Вы находитесь на странице: 1из 6

CLASS PROPHECY

BY FRANCA JERICA FEI AQUINO

Click! Click! Sent!


Sa wakas, na i-submit ko na ang final requirement para maging ganap na Accountant.. Time
check: 2:17 am
Goodnight!
"Prankitaa.. Prankitaaaaaa!" Laking gulat ko ng marinig ko ang napakalakas na sigaw ni mama.
Dali-dali akong lumabas sa aking kwarto upang malaman kung ano ang dahilan ng maagang
paggigising niya.
"Oh ma, ano yun?"

Dahan-dahang ini-angat ni mama ang isang maliit na sobre.

"Oh ayan, alam kong matagal mo ng iniintay yan.", sabi niya kasabay ang isang bahagyang
nakakalokong ngiti na pakiwari ko'y may ibigsabihin. Agad ko namang kinuha ang sobre at
binasa ang isang imbitasyong nakapaloob dito. " You Are Cordially Invited as Gerard Amon
Noveno and Jeriah Ambulo Bendo unite in Marriage on the 22nd day of March, 2027 at PARIS
Event's Place (Paris, France)

"Aba.. Aba.. At ang dating away bati na parang aso't pusa, ngayon ay magpapakasal na. Buti
nama't nalaman na nila ang tunay na halaga ng bawat isa. Halos sampung taon na rin pala ang
nakakalipas.Makalipas ang isang linggo ay inihahanda ko na ang aking mga gamit na dadalhin sa
aking biyahe patungong Paris para sa kasalan. Habang nakasakay ako sa taxi ay may isang
bakeshop na nakatawag ng aking pansin, kung kaya't kaagad akong bumaba ng sasakyan upang
bumili ng cake. Sa aking pagpasok, ay bumungad sa akin ang isang napakalaking chocolate
cake. Marahil ay napakalaki rin ng kamay ng nag-bake nito. Agad ko iyong binili upang maipang-
regalo sa ikakasal. Pagkalabas ko ng tindahan, nang saka ko lamang napansin ang pangalan.
"Jester's Bakeshop" Aba't hindi nga ako nagkamali. Pagmamay-ari nga ito ng isang taong may
malawak na kapalaran at malaking kamay. Subalit hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na
siya ay makausap sapagkat di umano'y umalis daw ito at may importanteng
pupuntahan.Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa taxi na aking sinasakyan nang biglang..
"Araaaaaaaaay!"Gayon na lamang ang aking sakit na nadama ng bigla akong napaupo ng dahil
sa lakas ngpagkabunggo sa akin ng hindi ko nakikilalang lalaki. Hinablot niya ang aking pitaka at
ngayo'y kasalukuyang kumakandirit upang makatakas. "Tulooooooong!", buong lakas kong
pagsigaw.
Laking gulat ko ng biglang may isang pulis na dali-daling hinabol ang salarin. Kung saan siya
nanggaling at nagmula ay hindi ko rin namalayan. Napakabilis niyang tumakbo kung kaya't agad
niyang naabutan ang salarin. Habang siya'y papalapit sa akin ay unti-unting nanlaki ang aking
mata. Sapagkat babae pala siya. " Uyy ate, kamusta?", sabi ng pulis. "Kilala mo po ako?",
pagtatanong ko sa aking pagtataka.
" SPO4 BAYOT" Ang dating sisiga-siga kung maglakad at madalas ay inaantok sa klase, ay isa ng
ganap na pulis. (Oshem Contreras Bayot) Nagkamustahan kami habang nagpatuloy sa aming
byahe patungong paliparan. Tulad ko'y pupunta rin siya sa kasal ng malapit niyang kaibigan. Sa
kanya ko rin nabalitaan na kaya pala sa Paris gaganapin ang kasal ay dahil si Jamaica pala ang
nagmamay-ari ng sikat na sikat na "PARIS Event's Place" sa Pransya at isa na rin siyang flight
attendant. "Ehh.. Kamusta naman sila ni Banoog?", natanong ko naman.
