Вы находитесь на странице: 1из 7

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN

I. Introduksyon

Ang pagaaral ng medisina ay hindi biro. Ito ay nangangailangan ng mahabang


pasensya, karagdagang tiwala sa sarili, at lubusang pagmamahal sa larangan ng
medisina. Sa dami ng mga aralin at leksyon na kailangang intindihin at isaulo ay halos
ito na ang nagiging pokus ng mga estudyante ng medisina simula umaga hanggang
gabi at minsan ay napapabayaan na nila ang kanilang sarili. Sa kadahilanang ito, hindi
maiwasang mastress ang mga estudyante.

Hindi nakakatulong ang stress sa kahit sino pa man mapa-estudyante o


manggagawa. Minsan, pag nasosobrahan ng stress ay nawawala na ng pokus at
nawawalan na sila ng ganang gumawa ng dapat nilang gawin. Kaya may kanya
kanyang paraan ang mga estudyante upang mapawi o mabawasan ang kanilang
nararamdaman na stress. Isa sa mga paraan nila ay ang paginom ng alak o alcohol.

Ang alak ay isang inuming nagtataglay ng alkohol. Mababa ang nutritional value
ng alak ngunit may mga alak na sinasabing mabuti para sa puso kagaya ng red wine.
Ang labis na paginom ng alak ay hindi nakabubuti para sa kalusugan ngunit hindi rin
masamang uminom nito paminsan minsan, lalo na sa panahong ito na ang paginom ng
alak o alcohol ay karaniwan nang ginagawa sa mga kasiyahan at parte na ito nga mga
selebrasyon o okasyon.

Ano nga ba ang mga benepisyo o mga rason ng mga estudyante kung bakit
paginom ng alak ang pinipili nilang paraan upang matanggal ang stress na dinulot ng
puspusang pagaaral? ilang porsyento nga ba ng mga estudyante ang pumipiling
uminom para mapawi ang kanilang stress?
II. Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang kabisaan ng pag-gamit ng

alkohol bilang stress reliever sa mga mag-aaral ng kursong Medisina ng FEU

NRMF. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magbigay kaalaman ukol sa bisa

ng alkohol bilang stress reliever at masagot ang mga sumusunod nakatanungan:

1. Propayl ng mga respondente

1.1 Pangalan

1.2 Kasarian

1.3 Edad

1.4 Gaano kadalas uminom

2. Anu-ano ang karaniwang dahilan ng stress ng mga mag-aaral ng Medisina?

2.1 Akademikong pressure

2.2 Pamilya

2.3 Di panatag ang loob

2.4 Mga masaklap na karanasan

3. Anu-ano ang mga karaniwang ginagawa habang umiinom ng alak?

3.1 Naninigarilyo

3.2 Kumakanta

3.3 Kumakain

3.4 Nakikipag kwentuhan


3.5 Nagse-selpon

4. Anu-ano ang mga nararamdaman kapag umiinom ng alak?

4.1 Nakakaramdam ng pagkahilo

4.2 Nag-iinit ang katawan

4.3 Malakas ang loob (masigla)

4.4 Madaldal o masalita

4.5 Nagugutom

4.6 Iritable

5. Anu-ano ang mga karaniwang pakiramdam ng mga mag-aaral ng Medisina

pagkatapos gamitin ang alak bilang stress reliever?

5.1 Magaanang pakiramdam

5.2 Mababang lebel ng stress

5.3 Pansamantalang kasiyahan

5.4 Maayos na perpormans sa pag-aaral


III. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

1. Mag-aaral

-malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mag-aaral na labis na

naghahanap ng paraan upang maibsan ang kanilang mga stress.

2. Magulang

-makatutulong ang pag-aaral na ito upang mabuksan at mapalawak ang pag-

iisip at pag unawa ng mga magulang sa mga maaaring pinagdadaanan ng

kanilang anak at kung bakit pinipiling uminom ng alcohol ng mga ito.

3. Guro

-makatutulong din ang pag-aaral na ito upang mas maunawaan ng mga guro

ang nararamdamang hirap at stress ng kanilang mga mag-aaral.

4. Sa mga susunod na Mananaliksik

-makatutulong ang mga datos ng pananaliksik na ito sa mga susunod na

mananaliksik na nais din mag pokus sa kabisaan ng alcohol bilang stress

reliever ng mga mag-aaral.


IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag aaral ng Medisina na umiinom ng alcohol

sa FEU NRMF sa taong kasalukuyang (2016-2017). Ang kurso ng medisina ay

angkop sa pag-aaral na ito sa kadahilanang mataas ang antas ng stress na naidudulot

sa mga mag-aaral na kumukuha nito. Ang pag-aaral na ito ay tatagal ng ilang buwan

upang mapalawak ang mga datos na malilikom sa mga respondent. Ang pag aaral na

ito ay nag popokus sa mga mag-aaral ng medisina na umiinom ng alcohol upang

maibsan ang kanilang nararamdamang stress.

Hindi sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa ibang kurso sa unibersidad

ng FEU-NRMF dahil sa kakulangan ng oras.


V. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang medaling maintindihan ng mga mambabasa, nirapat ng mga mananaliksik

na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano

ginamit ang bawat isa sa pagaaral na ito.

1. FEU NRMF

-Far Eastern University Nicanor Reyes Medical Foundation

-unibersidad kung saan isinagawa ang pananaliksik

2. Kurso ng Medisina

-isang propesyonal post graduate medical degree na kinukuha ng mga mag-

aaral na nag lalayong maging doctor.

3. Alkohol/Alak

-isang uri ng inumin na may halong katas ng ubas o espiritu ng alcohol

-isang inumin na nakakalasing

4. Stress

-sitwasyon kung saan ang pakiramdam ng isang indibidwal ay nahihirapan,

nababahala, labis na kapaguran at tila nawawalan ng pag-asa.

5. Stress Reliever

-mga aktibiti na ginagawa upang mabawasan ang nararamdamang stress.

Вам также может понравиться