Вы находитесь на странице: 1из 3

LAGUMANG PAGSUSULIT SA PILING LARANGAN

III. Pagtukoy. Panuto:Tukuyin kung anong uri ng diskurso ang mga


sumusunod na teksto. Gamitin ang mga pagpipilian sa Pagsusulit II. Titik
lamang ang isagot.

______ 18. Makapangyarihan ang wika. Maaari itong maging kasangkapan ng pang-
aalipin kung paano ginamit ng mga Amerikano ang wikang Ingles nang alipinin nila ang
ating bansa may ilang dekada na ang nakalipas. Ngunit ang wika ay maaari ring
maging wika ng pagpapalaya kung paanong ginamit ng mga Indones ang Bahasa
Indonesia at isigaw nila ang Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tunair! sa layon nilang
palayain ang kanilang sarili sa kamay ng mga mananakop na Olandes.

______ 19. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ang pagbasay isang
bahagi ng pakikipagtalastasan na nakahanay sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Itoy
pag-unawa sa wika ng may akda ng mga nakasulat na simbulo. Ito'y paraan ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag.

______ 20. Dahil sa pagsulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa
hmot ang kasaysayan ng isang bansa. Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi
kayat malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang bansa.

______ 21. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa labas
ng kanilang maliit na dampa. Namatay ang mga halaman. Natuyo ang lupa at walang
tubig sa batis at ilog. Lumaganap ang tag-gutom. Dumating ang panahon na
nagluwal ng sanggol ang babae kayat napilitan silang maghanap ng pagkain. Nilibot
nila ang kagubatan, pinasyal ang burol at inakyat ang tuktok ng bundok. Sa kanilang
pagkagulat ng makakita sila roon ng isang kakaibang halaman. May manipis na
dahon at may maliit na bunga iyon. Ngayon lamang sila nakakita ng ganoon.

______ 22. Bawat Pilipino ay may karapatang mabuhay... mabuhay nang mapayapa,
mabuhay nang marangal at mabuhay nang maunlad. Magagawa lamang natin ito kung
ang wikang ating ginagamit sa araw-araw ng ating buhay saan mang larangan ay ang
wikang Filipino. Naniniwala ako na ang wikang Filipino ang isa sa mga susi upang
di na makawala pa sa ating mga kamay ang mga karapatang ito.

______ 23. Saan mang bahagi natin ito tingnan, ang nabigong coup ay isang paglabag
sa batas sapagkat itoy di makatarungang pagtira sa pamahalaang konstitusyonal na
lehitimong itinatag ng nakararaming mamamayan sa pamamagitan ng demokratikong
eleksyon. Kung gayon, walang ibang paraan upang tingnan ang coup na ito maliban sa
isang pagtatangka na pabagsakin ang tinamasa nating konstitusyunal na demokrasya
upang mapalitan ito ng diktaturya at pasistang militar.

______ 24. Kung kagandahan din lang ang pag-uusapan, dalawang babae na palagian
nating nakikita sa telebisyon ang maaari nating banggitin: sina Ruffa Gutierrez at Miriam
Quiambao. Ang dalawang ito ay kapwa may tinanggap na titulo sa timpalak
pangkagandahan sa buong mundo: si Miriam bilang Ist runner up sa Ms. Universe
at 2nd Princess naman si Ruffa sa Ms. World, mga titulong nagpatanyag sa kanila sa
loob at labas ng bansa. Ngunit magkaiba ang taglay na kagandahan ng dalawang ito.
Taglay ni Ruffa ang karisma ng isang mestisang Pilipina, samantalang Pilipinang-
pilipina naman ang dating ni Miriam dulot ng kanyang kayumangging kutis.