" May poreber nga ate.. Ayun..", sagot niya. Habang nasa eroplano'y biglang naudlot ang aming
kwentuhan nang biglang may naglagay ng chocolate shake at chocolate cake sa aming lamesa.
Tumingin kami sa babaeng naglagay ng may halong pagtataka sapagkat wala pa naman kaming
ino-order. Isang sexy at maputing flight attendant ang aming nakita. Ngumiti siya sabay sabing
"Enjoy the treat Ma'am! " at bumulong ng "Libre ko na yan." (Angel Nicole Silverio Gonza)
yung dating super emotional kong kaklase at crush ng bayan ay head na ng mga flight attendant
sa buong Manila. "Guys, gustuhin ko mang makipagkuwentuhan ng matagal, pero I still have to
take care of something. So, please excuse me.", pagpapaalam niya. Bumalik na kami ni Oshem
sa aming usapan at nalaman kong going strong pa rin ang dalawa. Si (Maria Jamaica Gumao
Dagasdas) at si (Ivan John Legaspi Bravo). Si Ivan ay kasalukuyang nasa barko at miyembro
ng isang kilalang Mechanical Cruise Line. Kasama niya dito si (Jim Lowell Amon Ambulo) na isa
ng ganap na opisyal ng barko. Akalain mo nga naman na isa rin pala siyang seaman. Parang
kaylanlang lagi ko pa siyang napapanood sa tv. Siya kasi ang pinakabagong memberng Pinoy
Boy Band at isa na ring kilalang musician. Gayunpaman ay bihira ko siyang makita sa studio sa
tuwing magpapasa ako ng composition ko. Daldal ako ng daldal nang hindi ko na namalayang
nakatulog na pala si Oshem. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay agad kaming nagtungo
sa aming tutuluyan upang makapaghanda para sa pagpunta sa gaganaping kasalan. Dito ko
nalaman na nagmamay-ari na pala si Jeriah ng isa sa pinaka-kilalang restaurant sa Pilipinas at
maging sa iba't ibang bansa dahil na rin sa dami ng branch nito sa buong mundo. Si Gerard
naman ay isa ng ganap na pulis. PNP Chief Noveno. Iba talaga ang taglay na kapangyarihan ng
lucky charm nila ni Ivan. Matapos ang kasalan ay nagpunta na kami sa PARIS Event's Place para
sa reception. Grabe! Napakaganda ng lugar. Labis-labis ang aking pagkamangha habang patuloy
kong pinagmamasdan ang istrukturang lugar. Sino ba namang mag-aakala na ang dating laging
diagonal ang drawing ay siya palang henyo sa likod ng nakakamanghang istruktura ng lugar na
iyon. Architect (Jerwin Arreo Dela Pea). Si Kuya Mako naman na noo'y laging tulala ay isa na
sa pinaka-aktibong miyembro ng Philippine Navy. (Angelo Mark Ruiz Najera) Talaga namang
bagay na bagay sa kanya. Tindig pa lang, talagang pang-sundalona. Nakakatuwang pagmasdan
ang mga kaklase mo noon. Bumabalik ang bawat ala-ala. Nabanggit ko na ba na si Jeriah ay 36-
24-36 na? Hindi na siya ang dating si Barney. At ang iba ko namang mga kaklase noon na parang
mga walking hanger ay medyo kahit papaano'y nagkalaman-laman na. Teka. Parang may
pamilyar atang tainga. Agad kong nilapitan ang table niya, niyapos ko siya ng mahigpit at
hinalikan sa noo. Tulad ng dati'y pinaghahampas niya pa rin ako sabay tanong ng, " Gusto mo ng
gold bar ko noh?", sabay tawa. (Jester Ian Alquizar Causaren), isa ng ganap na agricultural
engineer at member ng isang animation company. Pinaghahampas niyana naman ako ng
naikwento ko ang tungkol sa bakeshop niya. Lumapit din sa table namin si Angel. "Yan! Buo na
ang wonderpets! Lily, Tuck at si Ningning!", bungad niya. Tulad ng dati'y anlakas parin ng boses
niya. Napag-usapan naman namin ang matagal na naming binabalak na pagpapatayo ng ospital,
resort at ng home for the aged. " Si (John Austin Dogelio Ladrera), isa na siyang magaling na
doctor ngayon at lalo rin siyang naging responsable. Ang totoo nga nyan maraming ospital ang
gustong kunin siya eh. Pero syempre di ako papayag. Paniguradong malaki ang maitutulong nya
sa ipapatayo nating ospital.", bigla namang pag-singit ni Angel. Nagkatinginan kami ni Jester at
sabay na napangiti. Paano ba naman, ang dating surang-sura at ayaw na ayaw sa isa't isa.
