Вы находитесь на странице: 1из 5

Kabihasnan Ng Minoan

- unang sumibol sa isla ng crete bago magkaroon ng sibilisasyon sa Greece. marunong sila
maglinang ng gintoat bronse at may sistema na sila sa panulat.-Ang sibilisasyong ito ang
may pinakamataas na antas ng kaunlaran at kultura sa Europa. -Mayroon silang sistema ng
pagsulat, kasanayan sa pagahahabi, paggawa ng mga palayok, alahas at armas. -
Nakikipagkalakakalan din sila sa mga kalapit bansa tulad ng Ehipto. -Kilala ang mga tao
dito bilang mga manlalakbay. -Pangunahaing hanapbuhay din nila ang paggawa ng mga
sasakyang pandagat. -Nawala ang sibilisasyon dahil sa iba't - ibang sakuna, mananakop, at
mga digmaan.

Mycenaean
Ang Griyegong Miseneano o Mycenaean Greek ang pinaka-sinaunang pinatutunayang anyo
ng wikang Griyego. Ito ay sinalita sa pangunahing lupaing Griyego, Creta, at Cyprus noong
panahong Mycenaean(ika-16 siglo BCE hanggang ika-12 siglo BCE) bago ang
pinagpapalagay na pananakop na Doriano na kadalasang tinutukoy na terminus post quem
sa pagdating ng wikang Griyego sa Gresya. Ang wikang ito ay naingatan sa mga
inskripsiyon sa Linyar B na isang skriptong unang pinatunayan sa Creta bagon ang ika-14
siglo BCE. Ang karamihan ng mga instansiya ng mga inskripsiyong ito ay mga nasa
tabletang putik na natagpuan sa Knossos sa sentral na Creta at sa Pylos sa timog-kanlurang
Peloponnese. Ang ibang mga tableta ay natagpuan sa mismong Mycenaea, Tiryns at Chania
sa Kanlurang Creta.[1] Ang wikang ito ay pinangalan sa Mycenaea na isa sa mga
pangunahing sentro ng Gresyang Mycenaean. Ang mga tableta nito ay matagal na nanatiling
hindi nauunawaan at ang bawat maiisip na wika ay iminungkahi para sa mga ito hanggang
sa maunawaan ni Michael Ventris ang skripto noong 1952 at sa isang preponderansiya ng
ebidensiya ay nagpapatunay na ito ay isang maagang anyo ng wikang Griyego. Ang mga
teksto sa mga tableta ay karamihang mga talaan at mga imbentoryo.

polis
Ang polis ay tumutukoy sa mga city-state ng Greece sa mga sinaunang panahon katulad ng
Athens at Thebes. Sa mga polis masasabing nagsimula ang demokrasya, dahil ang
pinagkaiba ng mga polis sa ibang mga klase ng city-state ay na kaysa sa pamumunuan ng
hari ang mga naninirahan mismo sa polis ang namumuno sa kanilang mga sarili.

Isparta
Ang Isparta o Esparta ay isang lungsod-estado ng sinaunang Gresya. Tinatawag na
mga Ispartanoo Espartano ang mga mamamayan ng Isparta. Kilala ang mga Ispartano
bilang mga sanay sa mga gawaing militar o pangkawal. Mayroon silang katangiang
nakapapamuhay ng walang karangyaan.

Mga Ispartano

Mga kabataang Ispartano at Isparta habang nagsasanay.


Sa kaantasang panglipunan ng Isparta, gumaganap ang mga Ispartano bilang mga
aristokrata. Sila ang nagmamay-ari ng mga lupain. Sila ang mga sinasaysay upang maging
mga mandirigma. Sa simula ng kanilang kabataan, sinasanay na ng Istado ng Isparta ang
mga batang lalaki sa larangan ng himnastika. Kinukuha sila mula sa kanilang mga ina sa
gulang na pito. Sinasanay rin sila sa paggamit ng mga sandata. Hindi pinahihintulutang
mag-asawa kaagad ang mga kalalakihan, hangga't hindi sila umaabot sa edad ng
tatlumpu.[1]
Sumasailalim din ng pagsasanay sa himnastika ang mga kabataang babae. Nagkakamit sila
ng sapat na kalayaan kapag narating na ang hustong gulang..

