Академический Документы
Профессиональный Документы
Культура Документы
PAGTAKAS
Hindi alam ni Shailene ang gagawin habang naglalakad siya papunta sa paaralan.
Kahit saan siya magpunta ay hindi niya maiwasan ang masasamang tingin na ipinupukaw
ng mga tao sa kanya. Hindi niya alam kung babalik siya sa bahay o tatakbo siya habang
nakikita ang mga bulong-bulungan ng mga tao at estudyante na nakatingin sa kanya. Sa
oras na iyon ay gusto niyang manliit sa kanyang sarili at maglaho upang hindi na niya
marinig ang usap-usapan na mga estudyante at mga tao. Kahit saan siya tumingin ay
nakikita niya ang iba't ibang titig at tingin ng mga ito sa kanya. May naaawa dahil nadamay
siya sa kaguluhan ng kanyang pamilya. May hindi makapaniwala sa mga pinaggagawa
ng kanyang pamilya. Habang yung iba parang walang pakialam. Samantalang yung iba
naman ay paraang sinisisi siya sa kagagawang ng kanyang angkan at karamihan ay
nababakas sa mukha ang galit at pagkamuhi na nakatitig sa kanya. Hindi niya matiis ang
ganoong sitwasyon kaya patakbo siyang bumalik sa sasakyan. Lakad-takbo ang kanyang
ginawa upang makaiwas sa mga ito, sa masasamang tingin at matutulis na titig ng mga
ito sa kanya. Parang isinisigaw sa kanyang mga tainga ang bulong-bulungan ng mga ito.
Habang pabalik siya sa sasakyan ay naririnig pa niya ang mga usapan ng mga iba't ibang
grupo ng mga estudyante at mga ibang tao na dumaraan.
Friend! tawag ng isang babaeng estudyante habang papalapit sa isang babae
na naglalalakad.
Napanood mo ba ang balita kaninang umaga? tanong nito habang umaakbay ito
sa kaibigan.
Oo, friend! Grabe no? sagot nito habang nagpapatuloy ang mga ito sa pagpasok
sa kampus.
Hindi ako makapaniwala friend! iling-iling na sagot ng isa.
Akala mo kung sinong malinis! Ang dami palang tinatago! sagot ng isang
babaeng nakatayo.
Mga kriminal mismo! diin ng isang lalaki.
Mas lalo niyang binilisan ang kanyang paglakad na halos tatakbo na siya pabalik
sa sasakyan. Mas lalo niyang tinakpan ang kanyang mukha sa hood ng kanyang jacket.
Hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit ganoon nalang ang tingin sa kanyang pamilya.
Kung bakit ganon nalang ang mga galit ng mga tao sa kanyang angkan. Dahil siya mismo
ay galit sa kanyang pamilya ngunit wala siyang magawa.
Kuya ang tawag niya rito kahit na matanda lang ito ng kunti sa kanya. Matikas ito.
Mabalahibo ang dibdib nito nang minsang nakita niya ito sa isang umaga na nakahubad
pang-itaas habang nag-eehersisyo ito tuwing umaga. Maganda itong magdala ng damit
at halos ay bumabagay sa matipuno nitong katawan. Kahit sinong babae ay
magkakagusto pag nakita ito puwera nalang sa ugali nito na walang pakialam maliban sa
ibang tao kundi sa trabaho nito.
Puntahan mo ang iyong Mommy at kapatid mo. Sabihin mong mag-empake dahil
aalis tayo, utos nito.
Dali-dali siyang lumabas at pinuntahan ang kuwarto ng kanyang ina. Pagkatapos
ay lumabas siya at sakto naman nakita niyang pumasok ang kanyang kapatid.
Shailene, tawag ng kanyang kuya sa pagpasok niya sa bahay.
Sabi ni Dad ay mag-empake dahil aalis tayo ng bansa, pagpapatuloy nito.
Kitang-kita niya sa mukha nito ang pag-aalala, takot at pangamba.
Oo, kuya, tanging nasabi niya.
Marami siyang gustong sabihin ngunit ayaw bumuka ng kanyang bibig. Marami
siyang gustong itanong ngunit parang naglaho ang lahat.
Sige, hihintayin ka namin, bilisan mo, bahagya itong ngumiti.
Alam niyang pilit ang pagngiti nito upang ipakita sa kanya na ayos lang ang lahat.
Ngunit alam niya, ramdaman niya kung gaano kabigat ang problema nito at ng kanilang
pamilya. Alam niya na pinaghahanap na ng batas ang kanyang pamilya dahil kalat na sa
bayan at sa buong mundo ang pinaggagawa ng mga ito. Hindi siya makapaniwala kung
saan humugot ng lakas ng loob para makaasta na parang walang nangyari. Galit na galit
siya sa kanyang pamilya. Kung maaari lang pumili ng pamilya, ginawa na niya.