Ngayon, eto pumapag-ibig na. Pareho lang nilang kinain ang lahat ng mga sinabi nila. Cornetto
man o dalmatian. Pag-ibig yan eh. Kahit sino, kahit ano walang makakahadlang. David and
Goliath? Umaga o gabi. May kuryente man o brownout. Gustuhin ko mang magtagal pa sa Paris
ay kailangan ko ng bumalik ng Pilipinas para sa aking graduation.
Sa eroplano pa lang ay medyo masama na ang aking pakiramdam. May nakita akong isang flight
attendant na may malaking future. "Miss excuse me, request lang sana ako ng water. Thank
you!", sabi ko. " Yes Ma'am ayy.. Ikaw pala yan.. Okiee Pipay papadala ko na lang diyan.
Pahinga ka ah.. Mwah!", sagot niya.
Nagulat ako at saka ko lamang napagtanto na kaya pala malaki ang future ay dahil si Mimay pala
iyon. (Joehannes Micolle Tolentino Reyes), akalain mo nga namang sa hinaba-haba ng
naitulog nya sa klase ay mas mahaba pa dun ang destinasyon ng mga lugar na nalalakbay niya
ngayon. Habang iniintay ko ang tubig ay isa namang matangkad at singkit na flight attendant
ang nag-abot nito sa akin at bumulong, "Nasa CR kasi si Mimay kaya sakin niya na lang
pinadala." (Maria Lavina Saguban Ochoa) "Salamat BaeM", sagot ko naman. " Ayos na ba
sa'yo yang tubig? Ayaw mo ba ng tikoy? Siomai o siopao?", pabirong tanong niya. Sabay kaming
tumawa at nagkwentuhan sandali. Pagkarating ko sa Maynila ay nagcheck-in muna ako sa isang
hotel para makapag-pahinga. Nag-request at nagpa-contact na din ako ng physical therapist para
kahit papaano'y mabawasan ang sama ng aking pakiramdam. Habang nanonood ako ng
telebisyon sa aking kwarto ay siya namang pagdating ng PT na pinatawagan ko. Pagbukas ko ng
pinto, isang maputing babae na may tuwid na tuwid na buhok at baby hair ang tumambad sa
aking harapan. Pamilyar ang mukha nya. Pagkapasok niya sa kwarto ko ay agad siyang nag-
selfie. Sa pagkagulat ko, epic tuloy yung mukha ko sa picture. Tamang hinala. (Loralie Joy
Vicua Serquiel), ang lola ng lahatay isa ng professional at on-call na PT ngayon. Matapos ang
therapy na ginawa niya sa akin ay agad na umaliwalas ang aking pakiramdam. Sa kalagitnaan ng
aming pag-uusap ay bigla namang pinukaw ang aming atensyon ng isang flash report sa
telebisyon. Balitamula sa NASA: Kauna-unahang Pilipinong astronaut na nakatapak sa planetang
Jupiter (John Rebb Bedua Gomez), ang lalaking laging tahimik, nagni-ninja tuwing gabi,
mahilig mamisil ng ilong at bigla -biglang nakanta pagkakatapos ng exam. Tingnan mo nga
nama't hindi na niya kailangan pang bumili ng telescope para lang makita ang mga bituin,
nakapunta pa siya sa kalawakan. Matawa tawa ako ng bigla akong hinampas ni LJ habang
