Вы находитесь на странице: 1из 4

KABATAAN SA MUNDO NG SOCIAL MEDIA

Habang ang populasyo ng social media sites sa ating lugar ay


dumadami, masasabi natin na ang teknolohiya ay napakahalaga at
nag-aambag ng malaki sa pag-aral ng mga kabataan. Dito sa atin,
mapapansing malaki ang bahagdan ng mga estudyante na
nanggugugol ng mas madaming oras sa pagfaface-book o di kaya ay
pagyouyoutube at paglalaro ng online games kaysa sa pag-aaral ng kanilang
mga takda.

Kapansinpansin din na hindi lamang sa pag-aaral o edukasyon ng mga


kabataan nakaiimpluwensiya ang social media.ito din ay naghihikayat sa
mga negatibong ugali ng mga mag-aaral at nagpapataas sa mga kaso ng
diskriminasyon.

Ang matinding pagkaadik ng mga kabataan sa internet ay nakakabahala,


lalaong lalo na sa mga magulang at itinuturing na isa sa pinakamalaking
suliranin ng paaralan.

Sa kabilang banda, ang paggamit ng social media o internet nang


responsable at obligado ay napakabenipisyal. Sa pamamagitan ng mga ideya
at bagong kaalaman na nakukuha sa internet, natutulungan nito ang mga
kabataan na paunlarin ang kanilang mga talento at kaisipan at nagbibigay ito
ng pagkakataon sa mga estudyante na tumuklas ng mga bagong
impormasyon at mapanatili ang mga karunungan. May kakayahan din ang
sopcial medis gsys ng facebook, twitter, at instagram na paunlarin ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa komunikasyon.

Dahil sa nai aambag ng social media sa ating buhay,alam natin na ito ay


importante. Ngunit habang ito ay madalas sumisikat sa ating lugar, bawat
isa rin ay mas maging responsable sa paggamit nito.gamitin dapat ito na
may pagbalanse sa oras at sa mga tamang lugar upang magamit sa tunay
na layunin ng pag-embento at upang maiwasan ang pang-aabuso rito.

MAY PROBLEMA KA BA? GANOON DIN


AKO!
Problema daw ang dahilan. Hindi maikukubli ang kinakaharap ng
paaralan dahil sa pasaway na mag-aaral na problema rin lang daw
ang kanilang dahilan.
Beterano sa pagtatagay ng alak, sikat sa paghithit ng sigarilyo at nakasanay
nang lumiban sa klase, ngumuya ng tabako at momma; nakuha pang
sumumbat nang pabalang sa guro.

Syempre may ibat ibang dahilan kung bakit nila ito ginagawa.

Karamihan, problema ang babanggiting rason. Sadyang napakalawak na


paksa; pangkalahatan ang tinatamaan.

Sino ba ang hindi nakakaalam kung ano ang problema? Alam ng bawat isa
iyan sapagkat lahat tayo ay nakararanas ng problema. Ngayon alam mo na
siguro kung ano ang problema, alam mo na siguro na hindi lang ikaw ang
nagkakaproblema.

Sa eskwelahan, mababatid mong kinikimkim ng mga mag-aaral ang kanilang


problema. Ibinabaling sa paggawa ng kalokohan ang paglutas nito.di matigil
sa pagatayo, pangongopya at pag-iingay, na kung tatanungin ng mga guro
ay parang siga, akala mo kung sino na magalit sa mundo. Hindi rin kasi nila
naipaparating ang mga saloobin saq magandang pamamaraan.

Kung iniisip nilang sila lang ang may problema, abay ako rin meron, siya,
sila, lahat may pagsubok na pinagdadaanan.

At kung ipagpilitang wala ring nakakaintindi sa kanilang problema, mas


lalong diyan sila nagkakamali.

Unang-una meron ang pamilya. Isang masigasig na parte ng lipunan na


nangangalag sa interes ng bawat kasapi. Bastat binubuo ito ng
pagmamahalan at pagkakaisa.

Pangalawa nandiyan ang simbahan, isang institusyon sa ating lipunan na


naka angkla ang layon sa Panginoon. Dito mraramdaman ang tunay na
pagbabago.

Ang pagkakaroon ng kaibigan at barkada, sa panahon ngayon, barkada ang


sandigan ng mga kabataan. Nakabubuti ang pagkakaroon ng kaibigan o
barkada dahil nahuhubog ang pagkatao sa samahng loob. Ngunit mag-iiba
ang usapan kung ang kaibigan o ang barkadang kinakasama mo ay may
masamang impluwensiya. Maraming paraan ang pwedeng gawin; sa mga
paraan ikaw lang ang makapipili kung ano ang nararapat sayo at nang
mabawasan yang bigat ng dibdib mo.

Huwag mong sabihing sinubukan mo na. Ilang bese ba? Isa? Dalawa? Tatlo?
O mapa-apat man yan, hindi iyan rason upang ikay sumuko.
Maging mapanuri sa mga problemang iyong kinakaharap, maliit man yan o
malaki sapagkat kung may problema ka, ganoon rin lang kami.

LIHAM SA PATNUGOT
Mahal na Patnugot

Napapansin kong marami akong kaklase na gumagamit ng cellphone tuwing


klase, pagsusulit at kahit pa may exam. Sinasabihan man kaming ilagay ang
mga gamit sa harapan ay marami paring nakapuslit na gamitin ito.

Ano po bang maaaring sulosyon upang maiwasan ang ganitong pandaraya?

Sumasainyo,

Mae

Mae,

Ang mga cellophone o electronic gadget ay ipinagbabawal gamitin sa klase


lalo na kapag may exam, puwera nalang kung pinayagan kayo ng inyong
mga guro.

Paiigtingin natin ang kampanya na istriktuhan pa ang paggamit ng cellphone


sa pamamagitan ng pagkuha mismo mula sa mga estudyante at ilalagay sa
harap; kukumpiskahin ang cellphone ng sinumang maaktuhang gumagamit
sa loob ng klase.

Inaasahan naming ang pakikiisa at kooperasyon upang masugpo ang mga


suliraning ito.

Nagpapasalamat,

Patnugot

PAMATNUGUTAN 2016-2017

Bacarisa, May

Bayanes, Norilyn

Apalguid, Leonell

Catti, Brixton

Вам также может понравиться