1. 1. i PAUNANG SALITA Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang
mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay maipabatid sa karamihan, lalot higit sa mga kabataan ang kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon. 2. 2. ii PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga manunulat ng mga akdang ginamit sa modyul na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakailalan ng mag- aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat. Abdon M. Balde Jr. Hahamakin ang Lahat Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Brillantes Mendoza Manoro ( Ang Guro ) Carlo J. Caparas Mga Klase ng Komiks Dionisio Salazar Sinag sa Karimlan Eros Atalia Skyfakes Genoveva Edroza Matute Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata Gregorio G. Cruz Mga Ginto sa Putikan Jess Torres Positibong Kasabihan Jose Corazon De Jesus Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan Jose Rizal Ang Katamaran ng mga Pilipino Liwayway Arceo Uhaw ang Tigang na Lupa Manuel L. Quezon Wikang Pambansa Mil Adonis Sa Gitna ng Dilim Narciso G. Reyes Lupang Tinubuan Severino Reyes Walang Sugat mga may-akda 3. 3. iii TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN Modyul 1: Salamin ng KahaponBakasin Natin Ngayon 4. 5. Aralin 1.1 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo 6. 7. Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing 8. 9. Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat Mina ng Ginto - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan 10. Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko Tuwaang Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espa ol 11. 12. Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 13. 14. Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin 15. 16. Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan 17. 4. Iv 18. 19. \ Aralin 1.3 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones 20. 21. Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 22. 23. Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Modyul 2: Sandigan ng LahiIkarangal Natin Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela Walang Sugat ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati) Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon b. Wika: Ibat Ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa 24. 5. v Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan Tungo sa Kinabukasan Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na Babasahin Pahayagan (Tabloid) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika Pormal Di-pormal Balbal Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo b. Wika: Konsepto ng Pananaw a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag 25. 6. 1 MODYMODYMODYMODYUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPONUL 1 : SALAMIN NG KAHAPON BAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN NGAYONBAKASIN NATIN NGAYON I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Espaol, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Aralin 1.1 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat Mina ng Ginto - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko Tuwaang Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espa ol Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 26. 7. 2 Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 1.1 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan; Aralin 1.2 Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga Espa ol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 1.3 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang ito sa ating bansa. 27. 8. 3 III. INAASAHANG MGA KASANAYAN Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa modyul na ito. MODYUL 1 : Salamin ng Kahapon Bakasin Natin Ngayon Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ diskursong pinakinggan Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging maka totohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: mailahad ang layunin ng napakinggan masagot ang mga tiyak na tanong maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari mapatunayan ang kawastuan ng mga impormasyon batay sa sariling karanasan Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: dalawang Uri ng paghahambing mga Pang-abay pamanahon panlunan pamaraan mga eupemistikong pahayag matatalinghagang pahayag Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: nagpapaliwanag nangangatuwiran nagsasalaysay naglalarawan Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin na may kaugnayan sa paksa Nabibigyang- kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na nagbibigay-pahiwatig 28. 9. 4 Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito: karunungang-bayan alamat epiko karagatan duplo tula sanaysay tula maikling kuwento Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag- uugali/katangian ng mga tauhan sa akda Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga pagbibigay ng hinuha batay sa: mga ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin na may akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akda/teksto 29. 10. 5 Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng: pagpili ng lohikal na wakas paggawa ng sariling wakas pagbabago ng wakas Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung: totoo o hindi totoo may pagbabatayan o kathang-isip lamang Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/tekstong binasa at ng: pamantayang pansarili o sariling karanasan pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang ibat ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: paghahawig o pagtutulad depinisyon pagsusuri Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang: kaakit-akit na pahayag anekdota serye ng tanong Nakasusulat ng talata na : binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan nagpapakita ng bahagi nito: simula gitna wakas Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng : pagbubuod makabuluhang obserbasyon pangunahing kaisipan