inaalala ang mga nakakatuwang memories ng Junior Highschool Pagpunta sa Lucky 79 at ang
pag-inom ng fun the door. Kinabukasan, habang ako'y nasa byahe na pauwi sa bahay ay may
nakita naman kaming batang hinimatay sa lansangan. Dali-dali kaming bumaba ng sasakyan
upang siya ay matulungan. Agad namin siyang dinala sa pinakamalapit na ospital. Sa emergency
room, isang nurse na may napaka-cute na cheek bone ang lumapit sa akin upang ibalita na ayos
na ang kalagayan ng bata. Di umano'y dahil lamang ito sa sobrang init ng panahon kung kaya't
nawalan ng malay ang bata. (Erlize Kei Alcantara Villanueva), natupad na niya ang pangarap
nila ng kaniyang mga magulang. At dahil dito ay proud na proud ang mga ito sa kanya. Still
motivated and still caring. "Salamat", sabi ko. " K.", tugon niya. Sa kanya ko nalaman na tatlong
buwan palang pala na naitatayo ang ospitalna iyon at ang isa sa mga head engineers ay si
(Jericko Baurile Manimtim). Si babs, si oppaduyduy. Ang dating laging bugbog sarado sa amin,
hampasat kurot. Aba ay isa ng engineer. Isang taong napakahaba ng pasensya. At may matatag
na desposisyon sa buhay. Pagkarating ko sa bahay, agad nilang ibinalita sa akin na mayroon na
pala kaming paparating na Alumni Homecoming Batch 2016-2017 sa susunod na buwan. (Ika-30
ng Marso, taong 2027) Sa wakas! Isa na akong Certified Public Accountant. Sa susunod na taon
ay kukuha naman ako ng kursong edukasyon para naman maibahagi ko ang aking kaalaman at
makatulong ako sa paghubog ng edukasyon sa mga kabataan. (Ika-9 ng buwan ng Abril, taong
2027)
"ALUMNI HOME COMING 2016-17" Habang naglalakad ako sa pathway patungo sa aming dating
paaralan ay natatanaw ko na ang makukulay na ilaw at mga palamuting naggagandahan.
Naririnig ko na rin ang masayang tugtugan, kaingay na mga kwentuhan at ang mga malulupit at
kakaibang tawanan. May tatlong batang sumalubong sa akin. Isang lalaki at isang babaeng sa
aking palagay ay nasa sampung taong gulang at isa pang batang babae na nasa pitong taong
gulang pa lamang. "Zhyden..", sabi ng isang tinig. "Kasama mo pala sina Ilyah at little Bhunna.
Tama na muna ang laro. Pumasokna muna kayong tatlo at madilim na." Si Ma'am Melisa Bayot
Alcantara, isang ulirang ina na binabantayang mabuti ang anak niya. Agad namang lumapit si
Ilyah kay Ma'am Dawn Nari Sabater Condez na noo'y kasalukuyang kumukuhang juice sa
mesa. Nagngitian lang kami ni Miss Positive. "Haaaay nako Bhunine.. Wag na munang makulit..
Manang mana ka talaga sa tatay mo..", isang pamilyar na boses na tumawag sa aking pansin.
Ma'am Ronalyn Verona Cuadra. Sa wakas! Sinagot na rin siya ni Sir Gerald Rosano Cuadra.
Nakita ko rin sina Valerie at Vincent. Dalaga't binata na sila.
