, ang higit na pagpapahalaga sa karagdagang kaalaman ay
nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon ng mas malaking impluwensya sa
pagsasakatuparan ng mga layunin ng Panginoon.
Sinasabi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Dapat kasama sa inyong edukasyon ang
pag-aaral ng mga espirituwal na bagay. Pag-aralan ang mga banal na kasulatan at ang
mga salita ng mga propeta sa mga huling araw. Makibahagi sa seminary at institute.
Ipagpatuloy habambuhay ang pag-aaral tungkol sa plano ng Ama sa Langit. Tutulungan

kayo ng espirituwal na pag-aaral na ito na mahanap ang kasagutan sa mga pagsubok


ng buhay at mag-aanyaya sa pagsama ng Espiritu Santo.

Вам также может понравиться