Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay ang
kambing.
"Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng kumain
ng sariwang damo, Kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais ang sabi ng kambing sa
kalabaw.
"Oo ,tayo na," ang sabi ng kalabaw.
"Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo. "Ang wika ng kambing.
Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang
ibayo. Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay
hihinay-hinay kumai.
Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang
kambing. Kaya nagyaya nang umuwi.
"Kapitbahay, gusto ko nang umuwi. Busog na akO," ang sabi ng kambing.
"Mabuti ka pa busog na," ang sagot ng kalabaw. "Maghintay kana muna."
Nayamot na ang kambing. Inisip kung paano niya mapatitigil sa pagkain ang kalabaw, Mayroon
siyang naisib. Naglulundag ang kambing. Gumawa ito ng malaking ingay.
Dahil sa ingay na iyon ay narinig sila ng mga tao. Nagdatingan ang mga tao. Nakita nilang
kumakain ang kalabaw. Hinambalos nila nang hinambalos ang kalabaw.
"Ano, kapitbahay, gusto mo na bang umuwi? ang tanong ng kambing sa kalabaw.
"Oo, tayo na nga. Sige, lundag nasa likod ko," ang sabi ng kalabaw, at lumakad nang papunta
sa ilog.
Nang sila ay nasa gitna na ng ilog, huminto ang kalabaw. Tinanong niya kung bakit nag-ingay
ang kambing.
"Ewan ko nga ba. Tuwing ako ay mabubusog, ay gawi ko na ang kumanta at magsayaw," ang
sagot ng kambing. Lumakad na rin sa tubig ang kalabaw. Walang anu-ano ay narating nila ang
malalim na bahagi ng ilog. Muling hum into ang kalabaw.
"O. bakit kahuminto? ang tanong ng kambing.
"Alam mo kapag ako ay nasa tubig, ay siyempre gusto kong gumulong-gulong sa tubig," ang sabi
ng kalabaw.
"Aba, huwag! Paano ako, mahuhulog ako sa tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy," ang
sigaw ng kambing.
"E alam mo kapitbahay, naging bisyo ko na ang gumulong-gulong sa tubig," at sinabayan nga
ng gulong sa tubig.
Bumagsak sa tubig ang kawawang kambing. Hindi ito marunong lumangoy. Nalunod ang
kambing.
Ang matalinong matsing at ang buwaya
Si Malak, ang matsing at si Buwag, ang buwaya ay magkaibigan. Sila ay nagtutulungan.
Isang araw, ang asawa ni Buwag ay nagkasakit. Lungkot na lungkot si Buwag sa ka lagayan ng
asawa. Lahat ng gumagamot sa asawa niya ay nagsabing ang makagagaling lamang sa sakit ng
kaniyang asawa ay atay ng isang matsing.
Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kanyang asawa, Malapit na siya sa
isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing, si Malak. Lumapit siya sapunong
kinauupuan ni Malak.
"Magandangg umaga sa iyo, Malak!" masayang bati ni Buwag. "Bakit malungkot ka at nakaharap
sa ilog?"
Nais ko sanang tumawid ng ilog pero di ko magawa dahil sa hindi ako marunong lumangoy."
sagot ni Malak.
Biglang pumasok sa isip ni Buwag ang kaniyang pangangailangan. Naisip niyang isakay sa likod
niya si Malak at lunurin ito sa ilog para makuha niya ang atay nito. Inalok niya si Malak na
sumakay sa kanya at itatawid niya ito. Dali-daling lumundag si Malak sa likod ni Buwag. Hindi
alam ni Malak na nanganganib ang kanyang buhay.
Nasa kalagitnaan na sila ng ilog nang sabihin ni Buwag ang balak niyang gawin kay Malak.
Natakot si Malak. Unti-unti nang inilulubog ni Buwag ang katawan sa ilog nang mag salita si
Malak.
"Kaibigang Buwag, ibalik mo ako sa pinanggalingan ko, naiwan ko doon ang kailangan mong
atay. Nakasabit iyon sa sanga ng puno." Sabi ni Malak.
Naniwala naman ang buwaya sa sinabi ng matsing kaya't ibinalik niya ito. Agad na lumundag
sa itaas ng puno si Malak. Tumayo siya sa isang sanga at nagsalita, "Salamat sa pagsasakay mo
sa akin. Ang kai1angan mong atay ay narito sa loob ng aking katawan. Dahil sa kaibigan kita ay
ipagkakaloob ko ito sa iyo kung makakaakyat ka rito sa itaas ng puno."
Ginawa ni Buwag ang lahat ng makakaya niya subalit hindi siya makaakyat sa itaas ng puno.
Lumisan ang buwayang bigo sa masamang hangarin sa matsing.
Ang pagong at ang kalabaw
Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa
kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, "Hindi ang isang
tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad
mong lampa na't maliit ay sobra pa ang kupad kumilos."
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. "Sobra kang mapang-api. Minamaliit
mo ang aking kakayahan dapata mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.
Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang
sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw. "Kapag ako ay tinalo mo sa
labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon."
"Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?" pakutyang sambit ng
kalabaw.
"Bukas ng umaga, sa ding ito," ang daling sagot ng pagong.
Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis
tumakbo. Subalit si pagong ay matalino, Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong.
Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban
niya sa karera" O, paano, dipa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?"
tanong ng kaiabaw.
"Okay, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na
iyon ay siyang panalo," sabi ng pagong. Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si
pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na
ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw
hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang
pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong
bundok." Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng
malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay. ang
kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina
at maliit na pagong.
Bakit laging nag-aaway ang aso, pusa at daga