"Si Ma'am Emer, asan siya?", tanong ko sa kanila. " Naku ate pasunod na po yun. Dumaan lang
po saglit sa salon para magpa-ayos. At saka iinom pa po yun ng gamot, medyo nakirot-kirot na
po kasi yung kanyang tuhod, alam niyo na po.", sagot ni Valerie. Napangiti na lamang ako at
lalo kong napatunayan ang napakabilis na paglipas ng panahon. Maya-maya'y dumating na nga
si Ma'am Emelita Victoria. Still young at the age of....... SECRET, CONFIDENTIAL, BAWAL
SABIHIN noh? Nakita ko rin si Ma'am Michelle Anne Legaspi na inihatid ng isang kotse, kung
saan sa pakiwari ko'y ang anak na niyang si James Nathaniel ang nagmamaneho. Sa pagpasok
ko sa social hall ay agad namang kumiliti sa aking ilong ang napakabangong amoy ng mga
pagkaing, malamang sa malamang ay inihanda ni Ate Tess. Talaga namang kitang-kita ang
malaking pagkakaiba ng noon sa ngayon. Lalo pang lumawak ang paaralan. Ang totoo nyan ay
mayroon na rin itong isa pang branch na matatagpuan sa Makati. Gayon na lamang ang aking
pagkagulat ng malaman kong ang batang dati'y napakakulit, ay siya ng namamahala ngayon sa
parehong eskwelahan. (Si *Carlos maria Dencio Batino) Grabe, ibang-iba na ang mga silid.
Halos lahat ay nagbago na. Mayroon ng covered court sa gitna, meroon na ring soccer field at
pool area naman sa 3rd floor ng building. Nakita ko ang lahat ng aking mga dating kamag-aral at
maging ang aming mga guro. Lahat ng aming pangarap ay amin ng natupad. Si Gerard at si
Jeriah, si Austin at si Angel, si Ivan at si Jamaica, si Jester ay naging mas malapit na kay
Oshem, gayundin si Jerwin kay Lavina. Naroon rin sina Lowell, John Rebb, Jericko, Angelo,
Micolle, Loralie at Erlize. Maging si Sir Roj at ang kanyang mag-ina, si Sir Moises kasama
ang kanyang asawa, si Ma'am May Ann at ang mag-ama niya. Sina Ma'am Beth Gaton at si
Prof. Corazon Dancel Salcedo kasama sina Sir Sanjay at Ma'am Cielo ay masaya namang
nagkukwentuhan sa kanilang lamesa. Si Sir Cuadra at si Ma'am Rona, halos lahat lumalablayp
na. Natigil lamang ang aking pag-iisip ng biglang tinawag ang aking pangalan upang
magsalita sa harapan.. "Miss Franca Jerica Fei Borja Aquino, let's give her a round of
applause!"
Sa aking paglalakad papunta sa mikropono ay napakarami na naman ng tumatakbo sa utak ko.
Sa dami ng mga matang nakatingin sa akin, ay hindi ko na alam kung saan ako magsisimula at
kung ano ang aking sasabihin.

