Nagtipon ng gabing iyon ang labing apat na binata sa Panciteria
Macanista De Buen Gusto, Kanilang ipinagdiriwang ang kabiguan ng kanilang usapin ukol sa pagtuturo ng Wikang Espaol at sa kanilang bayan naman ang lahat ng kabalbalan ay tinakpan ng pakunwari nilang kapormahan at ang karamihan sa kanila ay natataas sa tulong ng usok at mainit na hangin, Kahit na nagtatawanan at nagbibiruan ang mga binata, halatang pilit lamang ang kanilang katuwaan.
Dumating si Isagana, Si Pelaez na lang ang kulang sa kanila, Si
Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito. Dahil kapag nalasing daw nila si Basilio ay mapapagsabi nila ng lihim si Basilio ukol sa nawawalang bata at sa isang mongha.
Nagkainan na sila, Inihandog nila ang pansit kay Don Custodio,
Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala at ang lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene. Ang tortay inukol sa mga prayle, Tumutol si Isagani. May isa pa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Pinag talumpati ang tamad na si Tadeo kahit hindi handa, nag paunlak ang binata. Binigkas niya ang talumpating natutunan niya sa klase. Nag hingian ng lumpia ang mga binata kaya nakaligtas si Tadeo at masaya ng naupo. Habang hinihintay ang torta, Si Percson naman ang pinagtalumpati nag talumpati siya na parang nag sesermon inisa-isa ni Percson ang kahalagahan ng mga prayle sa mga Pilipino. Pailalim rin na binatikos ni Percson ang mga prayle sa mga papering binitawan, Nag patuloy si pagtatalumpati si Percson. Dahil nainip si Isagani sinagot niya si Percson upang matigil ang talumpati nito. At isang mag aaral ang nainip din at tumayo at lumapit sa bintana dahil hinihintay niya ang sasakyan ni Simoun.