Вы находитесь на странице: 1из 2

BASIC RIGHTS

Mga karapatan na hindi nawawala sa kahit ano mang sitwasyon:

- Ang karapatan mabuhay


- Ang karapatan na hindi mapahirapan o mapasailalim sa malupit, di-makatao,
o nagpapababang turing o parusa
- Ang karapatan hindi mapasailalim sa sapilitang pagtatrabaho
- Ang karapatan na hindi makulong sa paghindi pagbayad ng utang
- Ang karapatan na hindi maparusahan para sa isang akto na hindi pa
tinuturing krimen sa oras na nangyari ito
- Ang karapatan na turingin at tratuhin bilang isang tao
- Ang karapatan sa malayang pag-iisip, konsensya, at relihiyon

Ang mga karapatang ito ay hindi malilimitahan at walang sitwasyon o kondisyon


ang makakapagsuspindi sa mga ito.

SEARCH OPERATION

Kailan ka pwedeng siyasatin ng pulisya?

Kapag mayroon silang search warrant. Ito ay isang kasulatan na ginagawa ng


isang hukom na nagbibigay kapangyarihan sa pulisya na siyasatin at kunin ang mga
bagay na nakasaad dito at dalhin ito sa korte.

Ano ang mga karapatan at prohibisyon sa pulisya habang ginagawa ang


pagsisiyasat?

- Kapag naipakita na ang search warrant na nagbibigay awtoridad sa pulisya


tapos ay hindi sya pinayagan pumasok sa bahay o establisyemento siya ay
may karapatan na sirain ang kahit ano mang pintuan o bintana para sya ay
makapasok ditto.
- Kahit anong parte ng bahay o establisyemento ay hindi pwedeng siyasatin
kapag wala sa presesnya ng nakatira dito o kahit sinong kamag-anak nila o
kung wala sa prsensya ng dalawang saksi na may sapat na edad at
pagkaunawa na nakatira sa lugar.
- Mga bagay na hindi tinutukoy at nakasaad sa search warrant ay hindi
pwedeng kunin.
- Ang bisa ng isang search warrant ay sampung araw lamang mula sa
pagisyu nito. Paglagpas ng sampung araw ay wala na itong bisa.
- Pagkatapos kunin ang mga bagay na nakasaad sa search warrant ay dapat
magbigay ng detalyadong resibo sa lehitimong nakatira sa bahay o
establisyemento na sa kaniyang presensya ginawa ang pagsisisyasat at
pagkuha ng gamit o kapag wala sa dalawang saksi na may sapat na edad at
pagkaunawa na nakatira sa lugar at doon na sa bahay o establisyemento
magiiwan ng resibo ng kung ano mang kinuha na mga bagay kapag wala ang
mismong may-ari
Kailan ka lang pwedeng siyasatin ng walang search warrant?

Pwede ka lamang siyasatin ng walang search warrant kapag:

- Kapag nagkataon na ikaw ay pwedeng arestuhin


- Kapag sa tanaw ng pulisya ay may mga ipinagbabawal na mga bagay siyang
nakikita
- Kapag ikaw ay pumayag na siyasatin ka ng pulisya
- Kapag ikaw ay nagpapahiwatag ng kahinahinalang mga kilos na nagbibigay
suspetsa sa pulisya na ikaw ay may ginagawang krimen.

Вам также может понравиться