Вы находитесь на странице: 1из 7

Ang magkapitbahay na Kambing at Kalabaw

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay ang
kambing.
"Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng kumain
ng sariwang damo, Kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais ang sabi ng kambing sa
kalabaw.
"Oo ,tayo na," ang sabi ng kalabaw.
"Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo. "Ang wika ng kambing.
Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang
ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay
hihinay-hinay kumai.
Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang
kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.
"Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na akO," ang sabi ng kambing.
"Mabuti ka pa busog na," ang sagot ng kalabaw. "Maghintay kana muna."
Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang kalabaw, Mayroon
siyang naisib. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng malaking ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang
kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw.
"Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi? ang tanong ng kambing sa kalabaw.
"Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko," ang sabi ng kalabaw, at lumakad nang papunta
sa ilog.
Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit nag-ingay
ang kambing.
"Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at magsayaw," ang
sagot ng kambing. Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang
malalim na bahagi ng ilog. Muling hum into ang kalabaw.
"O. bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.
"Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa tubig," ang sabi
ng kalabaw.
"Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy," ang
sigaw ng kambing.
"E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig," at sinabayan nga
ng gulong sa tubig.
Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang
kambing.
Ang matalinong matsing at ang buwaya
Si Malak, ang matsing at si Buwag, ang buwaya ay magkaibigan. Sila ay nagtutulungan.
Isang araw, ang asawa ni Buwag ay nagkasakit. Lungkot na lungkot si Buwag sa ka lagayan ng
asawa. Lahat ng gumagamot sa asawa niya ay nagsabing ang makagagaling lamang sa sakit ng
kaniyang asawa ay atay ng isang matsing.
Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kanyang asawa, Malapit na siya sa
isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing, si Malak. Lumapit siya sapunong
kinauupuan ni Malak.
"Magandangg umaga sa iyo, Malak!" masayang bati ni Buwag. "Bakit malungkot ka at nakaharap
sa ilog?"
Nais ko sanang tumawid ng ilog pero di ko magawa dahil sa hindi ako marunong lumangoy."
sagot ni Malak.
Biglang pumasok sa isip ni Buwag ang kaniyang pangangailangan. Naisip niyang isakay sa likod
niya si Malak at lunurin ito sa ilog para makuha niya ang atay nito. Inalok niya si Malak na
sumakay sa kanya at itatawid niya ito. Dali-daling lumundag si Malak sa likod ni Buwag. Hindi
alam ni Malak na nanganganib ang kanyang buhay.
Nasa kalagitnaan na sila ng ilog nang sabihin ni Buwag ang balak niyang gawin kay Malak.
Natakot si Malak. Unti-unti nang inilulubog ni Buwag ang katawan sa ilog nang mag salita si
Malak.
"Kaibigang Buwag, ibalik mo ako sa pinanggalingan ko, naiwan ko doon ang kailangan mong
atay. Nakasabit iyon sa sanga ng puno." Sabi ni Malak.
Naniwala naman ang buwaya sa sinabi ng matsing kaya't ibinalik niya ito. Agad na lumundag
sa itaas ng puno si Malak. Tumayo siya sa isang sanga at nagsalita, "Salamat sa pagsasakay mo
sa akin. Ang kai1angan mong atay ay narito sa loob ng aking katawan. Dahil sa kaibigan kita ay
ipagkakaloob ko ito sa iyo kung makakaakyat ka rito sa itaas ng puno."
Ginawa ni Buwag ang lahat ng makakaya niya subalit hindi siya makaakyat sa itaas ng puno.
Lumisan ang buwayang bigo sa masamang hangarin sa matsing.
Ang pagong at ang kalabaw
Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa
kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, "Hindi ang isang
tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad
mong lampa na't maliit ay sobra pa ang kupad kumilos."
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. "Sobra kang mapang-api. Minamaliit
mo ang aking kakayahan dapata mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.
Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang
sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. "Kapag ako ay tinalo mo sa
labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon."
"Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?" pakutyang sambit ng
kalabaw.
"Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling sagot ng pagong.
Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis
tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong.
Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban
niya sa karera" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?"
tanong ng kaiabaw.
"Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na
iyon ay siyang panalo," sabi ng pagong. Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si
pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na
ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw
hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang
pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong
bundok." Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng
malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang
kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina
at maliit na pagong.
Bakit laging nag-aaway ang aso, pusa at daga

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at


nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa
at animo'y isang paraiso.
Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama
silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa
kanikanilang mga suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil
lamang sa isang pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para


pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina
pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig
ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo
sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.

Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya


dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito
at dinala sa bubungan ng bahay.
"Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at
pusa." bulong ng daga sa sarili.

Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang


iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya
makita ang buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain.
Tinulungan niya ang aso sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas
ng bahay hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala
nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para masolo niya ito.
Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito.
Nagpaliwanag ang daga nguni't hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-
away silang dalawa kaya't ang buto ay nalaglag. Nasalo ito ng aso at dali-
daling tumakbo hanggang sa likod ng bahay.

"Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila dito. Siguro mamaya ay


magkakasundo na rin sila at masaya naming pagsasaluhan itong buto."
bulong ng asong humihingal. Dahil sa pagod at matagal-tagal ding
paghihintay sa pagdating ng dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang
ikatlong bahagi ng buto. Itinira niya ang parte ng daga at ng pusa.

Mainit pa ang ulo ng pusa hanggang sa makarating siya sa


kinaroroonan ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakain ng mag-isa. Bigla
niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay
magkasakitan ng katawan. Narinig ng may-ari ng bahay ang ingay na dulot
ng pag-aaway ng aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay.
Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may tanim na galit sa isa't isa. Iyon
na ang simula ng kanilang pagiging magkaaway.

Magmula noon, sa tuwing makikita ng aso ang pusa ay


kinakahulan niya ito. Ang pusa naman ay di padadaig, lagi siyang
sumasagot at lumalaban sa aso. At sa tuwina namang makikita ng pusa ang
daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa takot ang daga ay pumapasok
sa isang maliit na lungga at lumalabas lamang doon kapag wala na ang
pusa.
Ang unggoy at ang pagong
Noong unang panahon, mayroong dalawang matalik na magkaibigan. Sila ay sina Unggoy at si
Pagong.
Minsang walang gawain ay sumama ang unggoy kay pagong na mamasyal sa paligid. Nakapulot
sila ng isang punong saging na nakaharang sa daan. Nag-isip sila kung ano ang gagawin sa
halaman.
"Mabuti pa kaya'y hatiin natin ito at itanim natin. Sa akin ang- bandang itaas at sa iyo ang
ibaba." Mungkahi ng unggoy. Pinili niya ang itaas dahil doon lumalabas ang saging. Tatawa-tawa
siyang umuwi
Pumayag ang pagong. Pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay agad nilang itinanim ang kanilang
parte. Makalipas ang ilang araw, ang ang halaman ng unggoyi ay namatay. Labis siyang
nalungkot sapagkat paborito pa naman niya ang prutas na saging.
Sa kabilang dako, tuwang-tuwa naman si pagong dahil namumunga na ang kaniyang puno ng
saging. Dinalaw niya ang kaniyang kaibigan.
"Kaibigang unggoy, bakit ka malungkot? Ang ganda-ganda ng sikat ng araw ah." bati ng pagong
sa kaibigan.
"Kasi namatay ang tanim ko." Malungkot na sagot ng unggoy. "Iyong tanim mo kumusta na,
kaibigan?"
"Alam mo ang dami-dami nang bunga ng tanim ko at mahihinog na silang lahat." masayang
sagot ng pagong.
"Talaga? Puwede ko bang makita? sabi ng tusong unggoy.
