Вы находитесь на странице: 1из 8

Page 1 of 8

LANNA NATIONAL HIGH SCHOOL


Lanna, Tuamuini, Isabela

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


(EKONOMIKS)
Inihanda ni: Jesica Cabrera
Practice Teacher

I. LAYUNIN
1. Natatalakay ang pormal na industriyang bumubuo sa sektor ng paglilingkod sa ating
bansa.
2. Napapahalagahan ang kontribusyon ng ahensiyang tumutuolong sa Sector ng
paglilingkod.
3. Nasusuri ang bahaging ginagampan ng sector ng paglilingkod sa pag-unlad ng
pambansang ekonomiya.
II. PAKSANG-ARALIN
a. PAKSA
Ang Sektor ng Paglilingkod
b. SANGGUNIAN
Ekonomiks: Modyul para sa mag-aaral
http://psa.gov.ph/content/2016-annual-labor-and-employment-
status
c. MGA KAGAMITAN
Projector
Laptop
Mga pantulong biswal/ Larawan
Computer

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagdasal at pagbati
Pagtsek ng lumiban at pumasok

B. Pagganyak

Bago ang lahat ay hatiin natin ang


klase ninyo sa tatlong grupo. Magkakaroon tayo
ng gawain.
Ang gawain o laro natin ngayon ay
tinatawag na Pagkilala sa mga kasapi ng
lipunan. Ang gagawin ninyo, sa loob lamang
ng tatlong minuto ay maglilista kayo ng
sampung mga trabaho o propesyon na
napapansin, nakikita o naririnig ninyo sa paligid.
Halimbawa nito ay ang janitor, Barangay
Tanod,at iba pa. Ang bawat magkakaparehong
nailistang trabaho ay aalisin natin sa pagbilang
ng puntos kaya maging malikhain kayo sa pag-
iisip ng mga trabaho. Naintindihan? Opo, maam.
Page 2 of 8

Mabuti. Magsimula na kayo.

Magaling! Ngayon, magsibalik na kayo sa (Maglilista ang bawat grupo ng


inyong mga upuan. Suriin natin ang inyong mga sampung mga pangalan ng trabaho sa pisara
ginawa. sa loob ng tatlong minuto at pagkatapos ay
bibilangin nila ang mga pangalan ng
C. Talakayan trabahong inilista nila na walang kapareho sa
Ano ba ang napansin ninyo sa laro natin iba pang grupo.
kanina klas?
Lahat ng inilista namin ay mga trabaho
Tama. Sa tingin niyo, ano ba ang ng tao maam
pagkakapareho nilang lahat?
Lahat ng inilista namin ay mga trabaho
ng tao maam
Tama. At iyan ang eksaktong pag-aaralan natin
sa araw na itoang sektor ng paglilingkod. Ano
ang inyong pagkakaunawa sa salitang Ang kanilang trabaho ay paglilingkod o
paglilingkod? nagbibigay serbisyo sa kanilang kapwa.

Mahusay!Pero bago ang lahat, alamin muna


natin ang tatlong sektor na bumubuo sa
ekonomiya ng Pilipinas

Makikita natin na inihalintulad ang tatlong


sektor ng ekonomiya ng Pilipinas sa hagdanan
na kung saan ang agrikultura ay ang
primaryang sektor, ang industriya ang
sekondarya, at ang paglilingkod ay ang
tersyaryang sektor. Ano nga ba ang ibig sabihin
nito? Nangangahulugan ito na ang bawat sektor ay
magkakaugnay at umaalalay para sa pag-
unlad ng ekonomiya ng ating bansa.

Tama! Narito rin ang iba pang paglalarawan sa


tatlong sektor ng ekonomiya ng bansa. Makikita
rito na inihalintulad natin ito sa katawan ng tao
na kung saan ang utak ay ang sektor ng
paglilingkod, ang mga buto ay ang sektor ng
agrikultura, samantalang ang mga kamay at
paa ay ang sektor ng industriya. Ano nga ba
nais iparating nito satin?
Maam Nangangahulugan ito na ang
ekonomiya ng isang bansa ay hindi uusad
kung kulang ng isang sektor sapagkat ang
bawat isa rito ay may mga bahaging
ginagampanan para sa paglago ng
Magaling. Ngayong alam na natin kung ekonomiya ng Pilipinas.
Page 3 of 8

nasaang bahagi na tayo, ano nga ba ang


kahulugan ng sektor ng paglilingkod?

