Вы находитесь на странице: 1из 12

MODULE 1

1. Ano ang ibig sabihin ng Panitikan?


Sagot:
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao.
At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-
titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at
hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay
galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng ibat
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.

2. Ipaliwanag ang mga elemento ng Panitikan.


Sagot:

Ang mga elemento ng panitikan:

1. Panlabas na realidad.- Isang elemento ng panitikan kung


saan hinahango o ginagawang batayan ng mga manunulat
ang bawat akda.
2. 2. kinabibilangang niyang sistema.- Isang element ng
panitikan kung saan ang may akda ay binabatay ang
isang akada sa mga suliranin ng lipunan o kinabibilangang
panahon.
3. Pangkalahatang pananaw ng komunidad- Isang elemento
ng panitikan kung saan ibinabatay ng may-akda o
manunulat ang akda kung ano ang nagiging opinion ng
kumunidad.
4. 4. sistema ng sining-Isang elemento ng panitikan kung
papaano maipapahayag ng my akda ang kanyag opinion
o pananaw upang makabuo ng isang akda.
5. Wikang kanyang ginagamit-Isang elemento ng panitikan
kung saan ang wika ay napakahalaga dahil dapat isaalang-
alang ng my akda kung ano ang wikang gagamitin upang
maipahayag ng mabuti ang kanyang opinion o
imahinasyon sa pamamagitan ng pagsulat o paggawa ng
isang akda.
6. Papel na tagapakinig at tagabasa- isang element ng
panitikan sa pagkat hindi mabubuo ang isang akda kung
walang tagapakinig at tagabasa, dahil sila ang nagsisilbing
pinaka katawan ng panitikan.

3. Paano ang paraan ng paglalahad sa panitikan?


Sagot:

1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa ng


isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.

2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan Halimbawa nito ang


pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglaro ng isang uri ng
laro.

3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o


palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol sa
napapanahong isyu.

4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro,


pananaw, paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa
kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya sa
katotohanan.

5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa


loob at labas ng bansa.

6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin.


Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw
hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring nagaganap
sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong
kolum.

7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o


tandaan.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha,
natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o
naranasan sa kahalagahan.

4. Ibigay at Ipaliwanag ang mga sumusunod:


Istruktura ng Panitikan
Sagot:
Istruktura ng panitikan, dito ay tinatalakay ang
bumubuo at ibat ibang bahagi ng panitikan, kabilang dito
ang wika, ideya, gramatikal na istruktura,genre na
kinabibilangan,at mga teoryang ginamit upang maging
mabisa ang pag papahayag ng isang manunulat o may
akda.

Uri ng Panitikan at magbigay ng tatlong (3) halimbawa


Sagot:
Uri ng Panitikan:
1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng
kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.
Halimbawa
Mga akdang tuluyan
* Anekdota
* Nobela
* Maikling kwento

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y


isinusulat ng pasaknong.
Halimbawa:
Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang
mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa
buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng
tauhan.
+ Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
Tungkulin ng Panitikan.
Sagot:
1. makapagpaliwanag ng kahulugan ng kultura at
sibilisasyon ng pinanggalingan at panitikan
2. paglalapit ng panitikan ang mga damdamin at
kaisipan ng mga tao upang magkaunawaan.
Kalikasan ng Panitikan
Sagot:
Ito ay isang kakaiba at laganap na opinyon na
panitikan, tulad ng lahat ng sining, ay isang kusang-dula ng
imahinasyon, kawili-wili sapat, tulad ng isang bagong
nobela, ngunit walang anumang malubhang o praktikal na
kahalagahan. Walang maaaring maging malayo mula sa
katotohanan. Pinapanatili ang mithiin ng isang tao; at
mithiin - ibig, pananampalataya, pagkakaibigan, kalayaan,
pagpipitagan - ay bahagi ng buhay ng tao pinaka karapat-
dapat sa pangangalaga.