Nanlalaki ang mata ng unggoy nang makita ang mga saging na tanim ng pagong.
Tinanong ng unggoy kung sino ang aakyat at kukuha ng mga saging sa itaas ng puno. Sinabi ng
unggoy na hindi puwede ang lolo ng pagong dahil mahina na ito at hindi rin uubra ang kanyang
kapatid pagkat bulag naman ito.
"Kaibigan pumayag ka kaya kung ako ang umakyat para ipitas ka ng saging?" mungkahi ng
unggoy.
"Aba, e di mabuti." sagot ng pagong.
Mabilis na umakyat ang unggoy. Laking gulat ng pagong sa ginawa ng unggoy. Habang nasa
itaas ay kinain nang kinain ng unggoy ang mga bunga hanggang sa ito ay mangalahati na
lamang. Nakiusap ang pagong na abutan naman siya subali't pinagtawanan lamang siya ng
unggoy.
Sa galit ng pagong sa katakawan ng unggoy, umalis siya at kumuha ng maraming tinik. Itinusak
niya iyon isa paligid ng puno ng sagging.
"Kaibigang unggoy, hindi mainam sa kalusugan ang manatili diyan sa itaas ng buong araw. Ito'y
isang payo ko lang sa iyo. Oras na marinig mo ang kahol ng aso, iyon ay isang hudyat upang
ikaw ay bumaba na riyan." at umalis na ang pagong.
Di nagtagal at kumahol ang aso ng kapitbahay. Sa oras na iyon ay busog na busog na ang
unggoy, Ayaw pa sana niyang bumaba nguni't naalala niya ang bilin ng kaibigan. Dahan-dahan
siyang bumaba dahil sa sobrang kabusugan. Marahil sa sobrang bigat ay dumulas siyang
pababa at bumagsak sa mga tinik na nakapaligid sa puno ng saging. Aringking sa sakit ang
unggoy at. namimilipit sa sakit ng katawan hanggang sapitin ang kaniyang bahay.
Kinabukasan ay maagang gumising ang unggoy. Kailangan niyang makaganti sa ginawa sa
kaniya ng pagong. Lumabas siya at hinanap ang kaibigan. Napagod siya a kalalakad. Pasalpak
siyang naupo sa isang animo isang malaking kabibe upang magpahinga. Ang buntot niya ay
pumasok sa isang butas at iyon ay biglang hinila ng walang iba kundi ang kaibigan niyang
pagong. Ang likod pala ng pagong ang kaniyang naupuan. Napatalon ang unggoy.
"Aha, ikaw pala!" sigaw ng unggoy. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"
"Anong gagawin mo sa akin?" tanong ng pagong.
'Lilitsunin kita!" sabi ng unggoy.
"Kapag ginawa mo iyan, magiging pula ang kulay ko. Hindi mo ba alam na pula ang paborito
kong kulay?" sagot ng pagong.
"Pagkatapos ay tatadtarin kita!" sabi uli ng unggoy.
"E di maganda, ikaw rin dadaming lalo ang pagong dito." sabad naman ng pagong.
"At pagkatapos ay itatapon kita sa ilog!" painis na sabi uli ng unggoy.
Pagkarinig dito ay lihim na natutuwa ang pagong, Hindi alam ng unggoy na gustong-gusto nga
niyang maglaro sa tubig at lumangoy. Hindi nagpahalata ang pagong.
"Maawa ka, kaibigan. Huwag mong gawin sa akin iyan." pakunwaring umiyak na sabi ng
pagong." Ilitson mo na ako o tadtarin mo kaya. Pero huwag mo lang akong itapon sa ilog!"
Hindi pinakinggan ng unggoy ang pakiusap ng pagong. Ubos lakas niyang inihagis sa tubig ang
pagong. Sumisid sa kailaliman ang pagong at ilang sandali lamang at lumitaw ito na may hawak
na isang malaking isda. Ipinakita niya ito sa kaibigang unggoy. Nagulat ang unggoy at hindi agad
nakapagsalita.
"Kaibigan, ibibigay mo ba sa akin iyan?" ang nasambit ng unggoy. "Bakit hindi ka lumundag dito
at humuli ng para sa iyo?" sagot ng pagong. "Hindi kanaman siguro isang tamad."
Ayaw na ayaw ng unggoy na matatawag siyang tamad. Dali-dali siyang tumalon at dahil sa hindi siya marunong
lumangoy, siya ay nalunod. Ang pagong ay tumawa na lang nang tumawa.

Вам также может понравиться