Ito ay ang sektor na nagbibigay ng


serbisyo sa halip bumuo ng produkto.
Tama. Anu-ano ang mga halimbawa ng serbisyo
sa ilalim ng sektor ng paglilingkod?

Ang Serbisyo ay maaaring atensyon,


payo, access, karanasan, o kasanayan. Ito rin
ay maaaring proseso ng pagbibigay ng
Tama. Paano kaya nakakaapekto o serbisyo ng prodyuser sa kanyang
nakatutulong ang sektor ng paglilingkod sa konsyumer.
ekonomiya ng ating bansa?
Nakatutulong ito sa ekonomiya ng
Pilipinas dahil ang pinagtutuunan ng pansin
sa sektor ng paglilingkod ay ang taoang
kanyang interaksyon sa kapwa tao at
pagseserbisyo, HINDI ang pisikal na produkto
Tama. Ano pa klas? na gaya ng nasa sektor ng Agrikultura at
Industriya.

Sila ang nagseserbisyo upang maihatid


sa mga konsyumer ang mga produktong
gawa sa sektor ng agrikultura at industriya.
Magaling. Ano sa tingin niyo ang kahalagahan Sila rin ang nakikipag-ugnayan sa mga tao
ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya ng upang maihatid ang mga serbisyo.
ating bansa?
Sila ang nagbibigay ng serbisyo sa
transportasyon, komunikasyon, media,
Tama. Ano pa? pangangalakal, pananalapi, serbisyo mula sa
pamahalaan, at turismo.

Sila ang umaalalay sa buong yugto ng


produksiyon (distribusyon, kalakalan, at
Tama. Sa madaling salita, sila ang pagkonsumo ng produkto sa loob at labas ng
nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, bansa.
kaalaman, at serbisyo para sa kaunlarang
pang-ekonomiya.

Ang tanong, anu- ano ba ang bumubuo sa


sektor ng paglilingkod? Alamin natin iyan sa
susunod nating gawain.

Ano ba ang gusto mong trabaho sa


hinaharap? Doktor.
Pulis.
Teacher.
Ngayon, tunghayan natin ang listahan ng mga
subsector na bumubuo sa sektor ng Ang mga subsector ay ang mga
Page 4 of 8

paglilingkod. Anu-ano nga ba ito? sumusunod:

Entertainment
Government
Tourism
Mass Media
Healthcare/ Hospitals/ Public Health
Information Technology
Financial Services
o Banking
o Insurance
o Investment Management
Professional Services
o Accounting
o Legal Services
o Management Consulting
Retail Sales
Franchising
Real State
EDUCATION

Sa Public Health o Healthcare.


Saang subsektor sa tingin ninyo nakalinya ang
mga doctor?
Sa Government dahil sila ay mga alagad ng
batas at nagpapanatili ng kapayapaan sa
Tama. Ang mga pulis naman?
ating pamayanan.

Sa Education maam
Tama. Ang mga teacher naman?

Magaling! Tandaan ninyo na ang mga


Ang pinagkaiba nila, ang pampribadong
subsector sa sektor ng paglilingkod ay may
sektor ay kadalasang pag-aari ng mga
dalawang uriAng mga pampribado at
pribadong tao, grupo, at mga negosyante,
pampubliko. Ano bang pinagkaiba ng dalawa?
samantalang ang pampublikong sector
naman ay kadalasang pag-aari ng
pamahalaan para magbigay ng serbisyo sa
kanilang nasasakupan.
Magaling! Tignan naman natin ngayon ang
pormal na industriyang bubumbuo sa sektor ng
paglilingkod. Mayroon ba kayong ideya kung
Transportasyon, komunikasyon at
anu-ano ang mga ito klas?
mga imbakan.
Kalakalan
Pananalapi
Paupahang bahay at real state
Page 5 of 8

Paglilingkod ng Pampribado
Paglilingkod ng Pambubliko

Mahusay!. Ngayon suriin natin ang 2016


Annual Labor and Employment Status Ano ang
napansin niyo Klas?

