Вы находитесь на странице: 1из 1

Kabanata 3

Kaliluha'y Hari

Buod:

Ang magiting si Florante ay nakagapos pa rin sa kagubatan na ito ngunit walang nakatirang
nimfas at harpyas na pwedeng tumulong sa kanya. Kaya naman si Florante ay nagdasal na
lamang sa Diyos. Ang hinaing niya ay tungkol sa mga masasamang tao na gustong maghari-
harian sa kanyang bayan at ang bandilang iwinawaygayway dito. Galit na galit si Florante pati
ang Diyos ay nagawa niyang sisihin kung bakit nangyayari ang mga kamalasan na ito sa
Albanya. Alam ni Florante na gusto makuha ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linseo at
gawing sabungan ang Albanya. Hinihiling niya na sana tanggalin ang masasamang loob na
nakatira sa Albanya at bumalik sa magandang ayos ang kanyang bayan.

Talasalitaan:

1. uyamin kutyain
2. tinangis sigaw; umiyak; tawag
3. lugami manghina; pagod
4. lilo samsamin; taksil
5. dusta pag alipusta; insultuhin
6. pita - kahilingan
7. niri isang bagay na malapit sa iyo; ngayon palang nangyayari ang isang bagay
8. tarok pagkakaunawa; pagkakaintindi

Aralin 3:
Pambungad na Tagpuan

Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng
araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad
ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang
paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok.
Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.

Вам также может понравиться