Kailangan kong magmadali. Kailangang hindi ako maunahan ni kuya. Aalis ako
rito, hindi ako papanig sa kanila, aniya sa isip.
Biglang nagring ang kanyang telepono.
Handa ka na ba? Maghihintay lang ako rito, sabi ng nasa kabilang linya.
Oo, tuloy ang plano. Hintayin mo ang signal ko ha? sabi niya rito.
Buo na ang desisyon niya. Sasama siya kai William at siya na rin mismo ang
magsusuplong sa kanyang pamilya.
Walang anoman. Ginagawa ko ito para sayo at para matapos na rin ang
kasamaan ng aking pamilya, bahagyang ngiti na tugon niya rito.
Mabilis ang kanilang takbo. Halatang nagmamadali sila. Habang nasa biyahe ay
tahimik ang lahat. Tiningnan nya isa-isa ang kanyang pamilya. Silang lahat nakasout ng
jacket at itim at salamin sa mata upang takpan at hindi madaling makilala ng mga tao.
Ang kanyan ama ay naka suot ng sombrero samantalang siya ay hood ng jacket ang
itinakip sa kanyang ulo. Ramdam niya na malalim ang iniisip ng mga ito. Ilang minuto
lang ang dumaan ay binabagtas na nila ang papuntang airport. Nakita niya sa mga gilid
ng daan at bahay-bahay ang mga papel na may mukha ng kanyang pamilya na may
nakalagay na wanted. Nakita niyang naglabas ng baril ang kanyang ama at inayos iyon
gayundin ang kanyang kapatid. Samantalang ang kanyang ina ay tahimik lang ngunit
nababakas sa mukha nito ang takot at kaba sa posibleng mangyari.
Sir, may checkpoint, sabi ng kanilang bodyguard na si Lance.
Bwisit! mura ng gobernador.
Ritche, anong gagawin natin? Paano kapag nahuli tayo? Anong gagawin natin?
sunod-sunod na tanong ni Naniett.
Parang walang marinig si Ritche.
Harryl, maghanda ka! matigas na utos ng kanyang ama. Nakikita niyang
determinado itong makatakas.
Ihinto mo ang sasakyan, Khian, utos ng kanyang ama. Agad na inihinto ang
sasakyan nito sa gilid ng daan. Lumabas ang kanyang ama at pumalit kay Khian
samantalang tumabi sa kanyang ina si Khian.
Ihanda ninyo ang inyong sarili, sabi nito habang umupo sa drivers seat.
Nakita ni Harryl na nangingilid sa luha ang kanyang ina. Malapit na sila. Nakita
niyang sila na ang susunod. Kinabahan na siya, umaasang maging maayos lang ang
lahat. Nakita niyang lumapit sa kanilang sasakyan ang isang pulis na nagsenyas na
buksan ang likuran. Pagkatapos makita ang likuran ay bumalik ito sa harapan at lumapit
sa drivers seat. Kinabahan na siya. Kumatok ito upang buksan ang bintana ng sasakyan.
Nakita niyang hinawakan ng kanyang ama ang baril at siya naman ay nakahanda
rin. Binuksan ng kanyang ama ang bintana.
Sir, may ibibigay po akong larawan, sabi nito sabay abot ng isang papel.
Kung makikita nyo po ang mga taong yan ay pakitawagan po ang numerong
nandiyan, pagpapatuloy nito habang nakatingin sa kanyang ama. Biglang nag-iwas ng
tjngin ang kanyang ama at inayos kunwari ang sombrero nito.
Sir, sandali lang po, pigil nito nang isasara na sana ng kanyang ama ang bintana
ng sasakyan.
Mas lalo siyang kinabahan. Kitang-kita niya sa mukha ng kanyang ina ang takot.
Mas hinigpitan pa ng kanyang kapatid ang hawak nitong baril at nakahanda narin si Khian
at si Lance.
Parang... nakakunot na anito.
May business pa ako kaya nagmamadali ako, putol ni Ritche.
Ah, wala na po, Sir, tugon ng pulis habang nakakunot pa rin ang noo.
Halos hindi siya humihinga dahil sa takot na baka sa maling kilos lang ay yari na
sila.
Isasara na sana ng kanyang ama ang bintana nang pinigilan ulit ito ng pulis.
Lumapit ang isang pulis.
Sir, sandali lang po, anito habang nakatingin sa kanyang ama at sa kanyang
larawan nitong dala.
Si- hindi pa natapos ng pulis ang sasabihin nang biglang pinatakbo nang mabilis
ang sasakyan.
Halos mabingi siya sa putukan. Wala siyang ibang naririnig kundi pagmumura,
pagkalabit ng mga baril at palitan ng putukan.