*inhales*clears throat*exhales*

Good evening everyone. It's truly an honor and a great privilege for me to be able to speak here
in front of you. Ilang taon na nga ba ang nakakalipas? Oh yes, 10 long years. I can't imagine how
time flies so fast that our journey that started yesterday has now opened another chapter of our
lives. It's happy to know that we have succeeded in another part of this journey. It's quite lonely
when we remember the time, when our lives had been divided and parted apart. Enjoying every
hour of everyday with one another and wishing that someday, each and everyone would always
be together again. Regretting of thinking of what will happen tomorrow. Remembering the
memories of the beautiful past. Yung mga panahong sa lakas ng trip niyo eh sabay-sabay kayong
tatawa hanggang sa maiyak-iyak na at bigla biglang tatahimik. Tanging mga kuliglig lamang ang
maririnig. Magja-jamming sa pagkanta habang may mga tumutugtog ng gitara. May palaging
nanggugulat at mayroon din namang palaging tahimik. Merong may mga sariling mundo at ang
iba pa'y nagpeprayer worship. May mga sleepover at maging ang pausong movie marathon na
iisa lang naman ang pelikulang papanoorin. May supplier ng tubig, polbo, sanrio at papel. Yung
mga planong hindi natutuloy at mga usapang nagiging artwork. Yung sabay-sabay kayong kakain
ng tanghalian at share share sa ulam. Yung kakain ng cake o kahit ano pang dessert ng iisang
kutsara lang ang gamit. Iinom ng cobra at softdrinks sa iisang straw. Yung kada reporting,
dinadaig nyo pa yung Google translate. Yung mga panahong mga simpleng bagay pa ang ating
iniiyakan. Si first crush, si first love, si first boyfriend/girlfriend, si first dance, at si first
heartbreak. Yung panghaharana kay crush at ang mga walang kamatayang korning pick-up lines,
mga hugot, at napakaraming ka-hokagehan. Apat na taon ng tawanan at halo-halong karanasan
na nagtapos sa isang araw na iyakan. Nagpaalam. Nagkahiwa-hiwalay. Ngayon, we are just
waiting for another time to say good bye. But remember, "Good bye's" are not the end but the
start. A start of something new, a start of new begginings, a start of new challenges and a start
to strive for success. Nagsimula tayo sa bilang na 21, may mga umalis (Charles, Mary Lou,
Renan, John Mark, James, Jed, Vhimbhie, Zheila, Zahra, Waynne at Baby). Subalit meron din
namang mga dumating (Micolle, Jerwin, Angelo Mark, Lavina at Gerard). Magkakaiba man tayo
ng mga tinahak na landas, sigurado ako na natupad na rin nila ang kanilang mga pangarap na
inaasam kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Alam kong patuloy pa rin tayong magiging
bahagi ng buhay ng bawat isa. Nagsimula man tayong lahat bilang mga estranghero, unti-unti'y
naging pamilya tayo. Magkakaiba man ng pinagmulan, di man pare-pareho ng katangian, ugali,
relihiyon at lahat ng nakagawian. Patuloy pa rin tayong hinuhubog ng ating karanasan. Bawat
aral na dulot ng ating mga pinagdaanan. Nagkakaaway man minsan, nagmumurahan ng pabiro
at nagkakasakitan, mga usapang kung minsa'y kabargasan ang laman, sumbong dito, sumbong
doon at mga away na mabababaw ang dahilan. Ito ay mga ala-alang ngayon ay atin na lamang
tinatawanan. Pagkokopyahan? Para sa mga estudyante, teamwork yan. Paghahampasan at lahat
ng kung ano-anong kalokohan. Maging ang mga utang na hindi pa nababayaran at ang
panghihingi ng piso o dos sa bawat kasamahan. Ito ang ilan sa mga karanasang lalo pang
sumubok at nagpatatag sa ating katauhan. Sa bawat pagtatanghal, cartolina, karton at kurtina
ang ating naging sandigan. Sa bawat paglaban ng sayaw, garbage bag ang ating puhunan.
Thesis na walang tulugan, sa tuwing may laban lahat ay kinakabahan. Di man natin kaya ay
pinipilit pa rin nating matutunan. Mga bagay na bago sa atin at hindi pa nararanasan, ating
pagtutulungan ang nagiging kasagutan. Marami ng mga bagay ang sumubok sa ating
pagsasamahan. Salamat sa ating mga guro, ngayon ay naiintindihan na natin kung gaano
kahirap ang kanilang pinagdadaanan. Salamat sa bawat pag-intindi at pag-aasikaso. Sa bawat
pangangaral, kaalaman, at sa pagmamahal na hindi mapapantayan. Salamat sa ating mga
magulang. Sa ating ina na sa ati'y nagluwal. Sa ating ama na naging tagapagtaguyod at sa ating
mga kapatid na laging naka-suporta at handang tumulong. Dahil sa kanilang pagsasakripisyo
kung kaya't nandito tayo. Hindi nila tayo pinapabayaan. Salamat kay Lord sapagkat ang lahat ng
mga biyayang ito ay Siya ang pinagmulan at Siya ang may kalooban. Dumating na ang panahon
para tayo naman ang manindigan. Tayo naman ang makipagsapalaran sa hamon ng buhay. Tayo
naman ang magsusumikap para sa ating kinabukasan. Life is a journey. We must never stop. We
are the writers of our own story. Our destiny lies on our hands and on the decisions we make.