Lumang Persa/Persia

Ang Imperyong Akemenida (mula sa Lumang Persa Haxmaniiya,[10] c. 550330 BK),


tinatawag din bilang ang (Unang) Imperyong Persa,[11] ay isang imperyo na matatagpuan
sa Kanluraning Asya, na itinatag ni Ciro ang Dakila. Sa pinakadakilang lawak nito mula sa
Balkan hanggang sa Lambak ng Indus, ito ay naging isa sa mga pinakamalalaking imperyo
sa kasaysayan, sumasaklaw sa 5.5 milyon na kilometrong parisukat, at noon ay naging mas
malaki kaysa sa anumang mga nakaraang imperyo sa kasaysayan. Ito ay bantog para sa
matagumpay na modelo ng isang sentralisadong, pangangasiwang burukratiko (sa
pamamagitan ng mga satrapa sa ilalim ng Hari ng mga Hari), para sa mga pagtayo ng
imprastruktura tulad ng mga sistema ng kalsada at isang sistema ng koreo at ang paggamit
ng isang opisyal na wika sa kabuuan ng mga teritoryo nito at isang malaking propesyonal
na hukbo at mga serbisyong sibil, na nagpasigla sa mga katulad na sistema sa mga sumunod
na imperyo.[12] Kilala ito sa Kanluraning kasaysayan bilang ang katunggali ng mga
Griyegong lungsod-estado sa panahon ng mga Digmaang Griyego-Persa at para sa
pagpapalaya ng mga Hudyong tapon sa Babilonya. Ang Mausoleo sa Halicarnassus, isa sa
Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig, ay itinayo sa isang Helenistikong
estilo sa imperyo.

Atenas
Ang Atenas (Griyego: , Athna; Ingles: Athens) ay ang kabisera at pinakamalaking
lungsod ng Gresya. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Attica. Isa ang Atenas sa mga
pinakamatandang lungsod sa buong mundo, na may naitalang kasaysayan sa loob ng
humigit 3,000 taon. Ipinangalan ang lungsod sa dati nitong patron na si Athena noong
kapanahunan ng Matandang Atenas.
Sa kasalukuyan, may populasyon ng 745,514 noong 2001 ang lungsod ng Atenas,[1] at 3.37
milyong katao sa kalakhan nito.[2] Bilang isang bantog at kosmopolitano na lungsod, ang
Atenas ay nagiging sentral sa buhay pang-ekonomiya, pampananalapi, pang-industriya,
pampolitika at kultural sa Gresya. Mabilis rin itong maging isang sentro ng negosyo sa
Unyong Europeo.

Ang digmaang peloponnesian


1. (431- 404 B.C.E.)
2. Isang malawak na pederasyon ng mga lungsod-estado sa greece na pinagbuklod sa
pangunguna ng Athens. *Dahil sa inuna ng Athens ang sarili nitong kapakanan, ang Delian
League ay hindi naaging ganap na napagbuklod ang mga lungsod-estado sa Greece. Sa halip
ito ay naging daan para sa pagpapalawig ng Imperyong pangkalakalan ng Athens.
3. Nong 431 B.C.E. , sumiklab ang Digmaang Peloponeesian . Dito nagsama-sama ang mga
lungsod-estado sa Peloponnesus . Pinili nila ang Sparta upang pamunuan sila laban sa
Athens
4. Noong 404 B.C.E., tinalo ng Sparta ang Athen. Nagpatuloy ang alitan sa ibat-ibang
lungsod estado at bumagsak ang pamumuno ng Sparta ng labanang Leuctra noong 371
B.C.E. Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na mahina at wasak-wasak.
5. Philip II- hari ng macedonian na nagnais na pag isahin ang mga lungsod-estado sa
Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala . Bumuo sila ng isang hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan ng pakikipaglaban . Alexander the great- naging tanyag na lider
ng Mecedonian na anak ni Philip II. Nong 334 B.C.E. pinangunahan niya ang isang hukbo na
lumusab sa Kanlurang Asya. 36 B.C.E. -263 B.C.E.

IMPERYONG MACEDONIA (336 B. C. E. 263 B. C. E. )

Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa


ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng
isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol
ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang
Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-
estado. Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng
mga lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa
kapangyarihan ng Macedonia.