Anak... garalgal na sambit ng kanyang Ina.
Magiging okay ang lahat, Mom, panigurado niya habang niyayakap ang ina.
Huwag kang lalabas! Kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang lalabas!
matigas na utos ng kanyang ama habang nilalagyan ng bala nito ang baril. Pagkatapos,
dali-dali itong lumabas at nakipagbarilan na rin.
Hon... pipigilan sana ng kanyang ina ang ama ngunit hindi ito nakinig.
Nakita niyang huminto rin ang mga pulis sa di kalayuan at nagsilabasan rin ang
mga ito.
Sorry, anak. Sorry kung nadamay ka, sabi nito habang pinunasan ang mga luha
nito.
Wala siyang sinabi. Galit parin siya sa mga ito. Hindi niya maatim ang mga pang-
aabuso ng kanyang pamilya sa ibang tao.
Mrs. Imperial, sabay lapit sa kanila ng isang pulis.
Tumingin siya sa ibang banda upang hindi makita ang mukha ng kanyang ina.
Biglang nagsilabasan ang mga tao. Nagsidatingan ang mga midya at iba pang mga pulis.
Nakita niyang lumapit ang ibang pulis kina Lance at Khian at pinusasan ang mga ito.
Lumapit ang iba sa kanyang kapatid na may tama sa balikat. Papalapit rin ang ibang mga
pulis sa kanyang ama at pinatayo ang kanyang ama.
Mr. Imperial, inaaresto kayo sa salang pagpatay, pagkasangkot sa illegal
businesses, pagnanakaw at ang pag-utos sa pagsunog ng bahay ng mga Sandoval, rinig
niyang sabi ng isang pulis sa kanyang ama.
Huwag niyo akong pusasan! May tama ako at isa pa hindi ako tatakas! Sasama
ako nang maayos dahil wala akong kasalanan! galit na sabi ni Ritche habang
dinadampot ng mga pulis.
Nagkakagulo ang mga tao. Nagsiksikan sila para makita ang mga pangyayari. Pilit
na nagpupumiglas ang mga hinarang na reporters. Nahawi ang umpukan ng mga tao
nang biglang dumating ang mga sasakyan. Kilala niya ang mga sasakyang dumating.
Nakita niyang lumabas sa isang sasakyan si Mr. Villaluz, kasunod naman ang asawa at
mga anak nito. Galit na lumapit ito at biglang sinuntok ang gobernador.
Hayop ka! galit na sambit nito habang pinipigilan ito ng mga pulis na makalapit
pa.
Tinulungang itayo ng mga pulis si Ritche nang bigla na naman itong sinuntok. Hindi
napansin ni Shailene na dumating pala si William dahil nagkakagulo na.
Hayop ka! Walang awa! Masahol ka pa sa hayop! Hayop! Hindi kita mapapatawad
sa ginawa mo sa pamilyang ko! galit na pagpupumiglas ni William mula sa mga pulis.
Nakita ng dalaga ang galit sa mukha nito sa tindi ng pagkakasuntok nito sa kanyang ama.
Hindi ako titigil hanggat hindi ako nakaganti sayo at sa pamilya mo! paniniguro
ni William kay Ritche.
Lumapit si Shailene sa mga pulis.
Please, dalhin niyo na si Dad, pakiusap niya sa mga pulis. Humarap siya sa
kanyang ama. Nagpupumiglas ang kanyang ama at pilit na gustong makaganti kay
William. Lumapit siya rito.
Dad... Please...Tama na! sigaw niya rito habang pinipigilan ang luha.
Halika na, Mr. Imperial, sabi ng pulis sabay hila sa kanya.
Makakalaya rin ako! Hahaha! Humanda ka! sabay tawa ng gobernador kay
William.
Makukulong ka! Sisiguraduhin ko 'yan! tiim-bagang tugon ng binata.
Makakaganti ako sa inyo, galit na sumbat nito habang tinititigan si William, si
Shailene at ang mga Villaluz.
Huwag na huwag mong sasakyan ang anak ko! galit na bulyaw ni Ritche kay
William habang dinadala ito papunta sa sasakyan ng mga pulis.
Lumapit ang dalaga kay William na kasalukuyang inayos ang sarili mula sa
pagkakahawak ng mga pulis. Gusto niyang yakapin ito ngunit hindi niya kaya.
Sorry... Ako na ang humihinhingi ng paumanhin sa ginawa ng pamilya ko sa
pamilya mo, mahinang sabi niya habang nakayuko. Wala siyang mukhang ihaharap rito.
Nanliit siya sa kanyang sarili.
Tumingin ka sa akin, mahinang utos nito sa kanya ngunit hindi niya ginawa.