MODULE 2

1. Ipaliwanag ang mga sumusunod:


Teoryang Imahismo
Sagot:

Ang teoryang pampanitikan na nagpapatalas sa


pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda
ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga


imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na
layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.

Teoryang Klasisismo
Sagot:

Ang Teoryangng pampanitikan na maglahad ng mga


pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Romantesismo
Sagot:

Ang Teoryang pampanitikan na nais ipamalas ang


ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin
ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Teoryang Humanismo
Sagot:

Ang Teoryang pampanitikan na ipakita na ang tao


ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan
at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento
atbp.

Teoryang Eksistenyalismo

Sagot:

Ang Teoryang pampanitikan na nagpapakita na may


kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).

Teoryang Formalismo
Sagot:

Ang Teoryang pampanitikan na nais iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot
sa mambabasa walang labis at walang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusurit
pang-unawa.
Teoryang Naturalismo
Sagot:
Ang Teoryang pampanitikan na nagbibigay-tuon sa pag-
aaral ng kalikasan ng tao bilang isang bagay na mapag-aaralan
nang positibo at hindi hinahaluan ng damdamin at pangangaral.
Sa ganitong paraan, tinitingnan ng tao bilang isang nilikhang
kumikilos at nag-iisip ayon sa batas ng kanyang kalikasan.
Samakatwid, ang tao ay ganito at ganoon dahil sa iyon ang
kanyang kalikasan bilang tao.

Teoryang Dekonstruksyon
Sagot:

Ang Teoryang pampanitikan naniniwala na ang ano mang


teksto ay walang iisa at nakapangyayaring kahulugan na siyang
nagbibigay, ayon sa mga pormalista (formalist writers), ng
kasisahan dito. Walang kaiahan ang ano mang teksto lahat ay
nagtataglay ng mga kontradiksyong ito dahil sa ideolohiya.

2. Base sa bilang isa (1) magbigay ng tig dalawang (2) halimbawa


at ipaliwanag sa sariling opinyon o ideya.

Sagot:

Teoryang Imahismo
Sagot:
Halimbawa ng kwento ay ang akdang Panambitan ni Myrna
Prad kung saan kanyang pinapahayag ang kanyang saloobin tungkol sa antas
ng tao sa lipunan na sadyang may mga taong na bibili ng salapi ang kanilang
dignidad at my mga taon nasadlak na sa Kahirapan ay pinipilit pag itulak
paibaba.
Isa pang halimbawa ay ang akdang, Ang Guryon ni Idelfonso Santos
Sapagkat hinahalitulad ng ang guryon sa mga pangarap ng bata na nais niyang
abutin. Lahat ng magulang ninanais na magtagumpay ang kanilang mga anak sa
pag tupad ng kanilang mga pangarap.

Teoryang Klasisismo
Sagot:
Halimbawa ng akda naginamitan ng teoryang ito ay ang
nobelang florante at laura kung saan ang mga karakter ay
nkakaangat sa buhay at pinapahalagahan ang bawat kilos,
pananalita at moralida.

Isa pang halimbawa nito ay ang kwentong ang riles sa


tiyan ni tatay Ito ang isang kwento ng batang lumaki sa isang
bayan, masaya sila ng kanilang pamilya, ang kanyang tatay ay
isang construction worker na siyang gumagawa ng mga tulay,
overpass, at fly-over. Siya rin ang gumagawa ang mga gusali at
daanan sa may kabundukan. Ang bata ay ipinagmamalaki ang
trabaho ng kanyang ama, kahit na ang mga ama ng kanyang
kaklase, ay nagtatayugan ang mga karangalan mula sa
trabahong kanilang kinalalagyan. Ikwenento ito ng bata sa
kanyang amat ina, Ngunit nung nakita niya ang tila malaking
balat na hugis riles ng tren sa may tiyan ng kanyang ama, ay
nahiwagaan siya rito, napakaraming ideya ang agad pumasok sa
kanyang isipan. Ngunit pagdating ng isang araw, hindi siya
nakatiis, tinanong niya kung bakit may malaking balat ang
kanyang ama sa tyan nito. Doon niya nalaman na ang kanyang
ama ay isa sa mga donor ng bato sa mga mayayaman na tao,
upang madugtungan ang buhay ng bata, dahil sa mga oras na
iyon, ay may sakit din ang bata. Mula noon, hinangaan niya ang
kanyang ama dahil sa ginawang iyon ng kanyang ama.