______ 25. Totoong kailangan ng tao ang salapi sa kanyang pang-araw-araw na


pangangailangan. Hindi siya mabubuhay nang maayos sa mundong ito kung wala siyang
salapi. Ngunit may mga pangyayaring ang salapi ang nagiging ugat ng mga kasamaan.
LAGUMANG PAGSUSULIT SA PILING LARANGAN

Maraming tao ang nagpapakamatay, marami ang nakukulong dahil sa pagnanakaw at


marami ring pamilya ang nawawasak nang dahil sa salapi. Hindi dapat maging gahaman
sa salapi sapagkat magbubunga ito ng kapahamakan at maaaring humantong sa
kamatayan.

19. Maraming gawain ngayon ang nangangailangan ng kaalaman sa kompyuter.


Napabibilis at nagkakaroon ng ganap na kawastuhan sa pagpapatupad ng mga
gawaing iyon. Ang salitang kompyuter ay nagmula sa salitang-ugat na compute.
Katumbas ito ng tuos, kwenta o kalkula kung isasalin sa Filipino. Ang mga nabanggit
na termino ay para lamang sa gawaing pang-matematika. Subalit ano nga ba ang
kompyuter?

20. Ang tunay na lunas sa aking palagay ay ang wastong edukasyon sa mga nais mag-
asawa. Ang pag-aasawa nang Hindi handa'y dapat tukuying mali. Ngunit kung
pahihintulutan ang diborsyo, mawawalan ng saysay ang ganitong edukasyon.
Inaalis ng diborsyo ang pangangailangang magpataw ng disiplina sa sarili, ang
pangangailangang magkaroon ng prinsipyo sa buhay. Ito ang mga mabigat na
dahilang moral laban sa diborsyo.

IV. Pagsunod-sunurin. Panuto: Isulat sa mga patlang ang titik A hanggang E


upang pagsunod-sunorin ang mga hakbang o yugto sa pagsulat. Gamitin
ang titik A bilsng unang hakbang.
______ 26. Pag-e-edit o Pagrerebisa
______ 27. Pagbuo ng Draft/Burador
______ 28. Gawain Bago Sumulat
______ 29. Paglalathala/ Paglilimbag
______ 30. Huli o Pinal na Draft

V. Pagtapat-tapatin. Isulat sa patlang ang konseptong inilalarawan sa bawat


pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa loob ng kahon.

Katangian ng Akademikong Pagsulat


A. Ang malinaw na paglahad ng opinion at katotohanan
B. Pantay na paglalahad ng idea
C. Paggalang sa magkaibang pananaw
D. Organisado
E. Mahigpit na pokus
F. Gumagamit ng katibayan o ebidensya
LAGUMANG PAGSUSULIT SA PILING LARANGAN

______ 31 . Sa paglalahad ng katotohanan maari siyang bumanggit ng mga awtoridad


o eksperto ng paksa
______ 32. Ang manunulat ay dapat maglahad ng mga impormasyon sa ibat ibang
pananaw at magtakda ng lawak o saklaw sa mga pananaw na ito.
______ 33. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng ibat ibang ideya na maaaring taliwas
sa pananaw ng mananaliksik o ng may-akda
______ 34. Ang isang akademikong papel ay dapat makitaan ng sistema at
organisasyon
______ 35. Ang isang akademiong ulat ay nararapat na sumagot sa isang tiyak na
katanungan at iwasan ang mga pasang walang kaugnayan sa pangunahing paksa o
tema ng pananaliksik
______ 36. Ang pagiging iskolarli ang isang katangiang dapat taglayin ng isang
akademikong sulatin

VI. Ano Sa Palagay Mo?


37. Ilahad sa sariling palagay kung ano ang pagsulat?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
38. Bakit isang pangangailangan sa mag-aaral na tulad mo ang pagsulat? Bakit ito
mahalaga?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
39-40. Ano-ano ang mga gawaing maaring gawin Bago Sumulat (Pre-writing)?
Magbigay ng 2 na pamamaraan at bigyan ng maikling paliwanag.
a______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
b______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
-mte-

Вам также может понравиться