Вы находитесь на странице: 1из 4

Aklan Catholic College

Archbishop Gabriel M. Reyes St.


5600 Kalibo, Aklan, Philippines
Tel. Nos.: (036)268-4152; 268-9171
Fax No.: (036)268-4010
Website: http://www.acc.edu.ph
E-mail Add: aklancollege@yahoo.com

SENIOR HIGH SCHOOL


GRADE 11, SECOND SEMESTER, AY 2016-2017
FIRST HALF OF FIRST QUARTER EXAM (PRELIM)

Subject: FILIPINO SA PILING LARANGAN


Date: 15 December 2016 Time: 10:00 11:00 A.M. Teachers:Mrs. M. Morales, Ms. M. C.. Legaspi, Ms. N.J. De Mateo

GENERAL DIRECTIONS:
1. Use test booklet as your answer sheet.
2. Do not write anything on this test questionnaire/test paper.
3. Erasures are not allowed otherwise, a deduction of 5 points for each erasure made from the total score.
4. Use blue or black ball pen only.
5. NO EXAMINATION PERMIT NO EXAM POLICY
6. If you are done, fold this test paper/questionnaire once and insert inside the test booklet then submit the same to
your teacher.

I. Pinagbuting Tama o Mali. Basahin at unawain kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Bigyang
pansin ang salitang may salungguhit. Isulat ang T kung wasto ang pahayag, kung di-wasto palitan ng wastomg
sagot ang salitang may salungguhit.
1. Masasabing akademiko ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan na
maaaring interdisiplinari o multidisiplina mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham, humanistiko, at
iba pa.
2. Taglay ng akademikong sulatin ang mababang gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan ng
karunungan.
3. Hindi maaring paghiwalayan ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng proseso ng
kognisyon.
4. Ang akademikong sulatin ay kaugnay ng akademikong disiplina at isinusulat sa iskolarling pamamamaraan.
5. Ang reaksiyon sa isang aklat, palabas, manuskrito, pahayag ng isang tao, at buod ng anumang akda ay mga
halimbawa ng primaryang sanggunian.
6. Ang impormatibong pagsulat ay naghahangad na makapagbibigay ng impormasyon at mga paliwanag .
7. Ang malikhaing pagsulat ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katuwiran,
opinion o paniniwala.
8. Ang mapanghikayat na pagsulat ay pagpapahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o
kumbinasyon ng mga ito.
9. Ang pormularing pagsulat ay isang mataas at estandardisadong pagsulat katulad ng mga kasulatan/
kasunduan sa negosyo/ bisnes at iba pang transaksyong legal.
10. Personal na gawain ang pagsulat kung ito ay may layuning ekspresibo o pagpapahayag ng iniisip o
nadarama.
11. Maihahalintulad ang yugto ng pagsulat sa isang proseso o siklo na may umpisa at katapusan. Pinag-uugnay-
ugnay ang simula at wakas ng iba pang mga hakbang upang maging komprehensibo at epektibo ang isang
akademikong sulatin.
12. Sandigan ang pagbuo ng unang draft ang dating kaalaman at karanasan ng isang indibidwal na bubuo ng
akademikong sulatin. Mas yumayaman ang dating kaalaman at karanasan mula sa pagbabasa, panonood, at
pakikinig.
13. Bahagi ng unang yugto ang pagbabalik-tanaw at pagkilala sa sarili kung ano ang maaaring ilagay sa
gagawing sulatin.
14. Bago sumulat, matiyagang iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin. Mula sa
binalangkas na konsepto na maaring papaksa o pangungusap, magiging gabay ito upang pagyamanin ang
nililinang na akademikong sulatin.
15. Bukas ang unang draft sa pagbabago sa pagbabago upang lalong mapabuti ang akademikong sulatin.
16. Sa pag-eedit at pagrerebisa, inaayos ang unang draft. Iwinawasto ang mga kamalian tulad ng baybay,
bantas, at mismong ang nilalaman ng akademikong sulatin.

