Вы находитесь на странице: 1из 2

Entrepreneurship

The capacity and willingness to develop, organize and manage a business venture along with any
of its risks in order to make a profit. The most obvious example of entrepreneurship is the
starting of new businesses.
In economics, entrepreneurship combined with land, labor, natural resources and capital can
produce profit. Entrepreneurial spirit is characterized by innovation and risk-taking, and is an
essential part of a nation's ability to succeed in an ever changing and increasingly competitive
global marketplace.
Entrepreneurship is important because it helps to drive the economy, it allows people to bring creativity into the
marketplace, it creates companies with the potential to hire millions of people and it brings new products and
services to market.
Entrepreneurship is a key driver of our economy. Wealth and a high majority of jobs are created
by small businesses started by entrepreneurially minded individuals, many of whom go on to
create big businesses.
Mayroong dalawang klase ng Pagnenegosyo. Una ay ang pagnenegosyo dahil sa kapakinabangan kung
saan nagnenegosyo sila upang kumita, at ang pangalawa naman ay ang pagnenegosyong hindi
dahil sa pakinabang. Maaring ang dahilan ay makatulong o maari din upang hindi magbayad ng
tax. Halimbawa nito ay ang Red Cross. (anyo ng pagnenegosyo)
Ang isang entreprenyur ay isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at
nakikipagsapalaran sa isang negosyo. Ang mga entrepreneur ang nagpapakilala ng mga bagong produkto
sa pamilihan .

Tips for aspiring entrepreneurs

Learn from others' failures. because most companies have made common mistakes that have led to their
demise

Make sure this is what you want.,Solve problems.,Be passionate,Get advice from those who have done
it.

Kabutihan:
Maari kang kumita nang malaki.
Walang limitasyon ang maaari mong kitain kung mayroon kang sariling negosyo.
Depende yun sa panahon at pagsisikap na ibibigay mo sa iyong negosyo. Pwede kang yumaman
kung ikaw ay masipag at matiyaga, at kung mayroon kang tamang produkto sa tamang lugar at
sa tamang panahon.
Ikaw na mismo ang sariling amo.
Dahil ikaw ang namamahala sa sarili mong negosyo, ikaw rin ang gumagawa ng mga
desisyon at mananagot ditto. Kaya lang, kikita o malulugi ka depende kung tama o mali ang
iyong desisyon. Di nga kasi, bilang amo, ikaw na mismo ang magbibigay direksiyon sa iyong
negosyo. Higit mo kasing alam kung ano ang gusto mong marating.
May pagkakataong kang maging malikhain.
Alam mo bang ang isang negosyo ay kadalasang galing sa malikhaing o creative ideya?
Kung mayroon kang mga malikahaing ideya, maisasakatuparan mo ang mga ito sa pamamagitan
ng iyong mga produkto at pamamahala sa negosyo.
Matutupad mo ang iyong mga hangarin.
Ang makapagsimula ka ng sariling negosyo ay maituturing nang isang tagumpay. Mahirap kasi
ito. Ngunit ang paghawak mo sa negosyo ay talagang susubok sa kakayahan mo sa
pamamahala. Ngayon, depende na sa kakayahan mo kung matutupad ang iyong mga hangarin
sa iyong negosyo.
Makatultulong ka sa kapwa.
Natural lamang na kukuha ka ng mga empleyado. Ang pagsahod mo sa kanila ay makatutulong
sa pag-angat ng kanilang buhay. At habang lumalago ang iyong negosyo, natutulungan mo rin
ang mga supplier, kontratista, at iba pang may kaugnayan sa iyong negosyo.
Makapagbibigay ka ng natatanging pamana sa pamilya.
Maari mong ipamana sa iyong mga mahal sa buhay ang iyong negosyo. Magandang pamana ito.
Katangi-tangi. Unang una, makapagbibigay ito ng matatag na hanapbuhay sa ilan sa kanila.
Pangalawa, matututunan din nila ang buhay at pananaw ng pagiging entreprenor na pwede rin
nilang isalin sa mga susunod pang henerasyon.

Pagpaplano ng isang negosyo

Step 1. Maghanap ng pagkakataon kung paano mo matutugunan ang pangangailangan ng iba.

May mga bagay na kinakailangan na gusto ng customer mo. Kung negosyante ka, hahanap ka ng
paraan para ikaw ang makapagbigay nito sa kanila. Halimbawa, tag-ulan ngayon, kailangan ng
payong at kapote kapag ganitong panahon, pwede mong gawing negosyo ang pagbebenta nito.

Step 2. Alamin ang interes mo na maaari mong gawing negosyo.

Kapag gusto mong mag-negosyo, importante na interesado ka o gusto mo ang papasukin mong
negosyo para magtagumpay ka dito. Kumikita ka na, nag-eenjoy ka pa! dahil ito talaga ang gusto
mong gawin

. Step 3. Alamin kung may nalalaman ka tungkol sa papasuking negosyo.

Mainam din na mayroon ka ng sapat na kaalaman o kakayahan sa papasuking negosyo para


maging madali para sa iyo ang pamamahala nito.

Step 4. Alamin kung magkano ang kapital na kailangan mo sa pagsisimula ng negosyo.

Hindi ka makakapagsimula ng negosyo kung wala kang puhunan. Alamin kung magkano ang
magagastos mo para ikaw ay makapagsimula sa iyong negosyo.

Step 5. Alamin ang lokasyon kung saan mo ipupwesto ang iyong negosyo.

Ang negosyo parang halaman, kailangan mong ilagay ito kung saan lalago. Ang magandang
lokasyon para sa iyong negosyo ay kung saan madaling hanapin o puntahan ng mga customer.

Step 6. Alamin kung sino ang kakumpetensya mo sa iyong negosyo.

Mainam na alamin ang kumpetisyon. Sinu-sino ang mga katulad mo na may parehong serbisyo o
produktong inaalok. Alamin kung paano mo iaangat sa iba ang iyong negosyo. Magplano at mag-
isip ng mga bagay na pwede mong ialok sa iyong mga customer na wala sa ibang
kakumpetensya.

Вам также может понравиться