Gustuhin man niyang masilayan ang mukha nito ngunit hindi niya magawa. Hinawakan
ni William ang mukha ni Shailene at inangat iyon. Biglang nawala ang galit sa mukha nito
ng makita ang umiiyak siya.
Kahit kailan hindi kita sinisisi sa ginawa ng pamilya mo, sabi nito habang hawak
ang kanyang mukha.
William! biglang sigaw ni Ritche.
Nakita ni Shailene na may hawak ang kanyang ama na baril na nakuha nito mula
sa pulis. Nakatalikod si William at nakaharap sa kanya.
Bang! malakas na putok ng baril ang umaalingangaw sa paligid. Agad niyang
itinulak si William.
Maya-maya ay nakita niya ang pagpupumiglas ng kanyang ama mula sa mga pulis
at pilit na gustong makalapit sa kanya kasabay nito ang malakas na tawag nito sa kanya.
Pleaseee... Lumaban ka... sunod-sunod na sabi niya. Hindi niya alam ang
kanyang gagawin. Pilit itong ngumiti.
Tulong! natatarantang sabi niya.
Tumawag po kayo ng ambulansya! Pakiusap po! sigaw niya sa mga pulis.
Wi-William, sambit nito
Yes, Shailene? Anong masakit? Anong kailangan mo? Huwag kang mag-alala
malapit na ang ambulansya, natatarantang sabi niya rito. Hindi niya kayang mawala ito
sa kanya.
Umangat ang kamay nito papunta sa kanyang mukha. Siya na mismo ang kumuha
sa kamay nito at dinala sa kanyang mukha.
Matagal ko nang gustong mahawakan ulit ang mukhang ito, pilit na ngiting sabi
nito.
Shailene... mahinang sambit niya sa pangalan nito. Hinaplos nito ang ilong niya
pababa sa kanyang labi. Pagkatapos ngumiti ulit ito nang pilit.
Ma-mahal kita, Wi-william. I-I lo-love you, putol-putol na sabi nito. Nakita niyang
nahihirapan na ito.
Please, tumawag kayo ng ambulansya, sigaw niya sa mga taong naroon.
Shailene... Please... Gumising ka, pagmamakaawa niya rito. Nakita niyang halos
kalahati nalang ang nakabukas na mata nito.
Shailene... Please huwag mo akong iwan... umiiyak na sabi niya habang niyakap
ito nang mahigpit.
Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin... nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha niya.
Shailene, lumaban ka, sabi niya habang tulak-tulak ang higaan na kinalalagyan
ni Shailene.
Sir, hanggang dito na lang po kayo, sabi ng isang nars.
Pero kailangan ako ni Shailene, pagpupumilit niya.
Hindi po talaga kayo pwede, Sir. Pasensya na po, pilit na harang nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi maghintay. Umupo siya sa gilid. Tumayo siya at
lumapit sa pintuan. Umupo siya ulit at tiningnan ang orasan.
Tumingin ulit siya sa relo. Tumingin siya sa pintuan. Biglang bumukas ang pinto at
lumabas ang doktor kasabay ng dalawang nars. Agad siyang lumapit sa mga ito.
Doc., kumusta po si Shailene? agad na tanong niya.
Mr.? tanong nito.
Sandoval po. No-kaibigan po ng pasyente, sagot niya rito.
Mr. Sandoval, gusto kong sabihin na ginawa namin ang lahat-
Ano po ang ibig niyong sabihin? putol niya rito.
Nagkaroon ng komplikasyon during the operation ngunit ayos lang siya, more or
less pero... patuloy nito.
Pero, pero ano po? kinakabahang tanong niya rito.
Please be straightforward po, medyo napataas na boses na tanong nya.
Comatosed siya at hindi natin masabi kung magigising pa siya. Kalahati lang ang
pag-asang magigising siya, patuloy nito.
Halos mabingi siya sa kanyang narinig. Parang biglang naging tahimik ang paligid.
Wala siyang ibang naririnig kundi katahimikan. Hindi niya alam kung ilang oras siyang
nakatambay roon. Hindi niya alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Isa lang ang
alam niya. Hawak niya ngayon ang ang kamay ng babaeng pinakamamahal niya. Ang
babaeng pinangarap niya na maihaharap sa altar. Ang babaeng nagbigay ligaya sa
kanya. Ang babaeng una at huling mamahalin niya. Ang babaeng naging buhay niya.
Ngayon, anong silbi ng buhay niya kung mawawala ito? Mas gugustuhin niyang
makasama niya ito kahit kamatayan pa ang haharapin nila. Batid niyang naghihirap si
Shailene subalit naghihirap rin siya sa katotohanang parehong dugo ang lumalatay kay
Shailene at sa mga pumaslang sa pamilya niya.