Вы находитесь на странице: 1из 2

Name: _______________________________________________________________________________

Salungguhitan ang tamang sagot.


1. Akin ang itim na backpack. (Ito, iyan, iyon) ang dadalhin ko sa biyahe.
2. Pakiabot mo nga (itong, iyang, iyong) aklat sa tabi mo.
3. Gusto kong pitasin ang mga mangang (ito, iyan, iyon) sa puno.
4. Ang aklat ay may magandang kwento. (Ito, iyan, iyon) ay aking paborito.
5. Ang aklat na hawak mo ay galing sa silid-aklatan. (Ito, Iyan, Iyon) ay bago.
6. Ang mga kumot ay regalo ni Lola. Ang mga (ito, iyan, iyon) ay dapat ingatan.
7. Nakasampay sa labas ang tuwalya. Kunin mo na (ito, iyan, iyon) dahil umuulan.
8. Ang perang (ito, iyan, iyon) na hawak mo ay akin.

Isulat sa patlang ang sagot.


1. ___________ang hinahanap kong aklat sa mesa.

2. Kay tayog ng saranggolang __________________.

3. _________________ ang aking alagang aso.

4. Ang bag na ______________ ay kay Rubie.

5. _______________ ay kompyuter.

Bilugan ang salitang pamilang sa bawat pangungusap.


1. Magdala ka ng limang lapis.
2. Kaliwa ka sa pang-apat na kanto.
3. May 1 akong bola.
4. Mayroon akong isang daang holen.
5. Pangalawa ako sa linya sa klase.

Kinaroroonan ng pangngalan Panghalip Salin sa Inggles


malapit sa nagsasalita ito this (near me)
malapit sa kinakausap iyan that (near you)
malayo sa nag-uusap iyon that over there (far from us)

Example:
Pumipili ng damit na susuotin para sa salu-salo si Danica. Hinihingi niya ang opinyon
ng kanyang ate.
Danica (may hawak na blusa): Ate, bagay ba ang blusang ito sa palda na suot ko
ngayon?
Danica (may hawak na blusa): Ate, bagay ba ito sa palda na suot ko ngayon?
Dahil hawak ni Danica ang blusa, ang panghalip na ito ang ginamit niya bilang pamalit
sa pariralang ang blusang ito.

Ate Daisy: Oo, bagay ang blusang iyan sa palda mo.


Ate Daisy: Oo, bagay iyan sa palda mo.
Dahil malapit ang blusa sa kinakausap ni Ate Daisy (si Danica), ang panghalip na iyan
ang ginamit niya bilang pamalit sa pariralang ang blusa iyan.

Ate Daisy: Bakit hindi mo isuot ang bagong pantalon mo na itim? Mas babagay ang
bagong pantalon mo na itim sa blusa mo.
Ate Daisy: Bakit hindi mo isuot ang bagong pantalon mo na itim? Mas babagay iyon sa
blusa mo.
Dahil malayo sa kanilang dalawa ang pantalon na itim, ginamit ang iyon bilang pamalit
sa pariralang ang bagong pantalon na itim.

Вам также может понравиться