Napakataas ng employment sa sektor ng


paglilingkod kumpara sa sektor ng agrikultura
at industriya maam

Tama! Taong 2016, nakapag-employ ng 22.6


million ang sektor ng paglilingkod, higit na
malaki kaysa sa pinagsamang bilang ng
employment sa sektor ng agrikultura at
industriya. Ano ang implikasyon nito saating maam Nakatutulong ng malaki sa paglago ng
ekonomiya? ekonomiya ng Pilipinas ang sektor ng
paglilingkod.

Tama. Ito ang dahilan kung kayat hinirang ang


Pilipinas bilang Number one remittance-
dependent economy of largest recipient sa
buong mundo. Ano sa inyong palagay ang
pinakamaraming bilang ng nagbibigay ng
serbisyo sa sekto ng paglilingkod? Nangununa ang Overseas Filipino Workers sa
employment maam
Tama! Ngayon ay dumako na tayo sa mga
mga ahensiyang tumutulong sa sektor ng
paglilingkod. Tukuyin ang mga logo kung
anong ahensiya ng pamahalaan sila kabilang.
Page 6 of 8

Department of Labor (Dole)


Overseas Workers Welfare
Administration(OWWA)
Philippine Overseas Employment
Administration(POEA)
Professional Regulation Commision(PRC)
Commission on Higher Education(CHED)

Magaling. Ang lahat ng sector naito ay


nagkakaloob ng serbisyong
pampamayanan,panlupunan at personal.

D. Paglalahat

Anuman ang uri ng pagliligkod mayroon


ang isang bansa dapat lamang na pag-
ukulan ng pansin ang lahat ng kanilang
kapakinabangan.

E. Pagpapahalaga

Gaano kahalaga ang sektor ng paglilingkod


sa ating bansa at paano ito makatutulong
upang matugunan ang pangangailangan ng
mamayan?
Page 7 of 8

IV. PAGTATAYA
Panuto: TAMA O MALI. Ilagay ang salitang tama kung ang pangungusap ay tama. Ilagay
naman ang salitang mali kung ito ay mali at tukuyin ang salita o mga salitang nagpamali sa
pangungusap.
1. Ang sektor ng paglilingkod ay tumutukoy sa pagtatanim, paghahayupan, at pangisdaan.
2. Ang sektor ng paglilingkod ay nagbibigay ng serbisyo bilang produkto sa lipunan.
3. Ang sektor ng Industriya at Agrikultura ang pinakamataas pagdating sa employment.
4. Ang pampublikong sektor ng paglilingkod ay kadalasang binibigay ng mga negosyante
para sa anyang nasasakupan.
5. Ang sektor ng paglilingkod ay nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, at kaalaman

6. Ang commission on Higher education ay isang Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa


kapakanan ng mga Mga Pilipinong nag tatarabaho sa ibang bansa.
7. Ang Professional Regulation Commision Nangangasiwa at sumusubaybay sa gwaing ng mga
mangagawang propesyonal upang matiyak
ang kahusayan sa paghatid ng mga serbisyong prepesyunal sa bansa.
8. Aang Pananalapi ay kabilang ang paglilingkod na binibigay nga ibat-ibang institusyon
pampinansiyal tulad ng bangko.
9. Nangunang Employment Service Type ayon sa NSCB at dahilan ng pagkahirang sa Pilipinas
bilang Number one remittance-dependent economy at largest recipient sa buong
mundo.
10. Sa gawaing kaugnayan ay my kaugnayan sa pagpapalitan ng ibat-ibang produkto at
paglilingkod.

Takdang Aralin.

Basahin ang mga batas sa nangangalaga sa mga karapatan ng manggagawa at sagutin ang mga
sumusunod:
1. Anu-ano ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng Manggagawa?
2. Bakit kailangan siguruhin ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa labas at loob ng
bansa?
Sangguniang: Ekonomiks: Modyul para sa mag-aaral
Pahina:419-423
Page 8 of 8

Вам также может понравиться