Isa sa mga ginamit na teorya ditto ay teoryang klasisismo


sapagkat ito ay nag lalahad ng payak na pangyayari.

Teoryang Romantesismo
Sagot:
Halimbawa ng akda ng teoryang ito ay ang kwentong Ang
bubungang latani ni Agapito M. Joaquin sapagkat,ang kwentong
ito ay nag pakita ng pananalig na ang higit na pinahahalagahan
ay ang damdamin kaysa sa pag-iisip.

Isa pang halimbawa nito ay ang nobela ni shake spear na


Romeo at Juliet kung saan nag hahayag ng damdamin ng pagibig
sa pagitan ni romeo at Juliet.
Teoryang Humanismo
Sagot:
Isang halimbawa ng akdang my teoryang humanism ay
ang kwentong "Paalam sa aking pagkabata" ni Zantiago Pepito,
sapagkat ang mga tauhan sa kwento ang nagging sentro upang
ipahayag ng may akda na ang isang bata ay may kakayan ng
intindihan ang mga ngyayari sa kanyang paligid Lalo na sa
kanyang magulang.
Isa pang halimbawa nito ay ang kwentong Titser ni
Liwaway Arceo, kung saan sumesentro sa buhay ng magasawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo.
Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling
Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat
ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may
"titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong
maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na
sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-
asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa
pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit
nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang
dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa
pampublikong paaralan.

Teoryang Eksistenyalismo
Halimbawa ng akdang pampanitikan ay ang dulang
Maskara ni Pablo Cuasay
Sapagkat binibigyang halaga nito ang kapangyarihan ng
kapasyan ng tao laban sa katwiran.

Teoryang Formalismo
Sagot:
Halimbawa ng teoyoryang formalism ay akdang. Ang
Kalupi ni Benjamin P. Pascual dahil Binibigyang-diin ang
nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng
akda.

Teoryang Naturalismo
Ang halimbawa ng akdang pampanitikan na nag tataglay ng
teoryang naturalism ay ang Pinaglahuan ni Faustino Aguilar at
Tigre, Tigre Ni Mauro Avena. Sapagkat itinuturing na mabangis na
gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas
detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari
sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-
eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang
pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait
at masama.

Teoryang Dekonstruksyon
Sagot:

Halimbawa ng teoryang ito ay ang akdang Kay Estella


Zeehandelaar salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo ,Ito ay isang
sanaysay mula sa Indonesia na naglalahad at nagtatalakay sa
isang babaeng nagnais na kumawala sa nakasanayang tradisyon
ng kanilang lahi at mamuhay ng naayos sa depinisyon niya ng
modernong babae-malaya at marunong humarap.Isa ito sa mga
paraan upang pag-aralan ang ilan sa panitikan ng Indonesia na
nagkaroon din ng malaking ambag sa sarili nating panitikan. Ito
ay isinalin ni Ruth Elynia S. Mabanglo mula sa Mga Liham ng
Isang Prinsesang Javanese Japara, noong Mayo 25, 1899. Nag
lalahad ito kung papaano nabuao ang pag katao ng isang babae.

3. Magsaliksik ayon sa mga paksa sa ibaba at magbigay ng


tig dalawang (2) halimbawa.

Batay sa mga Arketayp


Sagot:
Ang teoryang arketipo o symbolic ay tinatawag ding mitolohikal o
ritwalistiko.

Hal.

