Вы находитесь на странице: 1из 2

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

Grade 11 -

WIKA
Isang bahagi ng pakikipagtalastasan
Isang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin.
Kalipunan ito ng mga simbolo tunog at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang mga nais
sabihin
KAHALAGAHAN NG WIKA
Napapabilis at napapagaan ang mga gawain
Ginagamit sa pagkuha ng mga impormasyon, pagtatamo ng edukasyon, gayundin ang
pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan.
KATANGIAN NG WIKA
Ang WIKA ay SISTEMATIKO
Ang WIKA ay SINASALITANG TUNOG
Ang WIKA ay pinili at isinaayos sa paraang ARBITRARYO
Ang WIKA ay nakabuhol sa KULTURA
Ang WIKA ay PANTAO
Ang WIKA ay NAGBABAGO
Ang WIKA ay ginagamit sa PAKIKIPAGTALASTASAN
Ang WIKA ay MALIKHAIN
Tungkuling ginagampanan ng wika
Instrumental tumutugon sa pangangailangan
Regulatori kumokontrol o gumagabay sa asal at kilos ng iba
Informativ nagbibigay ng informasyon o datos
Interaksyunal- nakakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyong soysal
Personal sariling damdamin o opinion
Hyuristik naghahanap ng mga informasyon o datos
Imahinatibo / Imajinativ nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Antas ng WIka
1. Pormal antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakakarami
a. Pambansa ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at
pamahalaan
b. Pamanitikan o pamretotika ginagamit ng mga malikhaing mga manunulat, karaniwang
malalim, makulay at masining.
2. Impormal wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastsan.
a. Lalawiganin gamit ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto. ( hal. Taga saan ka ga ? Kabanas ga dine )
b. Kolokyal Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspanagan ng kaunti o refinado ayon
sa kung sino ang nagsasalita. Hal. ANo, Paano, kelan
c. Balbal nagkakaroon ng sariling codes. Hal erpat, gorabels

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG WIKA


Teorya ng Tore ni Babel - pinaghiwa-hiwalay ng Diyos ang mga tao sa buong daigdig.
Teorya Bow-wow ang unang wika ay nagmula sa panggagayang mga tunog na nilikha ng mga
hayop.
Teorya Dindong -mnakatulong ang buong kapaligiran upang makalikha ng wika
Teorya Pooh - Pooh pagkatuto ng wika sa pamamagitan ng pagsasaaad ng matinding
damdamin
Teoryang Yo-heho - ang wika ay nagmula sa indayog ng awitin ng mga taong nagtratrabho nang
sama-sama
Teoryang Yum-yum ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika

Mga Barayti at Rehistro ng Wika


Dalawang Dimensyon ng Baryabilidad ng wika
Dimensyong Heograpikal dayalekto ang nabubuong wika
DAYALEK - makikilala hindi lamang sa pagkakataon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo
kundi maging sap unto o tono o sa istraktura ng pangungusap.
Dimensyong Sosyal
SOSYOLEK varayting nabubuo batay sa dimensyong soysal o pagkakaiba-iba ng pangkat ng
lipunan na kinabibilangan
Katangian ng Rehistro ng Wika
A. Dayalekto ang barayting tawag ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito ang wikang
ginagamit sa isang particular na rehiyon, lalawigan o pook Malaki man o maliit.
- Tinatayang 400 and dayalektong ginagamit sa Pilipinas ayon sa Pag-aaral ni Renato
Constantino
B. Sosyolek sosyal na barayti ng wika.
- Ito naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o panlipunan.
- Halimbawa
wikang gamit ng mga estudyante, wika ng mga matatanda, wika ng kababaihan, wika ng
preso sa kulungan, wika ng mga bakal ( bekimon) at iba pang pangkat ng mga kabataan.

Jargon/ Rejister tawag sa natatanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain o


propesyon.
Mga halimbawa ng rejister
MEDISINA : abdomen tiyan
SIKOLOHIYA : capacity kakayanan
PISIKA : pressure lakas
MATEMATIKA : degree antas
EKONOMIKS: compensation sweldo
C. Idyolek paraan ng paggamit ng wika
May kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika ang bawat isa ( Bernales, et al;2009 )

Вам также может понравиться