Roma
Ang Roma (pagbigkas [roma])[2] ang punong lungsod ng Italya at ng regione ng Lazio.
Matatagpuan ito sa mga ilog ng Tevere at Aniene, malapit sa Dagat Mediterranean,
sa 4154N 1229E. Ang Lungsod ng Vatikan, isang malayang enclave sa loob ng Roma, ang
himpilan ng Simbahang Katoliko at ang tirahan ng Papa.
Ang Roma ang pinakamalaking lungsod sa Italya at ang bayan nito ang isa sa
pinakamalalaki sa Roma, na may lawak ng 1290 km. Madali nitong malalakihan ang iba
pang mga lungsod ng Italya pati na rin ang mga lungsod tulad ng Paris, Berlin, Stockholm,
o Brussel. May populasyon ito ng 2 546 807 (2004) na may halos 4 milyong naninirahan sa
kalakhan.

Acropolis

Ang salitang acropolis (Griyego: acron, na may kahulugang "gilid" + polis, lungsod) ay
nangangahulugang gilid ng isang bayan o isang mataas na lungsod. Ang katagang acropolis
ay ginagamit din sa paglalarawan ng panggitna o sentrong kompleks (kasalimuotan) ng
nagkakapatung-patong na mga kayarian, katulad ng mga plasa at mga piramide sa
maraming mga lungsod na Mayano, kabilang na ang Tikal at ang Copn. ito rin ay isang
tanyag na bayan sa larangan ng arkitektura.
Kabihasnang Assyria

Ito ang pinaka malupit na imperyong na itatag


sa Fertile Crescent.Sa pamumuno ni Haring Ashurbanipal,na naka pag tatag ng unang
aklatan sa kasaysayan na merong 32 clay tablets Nilalaman nito ang kadakilaan ng
Imperyong Assyrian. Humina ang kanilang Imperyo ng mamatay ang kanilang pinuno at ng
sakupin sila ng sumunod na Im[eryo.

sa larangan ng edukasyon at sila ang kauna-unahang nag tayo ng aklatan na may200.000


tabletang luwad.Si Ashurbanipal II ay naging hari noong 884-859 BCE na nag palawak ng
teritoryong assyrian at sya ay magaling at mahusay sa pakikipaglaban,Si Tiglath-Pileser III
ay naging hari noong 745-727 BCE na nag palawak sa kaharian hanggang sa Damascus
noong 723 BCE,Si Sargon II na namuno noong722 hanggang705 BCE,at Si Shalmaneser V
nabura nya ang kasaysayan ng pinakahuling bakas ng mga Hittite Sa pamamagitan ng
matatagna sistema ng pamumuno sa imperyo,epektibong pangungulikta ng buwis, maayos
at magandang kalsada, epektibong serbisyong postal.Sila ay bumagsak dahil sa kapalaluan
at kalupitan ng assyrian, nag ka isa ang mga Chaldean, Medes, at Persian noong 612 BCE
upang pagtulungang magapi ang mga Assyrian.Sila ay mahalaga dahil sila ang nanguna sa
edukasyon.

Sumerya
Ang Sumerya o Sumer (mula sa wikang Akkadiano umeru; Sumeryo ki-en-ir15,
tinatayang "lupain ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain")[1] ay ang unang urban
na kabihasnan sa makasaysayan na rehiyon ng silanganing Mesopotamya, kasulukuyang
araw na timog Irak, noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso, at
marahil ang unang kabihasnan sa mundo kasama ang Sinaunang Ehipto. Habang
naninirahan sa kahabaan ng lambak ng Tigris at Euphrates (Mesopotamya ay Griyego para
sa lupa sa pagitan ng dalawang ilog), ang mga Sumeryong magsasaka ay nakapagtanim ng
kasaganaan ng mga butil at iba pang mga pananim, ang kalabisan ng mga ito ang nagbigay-
daan upang manirahan sa isang lugar.
Ang kauna-unahang pagsusulat sa bago ang kasaysayan ay masusundan sa c. 3000 BK.
Iminungkahi ng mga modernong historyador na ang Sumerya ay unang permanenteng
tinirhan noong pagitan ng c. 5500 at 4000 BK ng mga Kanlurang Asya na mga tao na
maaring nagsalita ng wikang Sumeryo (dahil sa mga pangalan ng mga lungsod, mga ilog,
mga simpleng trabaho, atbp. bilang katibayan).