Huwag nating sayangin ang pangarap ng ating mga magulang, ang pangarap nating sinimulan.
Marami pa tayong kailangang patunayan. Mahaba-haba pa ang ating lalakbayin. We still have
the universe to explore. Alam kong since then, lagi at paulit-ulit kong sinasabi ang kasabihang
"when we eat the fruit, we must never forget and always remember the persons who planted the
tree. For trees only bear fruits if they remained planted on the ground." Gaano man kalayo ang
ating marating, gaano man karaming laban ang ating mapag-tagumpayan, 'wag na 'wag tayong
makakalimot sa ating pinagmulan at ang lahat ng tao o bagay na naging bahagi at dahilan ng
mga dating pangarap na ngayo'y atin ng nakakamtan. Ang ating Alma Mater at maging lahat ng
bagay na naging inspirasyon natin. Salamat sa ating mga kamag-aral. Salamat sa pagmamahal,
pagtanggap at pakikipagkaibigan. Salamat sa inyong lahat. Sa bawat pagtawa, pag-iyak,
pagbibiruan at pagdadamayan. Problema ng isa, problema ng lahat. Laban ng isa, laban ng
lahat. Tumalon man sa pader, o kahit may maglaslas na naman. Salamat sa paghubog ng
katauhan ng bawat isa. Dahil dito, lalo tayong naging matatag, lalo tayong naging matapang,
lalo tayong naging isa. Pag-utot sa classroom, pagkakaroon ng unang dalaw, pag may
nangangailangan ng napkin, at sa tuwing may madadapa o di kaya'y madudulas at mapapahiya
sa harapan. Higit tayong naging matured upang i-handle ang iba't ibang sitwasyong ibinabato sa
atin ng buhay. Everytime we fall, we could always take a rest, but we must never ever give up.
Bumagsak sa exam, sa quiz, at mga incomplete. Kaya yan. Kakayanin yan! We must always gain
control, step back a little and get back up even much stronger and wiser. We must make a stand
for whatever is right. Respect one another and think of all the different circumstances. Sabi nga
ni St. Francis of Assisi, "Start by doing what's necessary; then do what's possible; and suddenly
you are doing the impossible" For winners never quitand quitters never win. Walang imposible
hangga't iisang pamilya tayo. Ptunayan nating kakayanin pa rin natin kahit na hindi na tayo tayo
ang magkakasama, 'di tulad ng dati. Dahil sa panibagong chapter na ito, ay mas marami tayong
makikilala. Higit na mas maraming opportunities. Marami ring temptasyon upang tayo'y maligaw
ng landas. Pero sabi nga ng isang kasabihan, "If we focus on the goal, we would not notice the
obstacles and it would not stand on our way." Walang iwanan. Pamilya tayo kahit na nasaan ka
man. 'Wag makakalimot at magmahalan. This is just the start. Carry on! Hinding hindi ko kayo
makakalimutan. Hinding hindi ko kayo ipagpapalit. Goodluck sa ating lahat. Mahal na mahal ko
kayong lahat. Kung ano at sino tayo ngayon, ang bawat isa sa ati'y may naging kontribusyon.
Ang nagdaan ang naghanda sa atin para sa ating kinabukasan. Fright is not right. Today is a gift.
Cherish it and live your life. Thank you and enjoy the night!

Вам также может понравиться