Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay. Hindi
mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng mga gwardiya sibil ang
kanyang mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan
niya ang mga gwardya sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na nakagaan sa
kanyang takot sapagkat hindi nito kasama ang kanyang mga anak. Nang magpang-abot
sila ng gwadiya sibil sa daan, pilit siyang pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw
ng kanyang mga anak. Bingi ang mga gwardiya sibil sa kanyang pagmamakaawa at
pangangatwiran kung kaya't kinaladkad siya ng mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si
Sisa habang kinakaladkad ng mga gwardiya sibil sa harap ng taong-bayan, lalo na ng sa
oras na iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang mga tao ay kasalukuyang lumalabas
ng simbahan. Lahat ay napapatigil sa nagaganap na eksena sa lansangan at walang
magawa si Sisa kundi panghinaan ng loob at mag-iiyak. Pagdating sa kwartel ay inihagis
siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya sa isang sulok. Bingi ang lahat sa kanyang
pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali na ng pakawalan siya ng Alperes. Umuwi si Sisa sa
kanilang bahay at muling hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o tinig ng
mga bata kahit sa bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at namataan niya ang punit na
damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng
pighati ang kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang sinasambit ang
pangalan ng kanyang mga anak.