Вы находитесь на странице: 1из 4

Kolonyalismo at Imperylismo sa Kanlurang Asya

Ang pag-unlad ng mga bansa sa Europa ay nagkaroon ng matinding epekto sa Asya.


Dahil maunlad na ang kabuhayan, kalakalan, at kaalaman sa Europa, naghanap naman
ito ng mga bagong lupain na magiging bahagi ng kaniyang teritoryo. Katunayan,
nagkaroon ng tagisan sa pagtuklas at pagkakaroon ng maraming kolonya sa pagitan ng
makapangyarihang mga bansa tulad ng Portugal, Inglatera, Espanya, at Netherlands.
Ito ang nagbunsod sa pagsisimula ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya.

Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain para matugunan


ang mga pangangailangang pangkabuhayan at panrelihiyon ng bansang
nananakop.
Ang imperyalismo ay tumutukoy naman sa patakaran o paraan ng mga
makapangyarihang bansa sa pananakop ng maliliit at mahihinang bansa para
mapalawak ang kanilang teritoryo at tuluyang makontrol ang ekonomiya at
pamahalaan nito.

Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo


pagnanais ng Portugal at Espanya na makilahok sa kalakalan sa Asya na
monopolyo na ng Italya

pagtuklas sa mga bagong lupain para sa pagpapaunlad ng kaalamang pang-


heograpiya

pagtuklas sa mga bagong imbensiyon tulad ng compass, astrolabe, mercator


projector, at sextant

lumalaking populasyon

mga pangangailangan sa mga produkto mula sa Asya

ang paglalakbay ni Marco Polo

Epekto ng mga Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya

Sa pagdating ng mga Portuges, Olandes, at Briton sa Kanlurang Asya ay marami ang


nagbago sa lipunan, kabuhayan, at pamumuhay ng mga tao sa Kanlurang Asya.
Simula noon ay tuluyan nang nagbago ang pamumuhay ng mga tao sa Kanlurang Asya.
Gayunpaman, hindi lahat ng pagbabago ay nakapagdulot ng kabutihan sa mga
kolonyang bansa. Katunayan, may mabubuti at masasamang epekto ang Kolonyalismo
at Imperyalismo sa Kanlurang Asya.
agnilayan
Sa iyong palagay, nakabuti ba o nakasama ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Kanlurang Asya?

Mahahalagang Kaalaman
Ang pag-unlad ng kabuhayan, kaalaman, at teknolohiya sa Europa ay nagbunsod sa
pagnanais ng mga Europeo na makatuklas ng mga bagong lupain.

Ilan sa mga dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ay:

o pagpapaunlad ng kaalaman sa heograpiya ng mundo

o pagnanais na makilahok sa maunlad na kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya


na noon ay monopolyo ng Italya

o pangangailangan sa mga produktong mula sa Silangan

o unahan sa pagtuklas ng mga makabagong imbensiyon

o pagpapakita ng lakas at kapangyarihan ng bansa

Ang Kolonyalismo ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain para matugunan ang mga
pangangailangang pangkabuhayan at panrelihiyon ng bansang nananakop.

Ang Imperyalismo ay tumutukoy naman sa patakaran o paraan ng mga


makapangyarihang bansa sa pananakop ng maliliit at mahihinang bansa para
mapalawak ang kanilang teritoryo at tuluyang makontrol ang ekonomiya t pamahalaan
nito.

Ang Kolonyalismo at Imperyalismo ay nagresulta ng mga pagbabago sa lipunan,


pamumuhay, at kabuhayan ng mga tao sa Kanlurang Asya.
Mayroong mabubuti at masasamang epekto ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Kanlurang Asya.

Вам также может понравиться