Вы находитесь на странице: 1из 10

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools


SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H
E
K
A
S LOKASYONG INSULAR AT
I BISINAL NG PILIPINAS

6 Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
GRADE VI

LOKASYONG INSULAR AT BISINAL NG PILIPINAS

ALAMIN MO

Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas

1
Ano ang malaking anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas sa dakong
silangan?
kanluran?
timog?
hilaga?

Ito ang isang paraan ng paglalarawan ng kinalalagyan ng ating bansa.


Mayroon pa ba kayang iba? Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito.

PAGBALIK-ARALAN MO

Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng bansa.

1. Bansang nasa hilaga ng Taiwan at Pilipinas.


H P N

2. Malaking bansa sa hilagang kanluran ng Pilipinas.


T S A

3. Lalawigan sa bansang Tsina na nasa hilaga ng Pilipinas.


T I N

4. Bansang nasa timog-kanluran ng Pilipinas.


M L Y S A

5. Bansang nasa kanluran ng Thailand at Pilipinas.

M Y

2
PAG-ARALAN MO

Pag-aralan ang mapang ito ng Asya.

1. Ano ang malaking anyong tubig na nasa gawing kanluran ng


Pilipinas?
2. Saan direksyon matatagpuan ang Karagatang Pasipiko?
3. Anong anyong tubig ang nasa dakong hilaga ng bansang Pilipinas?
4. Saan direskyon matatagpuan ang Bashi Channel?

Ito ang paglalarawan ng lokasyon ng ating bansa ayon sa kalapitan nito


sa mga anyong tubig na tinatawag na lokasyong insular.

3
Tingnan muli ang mapa, anu-ano naman ang mga bansang karatig ng
Pilipinas?

Anong mga bansa ang nasa gawing kanluran?


Sa dakong hilaga, anu-anong bansa ang matatagpuan doon?
Mayroon din bang bansa sa bahaging timog? Anu-ano ang mga
ito.

Sa silangang bahagi naman ng bansa natin, matatagpuan ang Estados


Unidos, Hawaii, Marianas at Guam.

Malalaman din ang kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga


karatig-bansa nito. Ito ay tinatawag na lokasyong bisinal.

PAGSANAYAN MO

Balikan muli ang mapa ng Asya sa pahina 3.

Gamitin ang krokis sa ibaba sa pagtukoy ng mga anyong tubig sa


bawat direksyon. Isulat sa iyong notebook ang iyong sagot.

Hilaga

Hilagang silangan
Hilagang kanluran

Kanluran Silangan

Timog silangan
Timog kanluran

Timog

4
1. Hilaga : ____________________
2. Hilagang Silangan : ____________________
3. Hilagang Kanluran : ____________________
4. Silangan : ____________________
5. Kanluran : ____________________
6. Timog : ____________________
7. Timog Silangan : ____________________
8. Timog Kanluran : ____________________

TANDAAN MO

Ang lokasyong insular ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa


pamamagitan ng mga anyong tubig sa nakapaligid dito.

Ang lokasyong bisinal ay paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa sa


pamamagitan ng mga karatig-bansa nito.

ISAPUSO MO

Paano mo dapat gamitin ang globo upang mapakinabangan pa ng mga


susunod na mag-aaral sa pagtalunton ng ibat ibang lugar sa daigdig?

5
GAWIN MO

Basahin at unawain ang tula.

Itong Pilipinas

(Hango sa sanayang aklat sa Makabayan nina L. Raganit at Mr. Agapay)

Itong Pilipinas ang mahal kong bayan


Namumukod tangi di mapapantayan
Tila nakalutang sa dakong silangan
Malalaking dagat ay matatagpuan.

Sa dakong hilaga ay ang Bashi Channel


At doon sa timog ay Celebes naman
Dagat Timog Tsina ay nasa kanluran
Karagatang Pasipiko ay nasa silangan.

Marami rin namang bansa sa paligid


Tulad nitong Taiwan, Tsina, Korea, Hapon
Sa bandang hilaga naman naroroon
At sa silangan nitoy Micronesia naman.

Doon nga sa timog nitong Pilipinas


Silangang Malaysia, Brunei, Indonesia
At lalong marami roon sa kanluran
Kampuchea, Laos, Burma, Thailand at Vietnam.

Naibigan mo ba ang tula? Ano ang natutuhan mo sa mensahe nito?


Makakaya mo bang isaulo ito?

6
PAGTATAYA

Tingnan ang mapa sa pahina ______. Hanapin ang sagot sa mga tanong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong notebook.

1. Anong kapuluan ang nasa timog ng Pilipinas?

A. Guam C. Kanlurang Malaysia


B. Indonesia D. Taiwan

2. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Vietnam?

A. Kanluran C. Hilaga
B. Silangan D. Timog

3. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?

A. Dagat Celebes C. Dagat Mindanao


B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Timog Tsina

4. Saan direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat Celebes?

A. Kanluran C. Timog
B. Hilaga D. Silangan

5. Ang Hapon ay nasa hilaga ng Pilipinas. Piliin ang isa pang bansa na nasa
hilaga nito.

A. Malaysia C. Tsina
B. Thailand D. Indonesia

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN
Ang tulang Itong Pilipinas na binasa mo maaari ring isaawit sa himig ng
Paru-parong Bukid. Subukan mo nga. Nasiyahan ka ba sa pag-awit?

7
Binabati kita at matagumpay mong
natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

Вам также может понравиться