Anak ni Tandang Selo Si kabesang Tales. Si Tandang Selo ang
siyang nag-ampon kay Basilio noong ito ay nasa Gubat. Si kabesang Tales ay naging kabesa de barangay na tungkuling maningil ng buwis sa kaniyang barangay.Yumaman siya dahil sa kanyang pagsisikap pero dahil sa mga prayle na gusto kuhanin ang kanyang taniman at pagbayarin siya ng mataas na buwis siya ay naghirap. Binantayan niya ang kanyang bukirin nagdala siya ng baril at gulok pero ito ay pinagbawal kaya nagdala na lamang siya ng palakol. Dahil doon agad siyang dinakip ng mga tulisan. Tinubos ito ni Huli binigay na niya ang kanyang mga hiyas pero nagkulang parin ito , Tinira lamang ni Huli ang agnos na binigay sakanya ni Basilio.
Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod
dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.
Sa Kabanata 4 ng nobela, ipinapakita nang lantaran ang
kawalang-hiyaan ng mga prayle, ang kawalang katarungan sa bansang Pilipinas, ang kawalang kahalagahan ng isang indiyong mangmang na mag-isang naniniwala at nakikipaglaban sa kaniyang karapatan at kabutihan. Ipinapakita rin sa kabanatang ito ang dahilan kung bakit ang rebolusyon ang tanging paraan sa pagkamit ng reporma sapagkat kung idadaan ito sa maayos at legal na paraan ay pumapanig pa rin ang hustiya sa may kapangyarihan Kabanata V Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Buod
Gabi nat inilalakad na ang prusisyong pang-noche
buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at itoy kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-
matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na
walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa
mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may
kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio,
lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw
na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balitay ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
Mga Tulong Sa Pag-aaral
1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago.
2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng matandang namatay.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na
noong panahon ng mga santo ay walang guwardiya sibil?
Tugon
Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga
sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil noon sapagkat di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaring maging pari na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si Haring Melchor.
2. Bakit naging kapani-paniwala sa mga
mangmang na Pilipino noon ang alamat ni Bernardo Carpio?
Tugon
Ito ay pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si
Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko, dumating dito bilang tauhan sa isang awit o isang korido, at sa nilakad-lakad ng mga taon ay ginawang katutubo at kinilalang hari ng mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng mga kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {sa Rizal} si Bernardo Carpio ngunit unti-unti nang nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas. Pagnakawala raw si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.
Kung isang katutubo o mga kura na rin ang
nagsimula ng ganitong alamat ay di natin matiyak ngunit ay pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng mga Pilipino sa pamamgitan ng mga aral na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay nagtatamong kaluwalhatian sa langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito, nawawala o mababawasan ang paghahangad ng mga Pilipino na ihanap ng lunas ang kanilang mga kapihan. Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio, ng kanilang hari, at saka na sila magbabagon.