Halimbawa ng arketipong tauhan ay ang bayani sa mga


epiko, na matipunong lalaki at may pambihirang kapangyarihan
na kayang iligtas ang sambayanan sa kapahamakan. At bilang
gantimpala sa kanyang katapangan, mapapangasawa niya ang
pinakamagandang dilag sa kanilang lugar.

Pananaw Arketipal Ang arketipal o mitolohikal na pagdulog


ay nahahawig sa pananaw Sikolohikal, na nakatuon ang atensyon
sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa. Ngunit
higit na malawak ang sinasaklaw ng pananaw Arketipal, dahil
ang buong kalipunan ng mga sagisag o simbolo at imahen na
lumilitaw sa teksto ng pandaigdigang kultura ang masusing
pinagtutuunan nito ng pansin. Sa pananaw Arkitipal,
matatagpuan sa akda ang mga huwaran o pardon at kaayusan
ng buhay na makikita rin sa halos lahat ng uri ng tao sa daigdig.

Isa pang halimbawa ang Ang Aking Krismas Tri ni Carl Gustav
Jung

Batay sa Bayograpikal na pananaw

Sagot:

Batay sa teoryang bayograpikal nais ipamalas o ilahad ang


buahay ng may akda upang maging katuwang o batayan ng
mababasa sa kanyang sarilng karanasan.

Hal. Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas

Noli Me Tangere ni Jose Rizal,

Batay sa Sosyolohikal na Pananaw

Sagot:

Batay sa toryang sosyolohikal, nais ipakita ng may akda


ang kalagayang panlipunan na kinabibilangan, upang maging
daan ng may akda upang masugpo ang suliranin ng lipunan at
maging batayan sa mga mambabasa.

Hal. Ang akdang Emping Negro ni Rogelio Sikat

Ang akdang Walang pag ibig ni Roman G. Reyes

Batay sa Pagke-Feminismo

Sagot:

Batay sa teoryang feminismo ang pananaw ng akda


tungkol sa kakayahan ng isang babae sa lahat ng bagay at
ipinapakita na hindi lng lalaki ang merong malaking posisyon sa
lipunan.

Hal. Si Tanya ang Uwak na gustong pumuti.


"Sa Ngalan ng Ina, ng Anak, ng Diwata't Paraluman" ni Lilia
Quindoza

Batay sa Saykolohikal na Basa

Sagot:

Batay sa teoryang saykolohikal kung saan ang may akda


ay nais pahayag ang kanyang emosyon kaugnay sa isang
karanasan, dahil dito ang mambabasa ay nag kakaroon ng batay
sakaling ito any kanilang maranasan. At maaring maihalintulad
rin nila sa kanilang narararmdaman o ng yayari sa kanila.

Hal. Nobelang Laro sa Baga ni Edgardo M. Reyes

Tata Selo ni Rogelio Sikat

Batay sa Pagdedekonstrak

Sagot:

Batay sa teoryang dekonstruksyon na nag na ang kada ay


nagnanais na ipakita ang amg aspeto na bumubuo sa buong
pagkatao ng isang tao, ang teoryang pampanitikan na nag ilahad
ang pilosopiya ng tao mula sa kamalayan ng manunulat.

Sapamamagitan ng mga paniniwala ng may akda nag


kakaroon ng batayan ang mga mambabasa.

Hal. Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Mga paskin galing sa El Filibusterismo

Batay sa Pagka-markismo

Sagot:

Mula sa teoryang markismo kung saan ang ay may akda ay


nagpapakita na ang tao ay kayang lagpasan lahat ng problema o
pagdurusa mula sa Kahirapan, suliraning pampulitika at pang
ekonomiya, dahil ditto nagkakaroon ng batayan ang mga
mambabasa upang magkaroon ng pag-aasa mula sa pananaw ng
isang manunulat.

hal. Walang Pangioon - Deogracias A. Rosario

Kalatas ni Anna Maria M. Gonzales Biglang-Awa

Вам также может понравиться