Babilonya
Ang Babilonya ay isang makasaysayang estadong lungsod na naging imperyo sa Gitnang
Silangan. Isa itong pangunahing lungsod sa sinaunang Mesopotamya sa masaganang
kapatagan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates. Bago ito naging estadong lungsod, ang
Babilonya ay isang maliit na Semitikong Akkadong lungsod noong panahon ng Imperyong
Akkadio noong humigit-kumulang 2300 BK.
Mabilis na nagunaw ang imperyo matapos ang kamatayan ni Hammurabi. Ang Mga
Nakabiting Hardin ng Babilonya ay naging isa sa mga Pitong Kababalaghan ng Sinaunang
Mundo.
Matatagpuan ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al Hillah, Lalawigan ng Babil
(Gubernaturang Babil), sa Irak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog ng Baghdad. Ang
matandang lungsod na ito ng Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang lungsod ng
Babilonya. Nabanggit sa unang pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-24
daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito, humina ang kapangyarihang angkin ng
Babilonya.

CHALDEANS

Caldeo (Caldea) ay tumira sa mga lambak sa may timog ng Mesopotamya, ang ibang tribo
ay tumira sa timog ng Borsippa at may tumira din sa Elam, Asya. Ang kanilang
organisasyon ay tribo, at ang mga bitu o bahay ng mga Caldeo ay sumasailalim sa
pamumuno ni shaikh na noong mga panahong iyon ay tinawag ang kanyang sarili bilang
hari. Ngunit ang mga tribo at hukbo doon ay hindi nagpatalo, pinasok ng mga Medes ang
Mesopotamya. Ang emperador ng Asirya ay mahina at walang hari noon sa Babilonya dahil
may digmaan. Kinuha ni Nabopolassar, isang Caldeo, ang oportunidad at prinoklama ang
kanyang sarili bilang hari ng Caldea. Ang paghahari ng mga Caldeo ay tumagal ng 87 taon.
Bumagsak ang Caldea at pinagsama sa Persiya bilang Persyang Babilonya.

Ang pinuno ng mga Chaldeans ay si Nebuchadnezzar kung saan naging maayos ang
kanyang pamumuno sa kanilang lugar. Ngunit sa kanyang pagpanaw naging magulo ang
lahat kung saan ang pumalit na hari ay pawang kapangyarihan at kasaganaan ang inisip at
hindi ang nakararami kaya bumagsak ang pamumuhay nila sa kanilang lugar. May mga
naiambag din ang mga chaldeans sa kasaysayan tulad ng Hanging Garden, Zodiac Signs at
ang Tore ng Babel na kilala hanggang ngayon sa bibliya. Sila rin ay nasanay sa mga
magagandang bahay at palasyo na kanilang tinitirhan.

Imperyong Akkadio

Ang Imperyong Akkadio o Imperyong Akkadian IPA: /kedin/[2] ang imperyo na


nakasentro sa siyudad ng Akkad IPA: /kd/[3] at sa nakapaligid na rehiyon sa sinaunang
Mesopotamia na nagpaisa ng lahat ng mga nagsasalita ng katutubong Akkadian na mga
Semita at mga nagsasalitang Sumerian sa ilalim ng isang pamamahala.[4]
Noong 3000 BCE, may umunlad na isang malapit na symbiosis sa pagitan ng mga Sumerian
at mga Akkadian na Semitiko na kinabibilangan ng malawak na bilingualismo.[5] Unti
unting pinalitan ng wikang Akkadian ang Sumerian bilang sinasalitang wika sa isang lugar
sa pagtungo sa 3000 BCE at 2000 BCE.[6] Naabot ng imperyong Akkadian ang tugatog na
pang politika nito sa pagitan ng 2400 at 2200 BCE kasunod ng mga pananakop ng
tagapagtatag nitong si Sargon ng Akkad(23342279 BCE). Sa ilalim ni Sargon at kanyang
mga kahalili, ang wikang Akkadian ay sandaling inatas sa mga kapitbahay na sinakop na
estado gaya ng Elam. Ang Akkad ay minsang itinuturing na unang imperyo sa kasaysayan
[7] bagam may mga mas naunang nag-aangking Sumerian.

Вам также может понравиться