II. Malayang Pagpipilian.. Basahin at unawain ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng
kahon ang letra ng wastong sagot.
A. Pagpaplano B. Pag-aayos C. Drafting D. Pagrerebisa E. Pinal na Pagbasa at Pagsusulat

F. Interview G. Sounding out Friends H. Listing I. Journal J. Brainstorming K. Observation

L. Karanasan M. Immersion N. Paksa at Tesis O. Nilalaman P. Lagom Q. Konklusyon

R. Pagsasalaysay S. Paglalarawan T. Talambuhay U. Talaarawan V. Repleksyon

1. Mula sa ginawang proofreading maisasapinal ang akademikong sulatin taglay ang tamang wika at
nilalaman ng akademikong sulatin.
2. Pagtatakda ng paksa, paraan ng pangangalap ng datos, pagsusuri, at panahon kung kalian sisimulan at
matatapos ang akademikong sulatin.
3. Paghahanda ng sarili upang maayos na maisulat ang akademikong sulatin. Makatutulong ang
pagbabalangkas ng paksa sa bahaging ito.
4. Mula sa ginawang sariling pagtataya o ng iba ay babaguhin, aauyusin, at pauunlarin ang akademikong
sulatin.
5. Panimulang pagsulat o pagmamapa ng mga ideya. Nasa istilo ng manunulat kung paano lilikhain ang
tentatibong sulatin.
6. Paglilista ng mga posibleng makatutulong sa iyong gagawing sulatin
7. Ang paggamit ng mga pandama katulad ng mga napansin sa paligid, mga naaamoy, namamasid, at
nahahawakang bagay ay makatutulong sa pagtitipon ng mga mapaghahanguan ng ideya at kaalaman sa
gagawing sulatin.
8. Ang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, kasambahay, o kapitbahay ay maaring mapaghahanguan ng
mga ideya sa gagawing sulatin.
9. Ang iyong mga narinig, nabasa, napanood, at mga hindi makalimutang pangyayari ay maaring
mapaghanguan ng ideya sa gagawing sulatin.
10. Ang pagtatanong o pagkuha ng impormasyon sa mga taong mas may higit na kaalaman at karanasan sa
paksa na ibinabalak na isulat ay makatutulong sa bubuuing sulatin.
11. Ang mga naitagong pansariling tala na naglalaman ng mga obserbasyon, kaisipan, at damdamin ng
manunulat ay makatutulong sa kanyang gagawing sulatin.
12. Ang pagpapahayag ng manunulat ng kanyang mga saloobin sa mga nangyayari sa paligid.
13. Ang Pansariling tala ng mga pangyayari sa buhay ng isang nilalang.
14. Layunin nito na magbigay na mabigyang-kahulugan ang ibat ibang termino.Ito ay malaking hawan
upang mabigyang-daan ang lubos na pagkaunawa ng mga mambabasa sa teksto.
15. Ito ay diskurso na naglalahad ng pangyayari. Naibabahagi, naihahatid, at napapahalagahan dito ang
impormasyon.
16. Isang diskurso na nagbibigay hugis, anyo, kulay, at katangian. Dito naipapakita ang kagandahan ng
daigdig. Nagagawa nitong konkreto ang mga abstraktoong kaisipan.
17. Malalim na pinag-iisipan an gang magiging nilalaman ng paksang isusulat.
18. Ang pakikisalamuha sa mga tao at totoong pagdanas sa uri ng pamumuhay sa isang lipunan ay
makatutulong sa bubuuing sulatin.
19. Dito nababasa ang buod ng buong sulatin na inilahad ng manunulat sa pinakamaikling paraan.
20. Matutunghayan dito ng mambabasa ang mga kasagutan sa katanungan mula sa pagsusuri ng mga
nakalap na datos.
21. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng akademikong sulatin sapagkat kung sa pagkain, ito ang
pinakamasustansiyang bahagi na dapat makuha ng mambabasa.
22. Ito ang tanging mahalagang bahagi bahagi ng sulatin dahil nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa upang basahin ang sulatin.

III. Basahin at unawain ang mga teksto. Kilalanin at patunayan kung anong disiplina at larangan ang
kinabibilangan nito. Bigyan ng paliwanag o patunay na sumusuporta sa kinabibilangang disiplina o larangan.
Gawing batayan ang rubrik para sa pagmamarka sa PATUNAY sa iyong sagot.

Maliwanag na ang aklat ng Genesis ay bahagi ng iisang orihinal na akda (ang Torah), at
posibleng natapos ito ni Moises sa ilang ng Sinai noong tang 1513 B.C.E. Pagkatapos ng Genesis 1:1, 2
(tungkol sa paglalang ng langit at ng lupa), maliwanag na ang aklat ay sumasaklaw sa libu-libong taon
na kinailangan para maihanda ang lupa upang panahanan ng tao (tingnan ang ARAW, II; PAGLALANG,
NILALANG), at pagkatapos, sumasaklaw ito sa yugto mula sa paglalang sa tao hanggang sa tang
1657 B.C.E., kung kailan namatay si Jose.Tingnan ang KRONOLOHIYA (Mula sa Paglalang sa Tao
Hanggang sa Kasalukuyan).- Watchtower ONLINE LIBRARY

Disiplina: ____________________

Larangan ____________________

Patunay _____________________ (3 pts)

Ang Zika ay isang sakit na dulot ng Zika virus, isang virus na hatid ng isang uri ng lamok (Aedes). Ang
mga sintomas ng Zika ay lagnat, rashes, pananakit ng kasukasuan, at pamumula ng mata na parang sore eyes.
Ang mga sintomas na ito ay karaniwang tumatagal ng ilang araw hanggang isang linggo.Mahalagang tandaan
na ang mga sintomas ng Zika ay kagaya rin ng ibang mga virus na dala ng lamok gaya ng dengue, at maaari rin
itong mapagkalamang trangkaso. Isa pa, maliit na porsyento lamang ng mga tao na na-impeksyon ng virus ang
magkakaron ng mga sintomas; maaaring magkaron ng Zika virus ng hindi nalalaman.Gaya ng dengue, itoy
nakukuha sa kagat ng lamok na may taglay na Zika virus. Ang mga sintomas ay kadalasang lumalabas
pagkatapos ng 2 hanggang 7 mula sa pagkakakagat ng lamok. - http://kalusugan.ph/mga-kaalaman-tungkol-sa-
zika-virus/

Disiplina: ____________________

Larangan ____________________

Patunay _____________________ (3 pts)

Ang Miss Saigon ay isang pagtatanghal na may tugtugin o teatrong musikal nina Claude-Michel
Schnberg at Alain Boublil sa West End, na may mga liriko nina Boublil at Richard Maltby, Jr. Isa itong
makabagong adaptasyon ng operang Madama Butterfly (Madame Butterfly) ni Giacomo Puccini, na katulad na
naglalahad ng trahikong salaysay ng isang walang patutunguhang pag-iibigan at romansang kinasasangkutan ng
isang babaeng Asyanong nilisan ng kanyang Amerikanong mangingibig. Inilipat ang tagpuan ng takbo ng
kuwento sa Saigon ng dekada ng 1970 noong panahon ng Digmaan sa Vietnam, at napalitan ang
magkasintahang Amerikanong Tinyente at geishang Hapones ng pagmamahalan ng isang Amerikanong GIat ng
isang Vietnamese na naghahanapbuhay sa isang bar. -https://tl.wikipedia.org/wiki/Miss_Saigon

Disiplina: ____________________

Larangan ____________________

Patunay _____________________ (3 pts)

Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354), na mas
kilala bilang Reproductive Health Law ay naglalayong maikalat ang kaalaman tungkol sa Reproductive Health,
tulungang maipaabot nang mas madali ang mga ligtas at modernong pamamaraan ng contraception, tulungan
ang mga pamilya sa mas maayos na pagpaplano ng pagbuo sa pamilya, at pangangalaga sa kalusugan ng mga
ina. -http://kalusugan.ph/benepisyong-pangkalusugan-ng-reproductive-health-law/

Disiplina: ____________________

Larangan ____________________

Patunay _____________________ (3 pts)

Rubrik para sa pagmamarka sa Patnubay:


3- Komprehensibo ang pagpapaliwanag at nakitaan ng kalinawan at kahusayan ang paghahanay
ng mga ideya at kaisipan
2- Naipaliwanag at naihanay ang mga ideya at kaisipan
1- Hindi maliwanag at maayos ang pagpapaliwanag at paghahanay ng mga kaisipan
0- Walang naibigay na sagot

GOD BLESS!

Prepared by: Checked by: Recommended by: Approved by:

FILIPINO DISCIPLINE Mr. DARREN N. NAELGAS Mr. JUNE B. MIJARES Mr. JUNE B. MIJARES
Strand Adviser Principal VPAA

Вам также может понравиться